Ameba Ownd

アプリで簡単、無料ホームページ作成

Mga Salita tungkol sa Kung Paano Sundin ang Diyos

2019.11.09 22:35

92. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawat araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pahayag ng bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi makakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan. Ang dating kapanahunan ay nakalipas na; ito ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat na magawa. Lalung-lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, ang Diyos ay gaganap ng bagong gawain nang lalo pang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagsunod sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sundan ang mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa anumang mga alituntunin, ni itinuturing Niya ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi-nababago. Bagkus, ang gawaing ginagawa Niya ay laging mas bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit na praktikal sa bawat hakbang, paayon nang paayon sa tunay na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang na nararanasan ng tao ang ganitong uri ng gawain na maaabot niya ang huling pagpapabago ng kanyang disposisyon. Ang kaalaman ng tao sa buhay ay umaabot sa lalo pang mas mataas na mga antas, kaya’t ganoon din ang gawain ng Diyos ay umaabot sa lalo pang mas mataas na mga antas. Sa ganitong paraan lamang na magagawang perpekto ang tao at nagiging angkop para sa paggamit ng Diyos. Gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan sa isang banda upang salungatin at baligtarin ang mga pagkaunawa ng tao, at sa kabila ay upang akayin ang tao tungo sa isang mas mataas at mas makatotohanang kalagayan, tungo sa pinakamataas na dako ng paniniwala sa Diyos, upang sa katapusan, ang kalooban ng Diyos ay magagawa.

—mula sa “Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

93. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay nag-iiba sa bawat tagal ng panahon. Kung ikaw ay nagpapakita ng matinding pagkamasunurin sa isang yugto, datapwa’t sa susunod na yugto ay nagpapakita ng kaunti lamang o wala pa nga, kung gayon iiwanan ka ng Diyos. Kung ikaw ay sumasabay sa Diyos sa Kanyang pag-akyat sa hakbang na ito, kung gayon kailangan mong magpatuloy sa pagsabay kapag umakyat Siya sa susunod. Doon ka lamang nagiging isa na masunurin sa Banal na Espiritu. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manatiling nagpapatuloy sa iyong pagkamasunurin. Hindi ka basta lamang maaaring sumunod kapag gusto mo at sumuway kapag ayaw mo. Ang ganitong uri ng pagkamasunurin ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi ka makakasabay sa bagong gawain na Aking ibinabahagi at nagpapatuloy sa paghawak sa mga dating kasabihan, kung gayon paano magkakaroon ng pag-unlad sa iyong buhay? Ang gawain ng Diyos ay upang tustusan ka sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Kapag ikaw ay sumusunod at tumatanggap sa Kanyang mga salita, kung gayon tiyak na gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa nang eksakto sa kung paano Ako nagsasalita. Gawin mo kung ano ang Aking nasabi na, at ang Banal na Espiritu ay gagawa kaagad sa iyo. Naglalabas Ako ng bagong liwanag para makakita kayo at dalhin kayo tungo sa liwanag ng kasalukuyang panahon. Kapag lumalakad ka tungo sa liwanag na ito, ang Banal na Espiritu ay agad na gagawa sa iyo. Mayroong ilan na maaaring maging matigas-ang-ulo, nagsasabing, “Hindi ko basta isasakatuparan kung ano ang iyong sinasabi.” Kung gayon ay Aking sinasabi sa iyo na nakarating ka na ngayon sa katapusan ng daan, ikaw ay tuyô na, at wala nang buhay. Samakatuwid, sa pagdanas sa pagbabago ng iyong disposisyon, pinakamahalaga ang sumabay sa kasalukuyang liwanag.

—mula sa “Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

94. Kung susundin mo at hahangarin maging anuman ang sinasabi ng Banal na Espiritu ikaw ay yaong tumatalima sa Kanya, at sa ganitong paraan magkakaroon ka ng isang pagbabago sa disposisyon. Ang disposisyon ng tao ay nagbabago sa pamamagitan ng mismong salita ng Banal na Espiritu; kung palagi mong itinataguyod ang iyong dating nakaraang mga karanasan at mga patakaran, ang iyong disposisyon ay hindi magbabago. Kung ang Banal na Espiritu ay nagsalita sa kasalukuyan upang sabihin sa lahat ng mga tao na pumasok sa isang buhay ng normal na pagkatao nguni’t patuloy kang nagtutuon sa pagpapanggap at ikaw ay naguguluhan tungkol sa realidad at hindi mo ito sineseryoso, ikaw ay magiging isang tao na hindi nakakaagapay sa Kanyang gawain at hindi ka magiging isang tao na nakapasok sa landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Kung mababago man ang iyong disposisyon o hindi, nakasalalay ito kung makaaagapay ka o hindi sa mismong salita ng Banal na Espiritu at taglay mo o hindi ang tunay na pagkaunawa. Ito ay iba mula sa inyong naunawaan noong una.

—mula sa “Yaong mga Nabago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

95. Kapag nahaharap sa mga problema sa tunay na buhay, paano mo dapat alamin at unawain ang awtoridad ng Diyos at Kanyang dakilang kapangyarihan? Kapag hindi mo alam kung paano unawain, hawakan, at danasin ang mga problemang ito, anong saloobin ang dapat mong angkinin upang ipakita ang iyong intensyon, ang iyong pagnanais, ang iyong realidad ng pagpapasakop sa dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos? Una, dapat mong matutuhan ang maghintay; pagkatapos dapat mong matutuhang maghanap; pagkatapos dapat mong matutuhan ang magpasakop. Ang “paghihintay” ay nangangahulungan na paghihintay sa panahon ng Diyos, hinihintay ang mga tao, pangyayari, at bagay na Kanyang isinaayos para sa iyo, naghihintay para unti-unting ibunyag ng Kanyang kalooban ang Kanyang sarili sa iyo. Ang “paghahanap” ay nangangahulugan ng pagmamasid at pag-unawa sa maalalahaning mga intensyon ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng mga tao, pangyayari, at bagay na inilatag Niya, pag-unawa sa katotohanan sa pamamagitan nila, pag-unawa sa dapat makamit ng tao at mga paraang dapat nilang sundin, pag-unawa sa kung anong mga resulta ang nais na makamtan ng Diyos sa mga tao at anong mga kabutihan ang nais Niyang makamit sa kanila. Ang “pagpapasakop,” mangyari pa, ay tumutukoy sa pagtanggap sa mga tao, pangyayari, at bagay na isinaayos ng Diyos, pagtanggap sa Kanyang dakilang kapangyarihan at, sa pamamagitan nito, ay makilala kung paano idinidikta ng Lumikha ang kapalaran ng tao, kung paano Niya tinutustusan ang tao ng Kanyang buhay, kung paano Niya pinapagana ang katotohanan sa tao. Lahat ng bagay sa ilalim ng mga pagsasaayos at dakilang kapangyarihan ng Diyos ay sumusunod sa natural na mga batas, at kung pagpasyahan mo na hayaan ang Diyos na isaayos at diktahan ang lahat para sa iyo, dapat mong matutuhan ang maghintay, dapat mong matutuhan ang maghanap, dapat mong matutuhan ang magpasakop. Ito ang saloobin na dapat magkaroon ang bawat tao na nagnanais magpasakop sa awtoridad ng Diyos, ang pangunahing katangian na dapat taglay ng bawat tao na nagnanais tanggapin ang dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Upang magkaroon ng ganoong saloobin, ang mag-angkin ng ganoong katangian, dapat mas lalo kayong magpunyagi; at tanging sa gayon lamang maaari kayong pumasok sa tunay na realidad.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

96. May dakilang prinsipyo sa paraan ng pagtrato ng Panginoon ng sangnilikha sa mga bagay na nilikha, at ito rin ang pinaka-pangunahing prinsipyo. Ang pagtrato niya sa mga bagay na nilikha ay ganap na nakabatay sa Kanyang plano ng pamamahala at sa Kanyang mga hinihingi; hindi Niya kailangang sumangguni kaninuman, ni hindi Niya kailangang hingin ang pagsang-ayon ng sinuman sa Kanya. Ginagawa Niya ang anumang dapat Niyang gawin, at tinatrato Niya ang mga tao sa anupamang paraan na nararapat Niyang tratuhin sila, at kung ano pa man ang ginagawa Niya at paano Niya tinatrato ang mga tao ay nakaayon sa mga prinsipyo ng paggawa na pinagbabatayan ng Panginoon ng sangnilikha. Ang tanging dapat gawin ng mga nilikha ay magpasakop, wala silang dapat na ibang pagpipilian. Ano ang ipinapakita nito? Ang Panginoon ng sangnilikha ay mananatiling ang Panginoon ng sangnilikha; may kapangyarihan at katangian siya na isaayos at pamunuan ang anumang bagay na nilikha ayon sa nais Niya, at hindi kailangang may dahilan para gawin iyon. Ito ang Kanyang awtoridad. Paano naman ang mga bagay na nilikha? Wala ni isang nilikha ang may kapangyarihan o karapat-dapat na humatol kung paano dapat kumilos ang Maylikha o kung tama ba o mali ang Kanyang ginagawa, ni ang anumang nilikha ay karapat-dapat na pumili kung sila ba ay dapat pamunuan, pamahalaan, o isaayos ng Panginoon ng sangnilikha. Gayundin, walang anumang nilikha ang karapat-dapat na pumili kung paano sila pamumunuan at isasaayos ng Panginoon ng sangnilikha. Ito ang pinakamataas na katotohanan. Anuman ang nagawa ng Panginoon ng sangnilikha sa mga bagay na nilikha, at paano man Niya ito nagawa, ang mga taong Kanyang nilikha ay dapat gumawa lang ng isang bagay: Maghanap, magpasakop, alamin, at tanggapin ang katunayang ito na inilagay ng Panginoon ng sangnilikha. Ang pinakabunga ay ang naisakatuparan ng Panginoon ng sangnilikha ang Kanyang plano sa pamamahala at natapos ang Kanyang gawain, at dahil dito ay patuloy na sumusulong ang Kanyang plano ng pamamahala nang walang mga hadlang; samantala, dahil natanggap ng mga bagay na nilikha ang patakaran at pagsasaayos ng Maylikha, at dahil nagpasakop sa Kanyang mga patakaran at pagsasaayos, natamo nila ang katotohanan, naintindihan ang kalooban ng Maylikha, at nalaman ang Kanyang disposisyon.

—mula sa “Sa Paghahanap ng Katotohanan Mo Lamang Nalalaman ang mga Gawa ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

97. Noong gumawa si Noe ayon sa tagubilin ng Diyos, hindi niya alam kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi niya alam kung ano ang gustong maisakatuparan ng Diyos. Binigyan lang siya ng Diyos ng kautusan, binilinan siyang gumawa ng isang bagay, nguni’t wala itong gaanong paliwanag, at tumuloy siya at ginawa ito. Hindi niya sinubukang alamin ang mga layunin ng Diyos nang palihim, ni lumaban sa Diyos o nagdalawang puso. Humayo lamang siya at ginawa ito nang maayos nang may malinis at simpleng puso. Anuman ang ipinagawa ng Diyos ay ginawa niya, at ang pagsunod at pakikinig sa salita ng Diyos ang kanyang pagpapatunay sa paggawa ng mga bagay. Ganito katapat at kasimple ang pagharap niya sa ipinagkatiwala ng Diyos. Ang kanyang diwa—ang diwa ng kanyang mga paggawa ay pagsunod, hindi pagdadalawang-isip, hindi paglaban, at higit pa rito, hindi pag-iisip ng mga pansarili niyang kapakanan at pakinabang at kawalan. At noon pang sinabi ng Diyos na gugunawin Niya ang mundo sa pamamagitan ng isang baha, hindi niya tinanong kung kailan o sinubukang arukin ito, at tiyak na hindi niya tinanong ang Diyos kung paano Niya gugunawin ang mundo. Gumawa lang siya ayon sa tagubilin ng Diyos. Sa paano mang paraan nais ng Diyos na gawin ito at kung ano ang ipagagawa nito, ginawa niya ito ayon mismo sa hiningi ng Diyos at nagsimula siyang gumawa agad pagkatapos. Kumilos siya alinsunod sa mga tagubilin ng Diyos nang may saloobing nagnanais na magbigay-kasiyahan sa Diyos. Ginagawa ba niya ito upang matulungan ang sarili niya na makaiwas sa sakuna? Hindi. Tinanong ba niya ang Diyos kung gaano pa katagal bago gunawin ang mundo? Hindi. Tinanong ba niya ang Diyos o alam ba niya kung gaano katagal gawin ang malaking barko? Hindi rin Niya alam iyon. Sumunod lang siya, nakinig, at ginawa ito nang maayos.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

98. Si Job ay hindi nakipagpalitan sa Diyos, at hindi humiling o humingi sa Diyos. Ang kanyang pagpupuri sa pangalan ng Diyos ay dahil sa dakilang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos sa pamumuno sa lahat ng bagay, at hindi nakasalalay sa kung siya ay nagkamit ng pagpapala o nakaranas ng kalamidad. Naniwala siya na hindi alintana kung pinagpapala ng Diyos ang mga tao o nagdudulot ng kapahamakan sa kanila, ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay hindi magbabago, at sa gayon, hindi alintana ang mga pangyayari sa tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na purihin. Na pinagpala ng Diyos ang tao ay dahil sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at kapag dumating ang sakuna sa tao, kaya, gayon din, ay dahil sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay namamahala at umaayos ng lahat sa tao; ang mga hindi inaasahang pagbabago sa kapalaran ng tao ay ang pagpapahayag ng kapangyarihan at awtoridad ng Diyos, at hindi alintana ang kuru-kuro ng tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na papurihan. Ito ang naranasan ni Job at ang nalaman niya sa mga taon ng kanyang buhay. Ang lahat ng iniisip at mga kilos ni Job ay umabot sa mga tainga ng Diyos, at dumating sa harap ng Diyos, at itinuring na mahalaga ng Diyos. Itinangi ng Diyos ang kaalamang ito ni Job, at pinahalagahan si Job sa pagkakaroon ng ganitong puso. Palaging hinintay ng pusong ito ang utos ng Diyos, at sa lahat ng lugar, at kahit anong oras o lugar ay tinanggap nito ang anumang dumating sa kanya. Walang ginawang kahilingan si Job sa Diyos. Ang hiningi niya sa sarili niya ay ang maghintay, tumanggap, harapin at sundin ang lahat ng pag-aayos na nanggaling sa Diyos; naniwala si Job na ito ang kanyang tungkulin, at ito mismo ang nais ng Diyos.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

99. Sa panahong ang Diyos ay nagkatawang-tao, ang pagkamasunurin na kinakailangan Niya sa mga tao ay hindi kung ano ang iniisip ng mga tao—na huwag gumawa ng mga paghatol o lumaban. Sa halip, kinakailangan Niya na ang Kanyang mga salita ay gawin ng mga tao na kanilang panuntunan para sa buhay at ang saligan ng kanilang kaligtasan, na walang pasubali nilang isagawa ang diwa ng Kanyang mga salita, at walang pasubali na mapalugod ang Kanyang kalooban. Isang aspeto ng pag-aatas sa mga tao na sundin ang Diyos na nagkatawang-tao ay tumutukoy sa pagsasagawa ng Kanyang mga salita, at ang isa pang aspeto ay tumutukoy sa kakayahang sundin ang Kanyang pagkanormal at praktikalidad. Ang mga ito ay kailangang parehong ganap. Yaong mga maaaring makatamo sa parehong mga aspetong ito ay lahat ng mga iyon na nagtataglay ng isang pusong tunay na may pag-ibig para sa Diyos. Silang lahat ay mga tao na nakamit ng Diyos, at iniibig nilang lahat ang Diyos kagaya ng kanilang sariling buhay.

—mula sa “Ang mga Tao na Maaaring Walang Pasubali na Masunurin Tungo sa Praktikalidad ng Diyos ay Yaong mga Tunay na Umiibig sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

100. Ang pagdadala ng isang matunog na saksi para sa Diyos ay pangunahin na may kinalaman kung mayroon o wala kang isang pagkaunawa ukol sa praktikal na Diyos, at kung ikaw ay makakasunod o hindi sa harap ng taong ito na hindi lamang karaniwan, nguni’t normal, at sumusunod pa hanggang kamatayan. Kung tunay kang sumasaksi para sa Diyos sa pamamagitan ng pagkamasunurin na ito, nangangahulugan iyon na nakamit ka ng Diyos. Nagagawang sumunod hanggang kamatayan, at pagiging malaya sa mga reklamo sa harap Niya, hindi gumagawa ng mga paghatol, hindi naninirang-puri, walang taglay na mga pagkaintindi, at walang taglay na anumang iba pang mga layunin—sa ganitong paraan ang Diyos ay magtatamo ng kaluwalhatian. Ang pagkamasunurin sa harap ng isang karaniwang tao na minamaliit ng tao at nagagawang sumunod hanggang kamatayan nang walang anumang mga pagkaintindi—ito ay tunay na patotoo. Ang realidad na kinakailangan ng Diyos sa mga tao na pasukin ay ang magawa mong sundin ang Kanyang mga salita, maisagawa ang Kanyang mga salita, magawang yumuko sa harap ng praktikal na Diyos at makilala ang iyong sariling katiwalian, magawang buksan ang iyong puso sa harap Niya, at sa bandang huli ay makamit Niya sa pamamagitan ng mga salita Niyang ito. Nagtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos kapag nilupig ka ng mga salitang ito at magawa kang lubos na masunurin sa Kanya; sa pamamagitan nito ay hinihiya Niya si Satanas at binubuo ang Kanyang gawain. Kapag wala kang taglay na anumang mga pagkaintindi ukol sa praktikalidad ng Diyos na nagkatawang-tao, iyon ay, kapag nakakatayo kang matatag sa pagsubok na ito, kung gayon dinadala mo ang isang mabuting pagsaksi. Kung magkakaroon ng isang araw na taglay mo ang lubos na pagkaunawa ukol sa praktikal na Diyos at kaya mong sumunod hanggang sa kamatayan kagaya ni Pedro, ikaw ay makakamit ng Diyos, at magagawang perpekto Niya. Ang ginagawa ng Diyos na hindi kalinya sa iyong mga pagkaintindi ay isang pagsubok para sa iyo. Kung ito ay kalinya ng iyong mga pagkaintindi, hindi kakailanganin sa iyo na magdusa o pinuhin. Ito ay dahil sa ang Kanyang gawain ay totoong praktikal at ito ay hindi kalinya ng iyong mga pagkaintindi na kinakailangan nito na pakawalan mo ang iyong mga pagkaintindi. Kaya nga ito ay isang pagsubok para sa iyo. Dahil sa praktikalidad ng Diyos kaya ang lahat ng mga tao ay nasa gitna ng mga pagsubok; ang Kanyang gawain ay praktikal, at hindi higit sa pangkaraniwan. Sa pamamagitan ng lubos na pagkaunawa sa Kanyang praktikal na mga salita, Kanyang mga praktikal na mga pagbigkas na walang anumang mga pagkaintindi, at pagiging kaya na tunay na ibigin Siya nang higit habang mas praktikal ang Kanyang gawain, ikaw ay Kanyang kakamtin. Ang grupo ng mga tao na kakamtin ng Diyos ay yaong mga nakakikilala sa Diyos, iyon ay, nalalaman ang Kanyang praktikalidad, at lalong higit pang sila yaong mga nagagawang sundin ang praktikal na gawain ng Diyos.

—mula sa “Ang mga Tao na Maaaring Walang Pasubali na Masunurin Tungo sa Praktikalidad ng Diyos ay Yaong mga Tunay na Umiibig sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

101. Ang grupo ng mga tao na nais makamit ng Diyos na nagkatawang-tao sa kasalukuyan ay yaong sumusunod sa Kanyang kalooban. Kailangan lamang ng mga tao na sundin ang Kanyang gawain, hindi palaging pinag-aalala ang kanilang mga sarili sa mga ideya ukol sa Diyos sa langit, mabuhay sa loob ng kalabuan, o gawing mahirap ang mga bagay para sa Diyos na nasa katawang-tao. Yaong nakakasunod sa Kanya ay yaong mga walang pasubaling nakikinig sa Kanyang mga salita at sinusunod ang Kanyang mga pagsasaayos. Ni hindi papansinin ng mga taong ito kung ano talaga ang nakakatulad ng Diyos sa langit o kung anong uri ng gawain ang kasalukuyang ginagawa ng Diyos sa langit sa sangkatauhan, nguni’t ibinibigay nila nang buo ang kanilang mga puso sa Diyos sa lupa at inilalagay ang kanilang buong mga pagkatao sa harap Niya. Hindi nila kailanman isinaalang-alang ang kanilang sariling kaligtasan, at hindi sila kailanman gumawa ng isang pag-aalala sa pagiging normal at praktikalidad ng Diyos sa katawang-lupa. Yaong mga sumusunod sa Diyos sa katawang-lupa ay maaari Niyang gawing perpekto. Yaong mga naniniwala sa Diyos sa langit ay walang anumang makakamit. Ito ay dahil hindi ang Diyos sa langit, nguni’t ang Diyos sa lupa ang nagkakaloob ng mga pangako at mga pagpapala sa mga tao. Hindi dapat palaging pinalalaki ng mga tao ang Diyos sa langit at titingnan ang Diyos sa lupa bilang pangkaraniwang tao. Ito ay hindi makatarungan. Ang Diyos sa langit ay dakila at kamangha-mangha at mayroong kahanga-hangang karunungan, nguni’t hindi Siya maaaring makita ng mga tao. Ang Diyos sa langit na ginuguni-guni ng tao ay hindi umiiral. Ang Diyos sa lupa ay masyadong karaniwan at walang kabuluhan; Siya rin ay masyadong normal. Hindi Niya taglay ang isang di-pangkaraniwang pag-iisip o mga pagkilos na nakawawasak ng mundo. Siya ay gumagawa at nagsasalita lamang sa isang napakanormal at praktikal na paraan. Kahit hindi Siya nagsasalita sa pamamagitan ng kulog o ipinatatawag ang hangin at ang ulan, Siya talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa langit, at Siya talaga ang Diyos na namumuhay sa gitna ng mga tao. Hindi kailangang palakihin ng mga tao ang isa na nagagawa nilang maunawaan at na tumutugma sa kanilang sariling mga imahinasyon bilang Diyos, o tingnan ang Isa na hindi nila kayang tanggapin at walang pasubaling hindi kayang isipin bilang mababa. Ang lahat ng ito ay pagiging mapanghimagsik ng mga tao; ito ang lahat ng pinagmulan ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos.

—mula sa “Ang mga Tao na Maaaring Walang Pasubali na Masunurin Tungo sa Praktikalidad ng Diyos ay Yaong mga Tunay na Umiibig sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

102. Sa pagsukat kung masusunod ng mga tao ang Diyos o hindi, ang mahalagang tingnan ay kung may hinihiling silang anumang maluho mula sa Diyos, at kung may iba pa silang mga intensyon o wala. Kung palaging humihiling ang mga tao sa Diyos, patunay iyan na hindi pa nila Siya nasunod. Anuman ang mangyari sa iyo, kung hindi mo natatanggap iyon mula sa Diyos, hindi mo hinahanap ang katotohanan, lagi kang nagsasalita mula sa sarili mong makasariling pangangatwiran at lagi mong nadarama na ikaw lamang ang tama, at kaya mo pa ring pagdudahan ang Diyos, magkakaproblema ka. Ang gayong mga tao ang pinakamayabang at pinakasuwail sa Diyos. Ang mga taong laging may hinihiling sa Diyos ay hinding-hindi Siya talaga masusunod. Kung humihiling ka sa Diyos, patunay iyan na nakikipagkasundo ka sa Kanya, na pinipili mo ang sarili mong mga saloobin, at kumikilos ka ayon doon. Dito, nagtataksil ka sa Diyos, at suwail ka. Walang katuturan ang paghiling sa Diyos; kung talagang naniniwala ka na Siya ang Diyos, hindi ka mangangahas na humiling sa Kanya, ni hindi ka nararapat na humiling sa Kanya, makatwiran man iyon o hindi. Kung tunay ang pananalig mo sa Diyos, at naniniwala ka na Siya ang Diyos, wala kang magagawa kundi sambahin at sundin Siya. Ang mga tao ngayon ay hindi lamang may pagpipilian, kundi inuutusan pang kumilos ang Diyos alinsunod sa sarili nilang mga kaisipan, at hindi nila inuutusan ang kanilang sarili na kumilos ayon sa mga layon ng Diyos. Sa gayon, walang tunay na pananalig sa Diyos sa kanilang kalooban, ni walang katuturan ang pananalig nilang ito. Kapag nagagawa mong huwag gaanong utusan ang Diyos, mag-iibayo ang iyong tunay na pananalig at pagsunod, at magiging mas normal din ang iyong pakiramdam.

—mula sa “Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao Mula sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

103. Silang lahat na hindi hinahanap ang pagsunod sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita ng Diyos, at kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isagawa, upang maaaring makamit nila ang pagsunod sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at walang makakapagbago nito. Kung ang iyong mga motibo ay hindi para tumalima sa Diyos, at may iba ka pang mga layon, lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga panalangin sa harap ng Diyos, at pati na ang bawat kilos mo—ay magiging kontra sa Diyos. Maaaring banayad kang magsalita at mahinahon ang pag-uugali mo, maaaring mukhang tama ang bawat kilos at pananalita mo, maaaring mukha kang masunurin, ngunit pagdating sa iyong mga motibo at pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng ginagawa mo ay kontra sa Diyos, at masama. Ang mga taong mukhang masunurin na parang tupa, ngunit may nakatagong masasamang intensyon sa kanilang puso, ay mga lobong nakadamit-tupa, tuwiran silang nagkakasala sa Diyos, at walang ititira ang Diyos kahit isa sa kanila. Ibubunyag ng Banal na Espiritu ang bawat isa sa kanila, para makita ng lahat na bawat isa sa mga ipokrito ay siguradong kamumuhian at itatakwil ng Banal na Espiritu. Huwag kang mag-alala: Haharapin at lulutasin ng Diyos ang bawat isa sa kanila.

—mula sa “Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao