Ameba Ownd

アプリで簡単、無料ホームページ作成

Pananampalataya at Buhay | Sa Pamamagitan Lamang ng Pag-unawa sa Katotohanan na Maaaring Magkaroon a

2019.11.14 22:23

Yi Ran Lungsod ng Laiwu, Lalawigan ng Shandong

Ilang panahon na ang nakararaan, dahil sa hindi ko maunawaan ang prinsipyo sa likod ng pagbabago ng mga tauhan sa iglesia, nang pinalitan ng iglesia ang isang lider, nabuo sa akin ang isang kuru-kuro. Batay sa nakikita ko, ang kapatid na napalitan ay napakagaling pareho sa pagtanggap at pagbabahagi sa katotohanan, at kayang maging tapat tungkol sa kanyang sariling mga pagpapakita ng kasiraan. Kung kaya hindi ko maintindihan kung paano ang isang taong buong-pagsisikap na naghahanap sa katotohanan ay mapalitan. Maaari kayang nasobrahan ang kanyang pagpapahayag ng kanyang sariling pagpapakita ng katiwalian, kung kaya’t napagkamalan siya ng kanyang lider na isang taong hindi naghahanap sa katotohanan, at pinalitan siya? Kung ito talaga ang nangyari, sa gayon hindi kaya nasira na ang isang pagkakataon ng pagsasanay para sa isang naghahanap sa katotohanan?

Noong nakakaramdam ako ng sobrang pagkalito tungkol dito, nabasa ko itong sipi sa isang inayos na gawain na ipinalabas ng iglesia: “Nagdedesisyon ang pamilya ng Diyos para sanayin at gamitin ang mga tao ayon sa kanilang diwa. Kung ang diwa ng isang tao ay nakatuon sa paghanap sa katotohanan, tiyak na hindi sila tatalikuran ng pamilya ng Diyos; kung nakahanda ang isang tao na hanapin ang katotohanan, sa gayon, walang duda na makararanas sila ng isang pagbabago. Kung ang diwa ng isang tao ay hindi naghahanap sa katotohanan, ay pabaya sa kanilang tungkulin at hindi tumatahak sa tamang daan, sa gayon, hindi sila karapat-dapat na sanayin at kahit ang Diyos ay hindi magagawang perpekto ang ganitong klase ng tao. Para sa isang tao na hindi handa ang Diyos na gawing perpekto, hindi rin kaya ng pamilya ng Diyos na sanayin ang mga ito. … Kaya ang pangangalaga sa mga tao ay kailangang harapin ayon sa mga hinihingi ng gawain ng Diyos at ng diwa ng mga tao. Ito lamang ang mabisang paraan para magtrabaho nang kasabay ang Diyos at para tunay na paglingkuran ang Diyos. Kung hindi ginagamit ang mabisang paraan na ito para magtrabaho nang kasabay ang Diyos, sa gayon, nagagambala ang gawain ng Diyos at lubusang sinasalungat ang kagustuhan ng Diyos” (“Pagbabahagi ng Ilang Katanungan” sa Mga Piling Salaysay Tungkol sa mga Isinaayos na Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos). Habang paulit-ulit kong sinusubukan na intindihin ang mga salitang ito, naunawaan ko na mayroong prinsipyo na gumagana itinataas man ng iglesia sa katungkulan ang isang kasamahan o pinapalitan sila. Naunawaan ko na ito ay hinaharap ayon sa mga hinihingi ng gawain ng Diyos at ng diwa ng mga tao, at hindi parang bulag na ginagamit o pinapalitan ang mga tao ayon sa nais. Bukod dito, hindi pinapalitan ng iglesia ang mga tao batay sa pagpapakita nila ng ilang katiwalian, ngunit sa halip, nagpapasya sa mga bagay ayon sa kanilang diwa. Kung ang diwa ng isang tao ay para hanapin ang katotohanan, sa gayon, ang iglesia ay hindi sila ganap na tatalikuran, tiyak na hindi pababayaan o sisirain ang sinumang naghahanap ng katotohanan. Kaya pumunta ako at humarap sa Diyos para magdasal at humingi ng patnubay: “O Diyos! Alam ko na malalim ang pagpapasama sa akin ni Satanas, at walang pag-unawa sa Iyong gawain, dala ang maraming kuru-kuro sa aking kalooban at maraming pananaw na kailanman ay hindi aayon sa Iyo. Ngayon, sa ilalim ng Iyong patnubay, alam ko na ngayon na pumipili, nagsasanay o nagpapalit man ng mga tao, ang lahat ng ito ay hinaharap ng iglesia ayon sa mga hinihingi ng Iyong gawain at ng diwa ng mga tao. Nguni’t hindi ko pa rin lubusang nauunawaan ang diwa ng aking kapatid na pinalitan, na humantong sa aking pagkakaroon ng opinyon tungkol sa kasunduan sa iglesia. Hinihiling ko sa Iyo na patnubayan at akayin ako; pahintulutan ako na makakita nang malinaw para, sa aking gawain mula ngayon, hindi ko magagambala ang Iyong gawain dahil sa aking paglihis at sa aking mga pagkakamali.”

Pagkatapos kong magdasal, tinanggap ko ang mga kasunduan sa gawain at, sa ilalim ng patnubay ng Diyos, nabasa ko ang mga salitang ito: “Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Diyos, sila na naghahanap sa katotohanan ay maaaring sumukat ng kanilang sariling tiwaling kondisyon laban sa mga salita ng Diyos. Ang kanilang pagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos ay hindi ginagawa para lamang pag-usapan ang tungkol sa pag-unawa sa mga salita ng Diyos, nguni’t para pag-usapan din ang tungkol sa pag-unawa sa kanilang mga sarili. Kahit ano pa ang katiwaliang naihayag, magagawa nilang ibunyag para ang mga kapatid na lalaki at babae ay maaaring magtamo ng isang bagay na totoo, habang kasabay nito ay nilulutas ang kanilang sariling katiwalian. Ito rin ang pinakamagandang paraan para akayin ang mga tao sa mga salita ng Diyos. … Ang lahat na nagsasalita lamang tungkol sa literal na mga kahulugan at yaong mga walang katotohanan, ay hindi karapat-dapat na maging mga lider sa pamilya ng Diyos. Ang ganitong uri ng mga lider at manggagawa ay dapat mapalitan” (“Upang Pagsilbihan ang Diyos Kailangang Matutuhan ng Isang Tao kung Paano Kilalanin ang Lahat ng Uri ng mga Tao” sa Mga Piling Salaysay Tungkol sa mga Isinaayos na Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos). Ang mga salitang ito ang tumulong sa akin na matanto na sa pamamagitan ng pagbasa ng mga salita ng Diyos, yaong mga tunay na naghahanap sa katotohanan ay maaari sumukat ng kanilang sariling tiwaling kondisyon laban sa mga salita ng Diyos, magkaroon ng totoong pag-unawa sa diwa ng mga salita ng Diyos, at tunay na maunawaan ang kalikasan at diwa ng kanilang sariling katiwalian. Ang kanilang pagbabahagi ay maaaring maglantad ng tunay na daan para sa mga tao at maaaring magdala sa mga tao sa harap ng Diyos. Bukod pa dito, kasabay ng paglutas sa mga problema ng ibang mga tao, maaari rin nilang lutasin ang kanilang sariling mga problema, at magtuon sa kanilang sariling pagpasok sa buhay at ang kanilang pagbabago sa disposisyon.

Sa ngayon, nagsimulang maalala ko ang bawat detalye ng palagiang kilos at pagganap ng kapatid na napalitan. Bagama’t mahusay at mahaba ang kanyang pagsasalita kapag nilulutas ang mga problema ng ibang mga tao, gamit ang mga salita na nagpapaliwanag at mapangatwiran, hindi niya nalutas ang kahirapan ng kanyang sariling pagpasok sa buhay at palaging namuhay sa estado ng sariling-pagkamatuwid, masyadong mayabang, buo ang paniniwala na nagawa niya nang maayos ang bawat trabaho. Sa katunayan, ang kanyang gawain ay magulo. Kung ang kanyang natanggap at ibinahagi ay tunay na pagkaunawa sa diwa ng katotohanan, bakit hindi niya kayang gamitin ang kanyang pag-unawa para tulungan ang kanyang sarili? Noong ipinakita ng lider sa kanya ang kanyang maling lagay, sineryoso at pinag-aralan ang mga malalang problema sa kanyang gawain, at ibinahagi ito sa kanya, bagama’t tumango siya nang paulit-ulit sa panlabas, na nagpapahayag ng kanyang pagtanggap at kahandaang gawin ito sa prinsipyo, gayunpaman ay palihim siyang nagpatuloy sa kanyang dating mga paraan na labag sa prinsipyo, ginagawa ang mga bagay kung paano niya gusto na nakapinsala ulit sa gawain. Noong siya ay nakatanggap ng pagdisiplina, bagama’t ipinakita ng kanyang panlabas na anyo ang matinding pagsisisi, wala siyang ginawang anumang pagbabago pagkaraan. Kahit ipinahayag niya ang tungkol sa kanyang pagkaunawa sa kanyang sarili at inilantad ang kanyang sariling katiwalian, ang naging resulta nito ay nagawa niyang humanga ang iba sa kanya, tumaas ang tingin sa kanya, lumapit sa kanya ang maraming tao. Ang kanyang paraan ng ganap na paglalantad ng mga bagay ay hindi maaaring magdulot ng kahit anong pakinabang sa kaninuman. Magdudulot lamang ito ng pinsala sa mga tao at lilinlangin sila. … Nakikita ko sa kanyang patuloy na pagganap na, bagama’t nagtrabaho siya nang maraming taon at binigyan ang kanyang sarili ng malawak na literal na pag-unawa, ang kanyang disposisyon sa buhay ay hindi nagkaroon ng anumang pagbabago. Sa kabalintunaan, siya ay naging lalong arogante at mayabang. Ngayon ko lamang napapagtanto na hindi siya isang taong naghanap sa katotohanan, o kaya isang tao na nakatanggap ng dalisay na katotohanan o ganap na nagbahagi. Walang-duda na hindi siya karapat-dapat sanayin at, kung hinayaan siyang manatili sa kanyang posisyon, maaari lamang na naantala niya ang gawain ng iglesia at napinsala ang kanyang mga kapatid. Ang pagpalit sa kanya ay tunay na pagkamatuwid ng Diyos at mas mabuting paraan para mailigtas siya ng Diyos. Kung hindi, patuloy sana siyang nililinlang ng kanyang sariling panlabas na anyo at hindi sana niya nakita ang mga kamalian sa kanyang sariling mga gawain, at sa bandang huli ay mahuhulog sa kaparusahan ng Diyos.

Sa pamamagitan ng bagay na ito ko lamang nakita kung gaano kaliit ang pag-unawa ko sa katotohanan, nakatuon lamang sa literal na mga kahulugan ng mga kasunduan sa gawain at sa katotohanan, pagkakaroon lamang ng panteoryang kaalaman. Walang-duda na hindi ako nakatuon sa pag-unawa sa kagustuhan ng Diyos sa mga kasunduan sa gawain, at wala din akong anumang makabuluhang pagkaunawa sa katotohanan. Kung kaya hindi lamang ako humantong sa kawalang kakayahan upang lubusang maunawaan ang mga diwa ng mga tao, nguni’t sa halip ako ay mayabang na nag-alala na ang isang taong naghanap sa katotohanan ay nagkamaling pinalitan.

O Diyos! Ako ay nagpapasalamat sa Iyong pagbunbunyag at pagpapaliwanag na tumulong sa akin na makita ang sarili kong karukhaan, pagkabulag at kung gaano ako kaawa-awa, na tumulong upang matanto ko na kung walang katotohanan, hindi lubusang mauunawaan ng isang tao ang diwa ng bagay, sa halip, nalilinlang lamang ng mga panlabas na kaanyuan. Tanging sa pag-unawa sa katotohanan lamang maisasagawa nang mahusay ng isang tao ang mahalagang gawain. O Diyos! Magmula sa araw na ito, hinahangad ko na pag-ibayuhin ang aking pagsisikap sa paghahanap sa katotohanan, para hanapin ang Iyong kagustuhan sa lahat ng mga bagay, para gawin ang mga bagay na Iyong hinihingi at para sa madaling panahon, magkaroon ako ng silbi sa Iyo.