Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Mga Salita tungkol sa Kung Paano Maunawaan ang Sarili Mong
70. Sinuman ay maaaring gumamit ng kanilang sariling mga salita at mga pagkilos upang kumatawan sa kanilang tunay na mukha. Ang totoong mukha na ito ay siyempre ang kanilang kalikasan. Kung ikaw ay isang taong nagsasalita sa isang napakapaikot-ikot na paraan, sa gayon ikaw ay may isang baluktot na kalikasan. Kung ang iyong kalikasan ay napakatuso, sa gayon ang paraan ng iyong paggawa ng mga bagay-bagay ay napakatuso at mapanlinlang, at ginagawang napakadali para sa mga tao na malansi mo. Kung ang iyong kalikasan ay labis na masama, ang iyong mga salita ay maaaring maging kaaya-ayang mapakinggan, ngunit ang iyong mga pagkilos ay hindi maaaring pagtakpan ang iyong masamang mga paraan. Kung ang iyong kalikasan ay sobrang tamad, sa gayon ang lahat ng bagay na iyong sinasabi ay lahat naglalayong iwasan ang paninisi at responsibilidad dahil sa iyong kawalang-interes at katamaran, at ang iyong mga pagkilos ay magiging napakabagal at hindi kapani-paniwala, at napakagaling sa pagtatakip ng katotohanan. Kung ang iyong kalikasan ay napaka-madamayin, sa gayon ang iyong mga salita ay magiging makatwiran at ang iyong mga kilos ay magiging lubos na sumusunod din sa katotohanan. Kung ang iyong kalikasan ay napakatapat, sa gayon ang iyong mga salita ay dapat maging taos-puso at ang paraan ng iyong paggawa ng mga bagay ay dapat praktikal, nang walang labis upang ang iyong amo ay hindi mawalan ng tiwala sa iyo. Kung ang iyong kalikasan ay masyadong makamkam o sakim sa pera, sa gayon ang iyong puso ay kadalasang mapupuno ng mga bagay na ito at ikaw ay hindi sinasadyang gagawa ng ilang lihis, imoral na mga bagay na magiging mahirap para sa mga tao na makalimutan at bukod dito ay magiging kasuklam-suklam sa kanila.
—mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
71. Kung uunawain ng mga tao ang kanilang mga sarili, dapat nilang unawain ang tunay nilang mga katayuan. Ang pinakamahalagang aspeto ng pag-unawa sa sariling katayuan ng isa ay ang magkaroon ng pagtangan sa sariling mga kaisipan at mga ideya. Sa bawa’t sakop ng panahon, ang mga kaisipan ng mga tao ay pigil ng isang pangunahing bagay. Kung nagagawa mong kontrolin ang pag-iisip mo, nagagawa mong kontrolin ang bagay na nasa likod ng mga ito. Hindi makokontrol ng mga tao ang mga kaisipan at ideya, ngunit kailangan nilang malaman kung saan nagmumula ang mga kaisipan at ideyang ito, ano ang mga motibo sa likod ng mga ito, paano nabubuo ang mga kaisipan at ideyang ito, ano ang nagkokontrol sa mga ito, at ano ang likas na katangian ng mga ito. Kapag nagbago na ang iyong disposisyon, ang iyong mga kaisipan at ideya, ang mga hangarin ng iyong puso, at mga pananaw mo tungkol sa mga bagay-bagay na pinagsisikapan mong matamo—na nabuo mula sa mga bahagi mo na nabago na—ay mag-iiba. Yaong mga kaisipan at ideyang nanggagaling sa mga bahagi mo na hindi pa nagbago, ang mga bagay na hindi mo malinaw na nauunawaan, at ang mga bagay na hindi mo pa napapalitan ng mga karanasan sa katotohanan ay marumi, marungis, at pangit. Ang mga tao ngayon, na ilang taon nang nakaranas ng gawain ng Diyos, ay may kaunting pagkaunawa at kamalayan sa mga bagay na ito. Hindi pa nauunawaan ng mga nakaranas na ng gawain ng Diyos sa loob ng maikling panahon ang mga bagay na ito; hindi pa ito malinaw sa kanila. Hindi nila alam kung nasaan ang kanilang kahinaan o kung saang parte sila madaling babagsak. Hindi ninyo alam sa kasalukuyan kung anong klaseng tao kayo, at kahit nakikita nang bahagya ng ibang mga tao kung anong klaseng tao kayo, hindi ninyo iyon maramdaman. Hindi ninyo malinaw na natutukoy ang inyong karaniwang mga kaisipan o intensyon, at hindi ninyo malinaw na nauunawaan kung ano ang buod ng mga bagay na ito. Kapag lalo mong naunawaan ang isang aspeto, lalo kang magbabago sa aspetong iyon; sa gayon, ang mga bagay na ginagawa mo ay magiging alinsunod sa katotohanan, matutugunan mo ang mga hinihiling ng Diyos, at magiging mas malapit ka sa Kanyang kalooban. Sa paghahangad lamang sa ganitong paraan ka magtatamo ng mga resulta.
—mula sa “Ang mga Taong Laging May Kinakailangan sa Diyos ang Pinaka-hindi-makatuwiran” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
72. Ano ang pagkaunawa mo sa kalikasan ng tao? Ang ibig sabihin ng pag-unawa sa kalikasan mo ay pagsusuri ng kaibuturan ng iyong kaluluwa; kinapapalooban ito ng nilalaman ng puso mo. Ito ang lohika ni Satanas at maraming pananaw ni Satanas ang ipinamumuhay mo noon pa man; ito ang buhay ni Satanas na ipinamumuhay mo. Mauunawaan mo lamang ang kalikasan mo kung ihahayag mo ang nasa kaibuturan ng iyong kaluluwa. Paano maihahayag ang mga bagay na ito? Hindi maihahayag at masusuri sa isa o dalawang pagkilos lamang ang mga ito; sa maraming pagkakataon, hindi mo pa rin matutukoy ang kalikasan mo kahit may isang bagay ka nang nagawa, at maaaring bumilang pa ng tatlo o limang taon bago ka makapagtamo ng kaunting pagkatanto at pagkaunawa. Samakatwid, magtatamo ka lamang ng mga resulta kapag napagnilayan at nakilala mo ang sarili mo sa maraming sitwasyon, at maigting mong tinuklas ang likas na pagkatao mo. Kapag lumalim nang lumalim ang pagkaunawa mo sa katotohanan, at sa patuloy na pagsusuri at pagkaunawa ng iyong sarili, unti-unti mong malalaman ang diwa ng iyong kalikasan.
Ngayon, para malaman ang iyong kalikasano, dapat kang magsagawa ng ilang bagay. Una, dapat malinaw ang pagkaunawa mo sa gusto mo. Hindi ito tumutukoy sa gusto mong kainin o isuot; sa halip, tumutukoy ito sa mga uri ng bagay na tinatamasa mo, mga bagay na kinaiinggitan mo, mga bagay na sinasamba mo, mga bagay na hinahanap mo, at mga bagay na pinagtutuunan ng puso mo, ang mga uri ng tao na natutuwa kang makahalubilo, ang mga uri ng tao na sinasamba mo, at ang mga uri ng tao na dinidiyos mo sa iyong puso mo. Halimbawa, karamihan sa mga tao ay gusto ang mga taong mataas ang katayuan, mga tao na eleganteng magsalita at matikas, o gusto nila ang mga yaong mahusay magsalita at mapanghibok; ang ilan naman ay gusto ang mga mapagkunwari. Ang mga nabanggit ay tungkol sa mga taong gusto nilang makahalubilo. Para naman sa mga bagay na gustong matamasa ng mga tao, kabilang dito ang kahandaang gawin ang ilang bagay na madaling gawin, nasisiyahang gawin ang mga bagay na sa paniniwala ng iba ay mabuti at makapaghihikayat sa mga tao na umawit ng papuri at magbigay ng papuri. Sa kalikasan ng mga tao, may pagkakatulad ang mga bagay na gusto nila. Ibig sabihin, gusto nila ang mga bagay at mga tao na kinaiinggitan ng iba dahil sa mga panlabas na kaanyuan, gusto nila ang mga bagay at mga tao na magaganda at mayayaman, at gusto nila ang mga bagay at mga tao na sinasamba ng iba dahil sa kanilang mga kaanyuan. Ang mga bagay na kinagigiliwan ng mga tao ay ang magaganda, maningning, marikit, at maringal. Sinasamba ng mga tao ang lahat ng mga bagay na ito. Makikita na ang mga tao ay hindi nagtataglay ng anumang katotohanan, ni hindi sila maitutulad sa matatapat na tao. Wala ni katiting na kabuluhan ang pagsamba sa mga bagay na ito, subalit gusto pa rin ito ng mga tao. …
… Ang gusto mo, ang pinagtutuunan mo, ang sinasamba mo, ang kinaiinggitan mo, at ang iniisip mo sa iyong puso araw-araw ay naglalarawan ng iyong kalikasan. Sapat na ito para mapatunayan na ang iyong kalikasan ay nasisiyahan sa kasamaan, at sa mas malala pang mga sitwayon, ang iyong kalikasan ay masama at wala nang lunas. Dapat mong suriin ang iyong kalikasan sa ganitong paraan; ibig sabihin, suriin mo ang kinagigiliwan mo at ang iwinawaksi mo sa iyong buhay. Marahil, pansamantalang mabait ka sa isang tao, ngunit hindi ito nagpapatunay na kinagigiliwan mo siya. Ang tunay na kinagigiliwan mo ay kung ano ang nasa kalikasan mo, kahit pa madurog ang iyong mga buto, masisiyahan ka pa rin dito at hindi mo ito maiwawaksi kailanman. Ito ay hindi madaling baguhin.
—mula sa “Kung Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Iyong Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
73. Ano ang dapat malaman sa sariling likas na pagkatao? Paano ito malalaman? Mula sa anong mga aspeto ito nalalaman? Bukod pa riyan, paano partikular na dapat tingnan ang likas na pagkatao na isang tao sa pamamagitan ng mga bagay na naibunyag ng isang tao? Una sa lahat, makikita mo ang likas na pagkatao ng isang tao sa pamamagitan ng kanilang mga interes. Halimbawa, mahilig talagang magsayaw ang ilan, ang ilan naman ay mahilig lalo na sa mga mang-aawit o artista, at ang ilan ay iniidolo ang ilang tanyag na tao. Sa pagtingin sa mga interes na ito, ano ang likas na pagkatao ng mga taong ito? Magbibigay ako ng isa pang simpleng halimbawa: Ang ilan ay maaaring talagang idolohin ang isang partikular na mang-aawit, hanggang sa mahumaling na sila sa bawat galaw, bawat ngiti, at bawat salita nito. Kinukunan pa nila ng retrato ang lahat ng isinusuot ng mang-aawit at ginagaya iyon. Ano ang ipinapakita ng lebel na ito ng pag-iidolo tungkol sa likas na pagkatao ng isang tao? Ipinapakita nito na ang mga bagay na iyon lang ang nasa puso ang taong iyon, at hindi ang Diyos. Ang iniisip, minamahal, at hinahangad lang ng taong ito ay lubos na inihahayag ni Satanas; sakop ng mga ito ang puso ng taong ito, na bumigay sa mga bagay na iyon. Ano ang problema rito? Kung sukdulan ang pagmamahal sa isang bagay, maaaring maging buhay ng isang tao ang bagay na iyon at sakupin ang kanilang puso, na lubos na nagpapatunay na ang taong iyon ay sumasamba sa idolo na ayaw sa Diyos at sa halip ay mahal niya ang diyablo. Samakatuwid masasabi natin na ang likas na pagkatao ng taong iyon ay nagmamahal at sumasamba sa diyablo, hindi nagmamahal sa katotohanan, at ayaw sa Diyos. Ito ay isang ganap na tamang paraan ng pagtingin sa likas na pagkatao ng isang tao. Ganito sinusuri ang likas na pagkatao ng isang tao. Halimbawa, masyadong iniidolo ng ilang mga tao si Pablo. Gusto nilang lumabas at magbigay ng mga talumpati at gumawa, gusto nilang magtipon-tipon at magsalita; gusto nilang nakikinig ang mga tao sa kanila, sumasamba sa kanila, at pinalilibutan sila. Gusto nilang magkaroon ng katayuan sa isip ng iba at natutuwa kapag pinahahalagahan ng iba ang kanilang mga larawan. Pag-aralan natin ang kanilang likas na pagkatao mula sa mga pag-uugaling ito: Anong uri ng pagkatao ang taglay ng mga tao na ganito ang pag-uugali? Kung ganito talaga ang kanilang gawi, iyan ay sapat na upang ipakita na sila ay mapagmataas at palalo. Hindi nila sinasamba ang Diyos sa paano man; naghahangad sila ng mas mataas na katayuan, at inaasam na magkaroon ng awtoridad sa iba, upang ariin sila, at upang magkaroon ng higit na katayuan sa kanilang mga isipan. Ito ay isang klasikong larawan ni Satanas. Ang namumukod na aspeto ng kanilang kalikasan ay pagmamataas at kapalaluan, kawalan ng kagustuhang sambahin ang Diyos, at pagnanais na masamba ng iba. Ang gayong mga pag-uugali ay maaaring magbigay sa iyo ng napakalinaw na pananaw tungkol sa kanilang likas na pagkatao.
—mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
75. Kung napakababaw ng kaalaman ng mga tao tungkol sa kanilang sarili, makikita nila na imposibleng lutasin ang mga problema, at talagang hindi magbabago ang kanilang disposisyon sa buhay. Kailangang makilala nang malalim ng isang tao ang kanyang sarili—na ibig sabihi’y malaman ang sariling pagkatao ng isang tao—at malaman kung anong mga elemento ang kasama sa pagkataong iyon, paano nagsimula iyon, at saan iyon nanggaling. Bukod pa riyan, talaga bang nagagawa mong kamuhian ang mga bagay na ito? Nakita mo na ba ang sarili mong pangit na kaluluwa at masamang pagkatao? Kung talagang nagagawa mong makita ang katotohanan tungkol sa iyong sarili, magsisimula kang kasuklaman ang iyong sarili. Kapag kinasuklaman mo ang iyong sarili at pagkatapos ay isinagawa mo ang salita ng Diyos, magagawa mong talikuran ang laman at magkakaroon ka ng lakas na isagawa ang katotohanan nang walang hirap. Bakit maraming taong sumusunod sa kagustuhan ng kanilang laman? Iyon ay dahil itinuturing nila ang kanilang sarili na mahusay; pakiramdam nila ay tama sila at makatwiran, na wala silang kamalian, at na talaga ngang tama sila. Samakatuwid ay maaari silang kumilos na ipinapalagay na nasa panig nila ang katarungan. Kapag kinikilala ng isa kung ano ang tunay niyang kalikasan—gaano kapangit, gaano kasuklam-suklam, at gaano kaawa-awa — hindi na niya ipinagmamalaki nang labis ang kaniyang sarili, hindi na masyadong mapagmataas, at hindi na gaanong nasisiyahan sa kaniyang sarili tulad ng dati. Nararamdaman ng gayong tao, “Ako ay kailangang maging maalab at mapagpakumbaba sa pagsasagawa ng ilan sa mga salita ng Diyos. Kung hindi, ako ay hindi aabot sa pamantayan ng pagiging tao, at mahihiyang mamuhay sa harapan ng Diyos.” Nakikita niyang tunay ang sarili bilang napakahamak, bilang totoong walang halaga. Sa pagkakataong ito ay nagiging madali para sa isa na isakatuparan ang katotohanan, at ang isa ay mas magmumukhang katulad ng kung ano dapat ang isang tao. Kapag tunay na kinasuklaman ng mga tao ang kanilang sarili, saka lang nila nagagawang talikuran ang laman. Kung hindi nila kinasusuklaman ang kanilang sarili, hindi nila magagawang talikuran ang laman. Ang tunay na pagkamuhi sa sarili ay binubuo ng ilang bagay: Una, pagkaalam sa sariling pagkatao; at pangalawa, pagkakita sa sarili na nangangailangan at kaawa-awa, pagkakita sa sarili na lubhang maliit at walang kabuluhan, at pagkakita sa sariling kaawa-awa at maruming kaluluwa. Kapag lubos na nakikita ng isang tao kung ano siya talaga, at ito ang kinahinatnan, talagang nagtatamo siya ng kaalaman tungkol sa sarili, at masasabi na lubos na niyang nakilala ang kanyang sarili. Saka lamang niya talaga maaaring kamuhian ang kanyang sarili, hanggang sa isumpa niya ang kanyang sarili, at talagang madama niya na labis siyang nagawang tiwali ni Satanas kaya ni hindi siya mukhang tao. Sa gayon, balang araw, kapag lumitaw ang panganib ng kamatayan, iisipin ng taong iyon, “Ito ang matuwid na parusa ng Diyos. Tunay ngang matuwid ang Diyos; napakarumi at napakatiwali ko kaya dapat akong puksain ng Diyos, at ang isang kaluluwang katulad ng akin ay hindi nababagay na mabuhay sa lupa.” Sa puntong ito, hindi magrereklamo ni lalaban ang taong ito, ni magtataksil sa Diyos. Kung hindi nakikilala ng isang tao ang kanyang sarili, at itinuturing pa rin niyang mahusay siya, kapag sumapit ang kamatayan, iisipin ng taong ito na, “Naipamuhay ko ang aking pananampalataya. Nagsumikap ako nang husto! Napakarami kong naibigay, nagdusa akong masyado, subalit sa huli, gusto na ngayon ng Diyos na mamatay ako. Hindi ko alam kung nasaan ang katuwiran ng Diyos. Bakit Niya gustong mamatay ako? Kung kailangang mamatay pati ang isang taong katulad ko, sino na ang maliligtas? Hindi ba magwawakas ang lahi ng tao?” Una sa lahat, ang taong ito ay may mga pagkaintindi tungkol sa Diyos. Pangalawa, ang taong ito ay nagrereklamo, at hindi nagpapakita ng anumang pagpapasakop. Katulad lang siya ni Pablo: Nang malapit na siyang mamatay, hindi niya kilala ang kanyang sarili, at nang malapit na ang parusa ng Diyos, huli na para magsisi.
—mula sa “Ang Pagkilala sa Sarili ay Pangunahing Pagkilala sa Pantaong Kalikasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
76. Para makilala ng mga tao ang kanilang sarili, maraming iba’t ibang pamamaraang nagamit ang Diyos. Tinutulutan Niya ang mga tao na unti-unting magtamo ng kaalaman tungkol sa kanilang sarili sa pamamagitan ng karanasan. Sa mga pagsubok man, paghatol o pagkastigo, tinutulutan ng Diyos na magkaroon ng walang-humpay na karanasan ang mga tao sa Kanyang mga salita at sa totoong mga pangyayari. Nagdaranas ang mga tao ng paghatol, pagkastigo at pagdisiplina ng mga salita ng Diyos, at nagdaranas din sila ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng mga salita ng Diyos. Kasabay nito, tinutulutan Niya ang mga tao na kilalanin ang kanilang katiwalian, pagiging mapanghimagsik, at likas na pagkatao. Kaya ano ang panghuling mithiin ng lahat ng ito? Ang panghuling mithiin nito ay tulutan ang bawat tao na maranasan ang gawain ng Diyos para malaman kung ano ang mga tao. Ano ang kabilang sa “kung ano ang mga tao”? Kabilang dito ang pagtutulot sa mga tao na kilalanin ang sarili nilang identidad, posisyon, tungkulin, at responsibilidad. Iyon ay para malaman mo kung sino ka mismo. Ito ang huling mithiin ng pagtutulot ng Diyos na makilala ng mga tao ang kanilang sarili.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
77. Bawat bagay na umiiral sa ating puso ay salungat sa Diyos. Kabilang dito ang mga bagay na sa palagay natin ay mabuti, at maging yaong mga pinapaniwalaan na nating positibo. Inilista natin ang mga bagay na ito bilang mga katotohanan, bilang bahagi ng normal na pagkatao, at bilang mabubuting bagay; gayunpaman, sa pananaw ng Diyos, ito ang mga bagay na Kanyang kinapopootan. Samakatwid, dapat nating kilalanin ang ating mga sarili. Mula sa ating mga ideya, pananaw, at mga kilos hanggang sa kulturang pinag-aralan at tinanggap natin, bawat bagay ay nararapat na pakasaliksikin at pakasuriin. Ilan sa mga bagay na ito ang mula sa kapaligiran, ilan ay mula sa mga pamilya, ilan ay mula sa edukasyong natamo sa paaralan, ilan ay mula sa mga aklat. Ang ilan ay mula rin sa ating mga palagay at paniniwala. Ang ganitong uri ng mga bagay ay siyang lubhang nakakatakot, sapagka’t ginagapos at pinipigilan nito ang ating mga salita at kilos, dinodominahan ang ating mga isipan, at ginagabayan ang ang ating mga motibo, layunin, at mga mithiin sa ating mga ginagawa. Hangga’t kinikimkim mo ang ang iyong sariling mga ideya at pananaw sa mga bagay na sa paniniwala mo ay tama, hindi mo kailanman matatanggap ang mga salita ng Diyos nang ganap at walang pag-aalinglangan, ni isasabuhay ang mga ito sa orihinal na anyo ng mga ito; tiyak na isasabuhay mo lamang ang mga ito matapos mong pagbulayan ang mga ito sa iyong puso. Ito ang magiging paraan mo ng paggawa ng mga bagay-bagay, at ito rin ang magiging paraan mo ng pagtulong sa iba. Pagkatapos ay papaniwalaan mo na naisabuhay at naintindihan mo na ang katotohanan, at natamo mo na ang lahat ng bagay. Hindi ba’t kaaawa-awa ang kalagayan ng sangkatauhan? Hindi ba’t lubhang nakakatakot ito?
—mula sa “Nakikilala Mo ang Iyong Sarili sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Iyong Mga Lisyang Pananaw” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
78. Para makilala ang iyong sarili, kailangan mong malaman kung ano ang ipinapakita mong sariling katiwalian, sarili mong malalaking kahinaan, iyong disposisyon, at iyong likas na pagkatao at diwa. Kailangan mo ring malaman, hanggang sa pinakahuling detalye, yaong mga bagay na nahahayag sa iyong pang-araw-araw na buhay—ang iyong mga motibo, iyong mga pananaw, at iyong pag-uugali tungkol sa bawat isang bagay—nasa bahay ka man o sa iglesia, kapag nasa mga pagtitipon ka, kapag kumakain o umiinom ka ng mga salita ng Diyos, o sa bawat isang isyung nararanasan mo. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito kailangan mong makilala ang iyong sarili. Para makilala ang iyong sarili nang mas malalim, kailangan mong pagsama-samahin ang mga salita ng Diyos; magkakamit ka lamang ng mga resulta kapag nakilala mo ang iyong sarili batay sa Kanyang mga salita.
—mula sa “Ang Kahalagahan at ang Landas ng Paghahabol sa Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
79. Ang susi sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon ay ang alamin ang sariling likas na pagkatao ng isang tao, at kailangang mangyari ito alinsunod sa mga pagbubunyag mula sa Diyos. Sa salita lamang ng Diyos malalaman ng isang tao ang sarili niyang kasuklam-suklam na pagkatao, makikilala sa sarili niyang pagkatao ang iba’t ibang lason ni Satanas, matatanto na ang isang tao ay hangal at mangmang, at matutukoy ang mahina at negatibong mga elemento sa pagkatao ng isang tao. Pagkatapos malaman nang lubusan ang mga ito, at talagang nagagawa mong kamuhian ang iyong sarili at talikuran ang laman, na palaging isinasagawa ang salita ng Diyos, at may kahandaang talagang magpasakop sa gawain ng Banal na Espiritu at sa salita ng Diyos, nasimulan mo nang tumahak sa landas ni Pedro.
—mula sa “Ang Pagkilala sa Sarili ay Pangunahing Pagkilala sa Pantaong Kalikasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
80. Paano mo masasabi kung ano ang diwa ng isang tao? Hindi mo masasabi kung ano ang likas na pagkatao at diwa ng isang tao kapag wala silang ginagawa o kapag walang-kuwenta ang kanilang ginagawa. Nakikita ang mga ito sa kanilang inihahayag kapag may nangyayari sa kanila sa pang-araw-araw nilang buhay, at nakikita ang mga ito sa mga motibo sa likod ng kanilang mga ikinikilos, sa mga layon at hangarin sa likod ng kanilang ginagawa, at sa landas na kanilang tinatahak. Ang mas mahalaga pa, nakikita ang mga bagay na ito sa kanilang reaksyon kapag nakakaranas sila ng isang sitwasyong ipinlano ng Diyos, kapag nakakaranas sila ng isang bagay na personal na ginawa sa kanila ng Diyos, kapag sila ay sinusubok at pinipino, o hinarap at pinungos, o kung hindi nama’y kapag personal silang nililiwanagan at ginagabayan ng Diyos. Inihahayag ng mga bagay na iyon ang kanilang likas na pagkatao at diwa. Saan nauugnay ang lahat ng ito? Nauugnay ito sa mga kilos ng isang tao, sa paraan ng kanilang pamumuhay, at sa mga prinsipyong sinusunod nila sa kanilang pag-uugali. Nauugnay rin ito sa direksyon at mga mithiin ng kanilang mga sinisikap na matamo, sa mga pamamaraan kung paano nila ito sinisikap na matamo, sa landas na kanilang tinatahak, sa kung ano ang kanilang ikinabubuhay, at sa kung ano ang batayan ng kanilang pag-iral.
—mula sa “Paano Makikilala ang Likas na Pagkatao at Diwa ni Pablo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
81. Ang tungkol sa susi sa pagmumuni-muni-sa-sarili at pagkilala sa iyong sarili ay ito: Mas nararamdaman mong nakagawa ka ng mabuti sa ilang tukoy na larangan o nagawa ang tama, at mas naiisip mong nabibigyang-kasiyahan mo ang kalooban ng Diyos o karapat-dapat magmalaki sa mga larangang iyon, kung gayon mas karapat-dapat para sa iyo na kilalanin ang iyong sarili sa mga larangang iyon at mas karapat-dapat para sa iyo na saliksikin pang mabuti ang mga iyon para makita kung anong mga karumihan ang naroon sa iyo, at kung anong mga bagay sa iyo ang hindi makakapagbigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Gawin nating halimbawa si Pablo. Si Pablo ay lubhang maalam na tao, at dumanas ng maraming paghihirap sa pangangaral. Maraming tao ang nagmamahal sa kanya. Dahil dito, inisip na agad ni Pablo na may nakalaan ng putong o korona para sa kanya. Ito ang nag-udyok sa kanya na lalo pang tahakin ang maling landas, hanggang sa bandang huli ay pinarusahan siya Ng Diyos. Kung, noong panahong iyo, ay sinuri at pinagbulayan niya nang husto ang kanyang sarili at binusisi nang husto, hindi niya sana naisip iyon. Sa madaling salita, hindi nagtuon si Pablo sa paghahanap ng katotohanan sa mga salita ng Panginoong Jesus; ang pinaniwalan lamang niya ay ang kanyang sariling mga paniniwala at palagay. Inakala niya na hangga’t gumagawa siya ng ilang mabubuting bagay at nagpapakita ng magandang asal, siya ay pupurihin at gagantimpalaan ng Diyos. Sa huli, ang kanyang sariling mga paniniwala at palagay ang bumulag ng kanyang espiritu at palagay at natakpan ang tunay niyang mukha. Gayunpaman, hindi ito ito alam ng mga tao, at dahil hindi ito nailantad ng Diyos, patuloy nilang itinuring si Pablo bilang huwaran na inaasam nilang kahinatnan. Si Pablo ang hinangad nilang maging pamantayan at minithing tularan. Ang kuwentong ito tungkol kay Pablo ay nagsisilbing babala para sa lahat ng nananalig sa Diyos, na tuwing nadarama mo na may nagawa ka talagang maganda, o naniniwala ka na talagang likas kang matalino sa ilang aspeto at hindi mo kailangang magbago o mapangaralan sa ilang aspeto, dapat mong sikaping kilalanin ang iyong sarili sa aspetong iyon. Ito ay dahil talagang hindi mo pa natutuklasan, napapansin, o nasusuri ang mga aspeto ng inyong sarili kung saan iniisip mo na maganda ang iyong nagawa, para makita kung talagang mayroon o walang anuman doon na kumakalaban sa Diyos.
—mula sa “Nakikilala Mo ang Iyong Sarili sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Iyong Mga Lisyang Pananaw” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
82. Napakababaw ng kaalaman ng mga tao tungkol sa sarili nilang pagkatao, at napakalayo sa mga salita ng paghatol at paghahayag ng Diyos. Hindi ito isang pagkakamali sa kung ano ang ibinubunyag ng Diyos, kundi ito ay ang kakulangan sa malalim na pagkaunawa ng mga tao tungkol sa kanilang sariling kalikasan. Ang mga tao ay walang pangunahin o makabuluhang pagkaunawa sa kanilang mga sarili; sa halip, sila ay nakatuon at naglalaan ng kanilang lakas sa kanilang mga pagkilos at panlabas na mga pagpapahayag. Kahit na kung ang isang tao ay paminsan-minsang nagsasabi ng isang bagay tungkol sa pagkaunawa sa kanyang sarili, hindi ito magiging napakalalim. Walang sinuman ang kailanma’y nag-isip na siya ay ganitong uri ng tao o may ganitong uri ng kalikasan sanhi ng pagkakagawa ng ganitong uri ng bagay o pagkakapagbunyag ng isang bagay. Naibunyag ng Diyos ang kalikasan at diwa ng pagkatao, subali’t nauunawaan ng mga tao na ang kanilang paraan nang paggawa ng mga bagay-bagay at kanilang paraan ng pananalita ay may kapintasan at depektibo; samakatuwid isang nakapapagod na gawain para sa mga tao na isagawa ang katotohanan. Iniisip ng mga tao na ang kanilang mga pagkakamali ay pansamantalang mga pagpapakita lamang, na basta na nabubunyag sa halip na pagiging mga kapahayagan ng kanilang kalikasan. Ang mga taong ganito ang turing sa kanilang sarili ay hindi naisasagawa ang katotohanan, dahil hindi nila matanggap ang katotohanan bilang katotohanan at hindi sila nauuhaw sa katotohanan; samakatuwid, kapag isinasagawa ang katotohanan, sila ay basta sumusunod lamang sa mga tuntunin. Hindi nakikita ng mga tao ang kanilang sariling kalikasan bilang napakatiwali, at naniniwala na hindi naman sila ganoon kasama para puksain o parusahan. Iniisip nila na hindi malaking kasalanan ang magsinungaling paminsan-minsan, at itinuturing nila ang kanilang sarili na mas mabuti kaysa rati; subali’t, sa katunayan, alinsunod sa mga pamantayan, may malaking kaibahan dito, sapagka’t ang mga tao ay mayroon lamang ilang mga pagkilos na sa panlabas ay hindi lumalabag sa katotohanan, kapag hindi nila aktwal na isinasagawa ng katotohanan.
—mula sa “Pag-unawa sa Kalikasan at Pagsasagawa ng Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
88. Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at natatamo ang katotohanan, ang likas na pagkatao ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa likas na pagkataong iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katungkulan? Bakit napakatindi ng damdamin mo? Bakit gustung-gusto mo ang bagay na hindi matuwid? Bakit gustung-gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang tunay na dahilan kung bakit gustung-gusto mo ang mga bagay na ito? Saan nagmumula ang mga iyon? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil naroon ang lason ni Satanas. Tungkol naman sa kung ano ang lason ni Satanas, lubos itong maipapahayag sa mga salita. Halimbawa, kung tatanungin mo ang ilang masamang tao kung bakit gayon ang kilos nila, sasagot sila: “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba.” Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng suliranin: Ang lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Ginagawa nila ang mga bagay-bagay para sa ganito at ganoong layunin, ngunit ginagawa lamang nila iyon para sa kanilang sarili. Iniisip ng lahat ng tao na iyon ay “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba.” Ito ang buhay at ang pilosopiya ng tao, at kinakatawan din nito ang kanilang likas na pagkatao. “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba”—ang pahayag na ito ay malinaw na lason ni Satanas, at kapag isinabuhay ito ng mga tao, nagiging likas na iyon sa kanila. Ang likas na pagkatao ni Satanas ay inilalantad sa sa mga salitang ito; lubos itong kumakatawan dito. Ang lasong ito ay nagiging buhay ng tao at nagiging pundasyon din nila sa buhay, at ang sangkatauhang ginawang tiwali ay patuloy nang pinangingibabawan nito sa loob ng libu-libong taon. Ang lahat ng ginagawa ni Satanas ay para sa sarili nito. Inaasam nitong higitan ang Diyos, makalaya sa Kanya, at hawakan mismo ang kapangyarihan, at angkinin ang lahat ng mga bagay na nalikha ng Diyos. Matapos na ang tao’y ginawang tiwali ni Satanas, naging mapagmataas sila at mayabang, makasarili at mababang-uri, at iniisip lamang ang kanilang mga pakinabang. Samakatuwid, ang kanilang kalikasan ay kalikasan ni Satanas. Sa katunayan, karamihan sa mga paniniwala ng mga tao ay maaaring maglarawan at kakitaan ng kanilang likas na pagkatao. Gaano man tangkaing ikaila ito ng mga tao, hindi nila maikukubli ang kanilang likas na pagkatao. May ilang hindi kailanman nagsasabi ng katotohanan at magaling magkunwari, ngunit kalaunan sa sandaling makasama na sila ng ibang tao, nabubunyag na ang kanilang tunay na pagkatao. Sa huli, ganito ang nagiging konklusyon ng iba: Ang taong iyan ay hindi kailanman nagsasalita ng totoo, at mapanlinlang. Ang pahayag na ito ay nagpapatunay at naglalarawan ng likas na pag-uugali ng isang tao; ang pilosopiya nila sa buhay ay huwag sabihin kaninuman ang katotohanan, at huwag ding maniwala kaninuman. Ang likas na pagkatao ng tao ay may napakaraming masamang pisolopiya. Kung minsan ikaw mismo, ni hindi mo alam iyan at hindi mo iyan nauunawaan, subalit bawat sandali ng iyong buhay ay batay roon. Bukod pa riyan, iniisip mo na ang pilosopiyang ito ay medyo tama at makatwiran. Ang pilosopiya ni Satanas ay naging katotohanan sa mga tao, at lubos na naaayon ang pamumuhay nila sa pilosopiya ni Satanas, nang hindi naghihimagsik laban dito ni katiting. Samakatuwid, palagi nilang inilalantad ang kanilang likas na kasamaan, at sa lahat ng aspeto, nabubuhay sila ayon sa napakasamang pilosopiyang ito. Ang pagkatao ni Satanas ay ang buhay ng tao.
—mula sa “Paano Tahakin ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo