Ameba Ownd

アプリで簡単、無料ホームページ作成

Salita ng Diyos | Mga Salita tungkol sa Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at ng Tao

2019.11.24 18:02

27. Ang gawain ng Diyos Mismo ay kinapapalooban ng gawain ng buong sangkatauhan, at ito ay kumakatawan din sa gawain ng buong kapanahunan. Ibig sabihin niyan, ang sariling gawain ng Diyos ay kumakatawan sa galaw at kalakaran ng lahat ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang ang gawain ng mga apostol ay sumusunod sa sariling gawain ng Diyos at hindi nangunguna sa kapanahunan, o kumakatawan man ito sa kalakarang gawain ng Banal na Espiritu sa isang buong kapanahunan. Ginagawa lamang nila ang gawain na dapat gawin ng tao, na hindi kinapapalooban kahit kailan ng gawaing pamamahala. Ang sariling gawain ng Diyos ay ang proyekto sa loob ng gawaing pamamahala. Ang gawain ng tao ay tanging ang tungkulin ng mga tao na ginagamit at walang kinalaman sa gawaing pamamahala. Dahil sa iba’t ibang pagkakakilanlan at mga pagkatawan ng gawain, sa kabila ng katotohanan na ang mga iyon ay parehong gawain ng Banal na Espiritu, mayroong malinaw at makabuluhang mga pagkakaiba sa pagitan ng sariling gawain ng Diyos at ng gawain ng tao. Higit pa rito, ang lawak ng gawain na ginagawa ng Banal na Espiritu sa mga kinauukulan ng gawain na may iba’t ibang pagkakakilanlan ay magkakaiba. Ang mga ito ang mga prinsipyo at sakop ng gawain ng Banal na Espiritu.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

28. Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, nagbubunyag ng mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang kaliwanagan na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa o kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o maibubunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, at ang tao ay may diwa ng tao.

—mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

29. Ang nagkatawang-taong Diyos ay may malaking kaibahan mula sa mga tao na ginagamit ng Diyos. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kayang gawin ang gawain ng pagka-Diyos, samantalang ang mga tao na ginagamit ng Diyos ay hindi. Sa simula ng bawat isang kapanahunan, ang Espiritu ng Diyos ay personal na nagsasalita upang ilunsad ang bagong kapanahunan at dalhin ang tao sa isang bagong simula. Kapag natapos na Siya sa pagsasalita, nagpapahiwatig ito na ang gawain ng Diyos sa loob ng Kanyang pagka-Diyos ay tapos na. Pagkatapos noon, ang mga tao ay sumusunod lahat sa pangunguna niyaong mga ginamit ng Diyos upang pumasok sa karanasan ng kanilang buhay.

—mula sa “Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

30. Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong panahon, at ang mga nagpapatuloy sa Kanyang gawain ay ang mga tao na ginagamit Niya. Ang gawain na ginawa ng tao ay napapaloob sa ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao, at hindi kaya na lumampas sa ganitong saklaw. Kung ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi dumating upang gawin ang Kanyang gawain, ang tao ay walang kakayahan upang dalhin ang lumang kapanahunan sa katapusan, at hindi kayang maghatid ng isang bagong panahon. Ang gawain na ginawa ng tao ay tanging sa loob na saklaw ng kanyang tungkulin na posible sa tao, at hindi kumakatawan sa gawain ng Diyos. Tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang maaaring dumating at gawing ganap ang gawain na dapat Niyang gawin, at bukod sa Kanya, walang sinuman ang maaaring gawin itong gawain sa Kanyang ngalan. Siyempre, ang tinutukoy Ko ay ang tungkol sa gawain ng pagkakatawang-tao.

—mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

31. Ang gawain na ipinatutupad niyaong kinakasangkapan ng Diyos ay upang makipagtulungan sa gawain ni Cristo o ng Banal na Espiritu. Ang taong ito ay itintaaas ng Diyos sa gitna ng tao, siya ay naroon upang pangunahan ang lahat ng hinirang ng Diyos, at siya ay itinataas din ng Diyos upang gawin ang gawain ng pakikipagtulungan ng tao. Kasama ang isang gaya nito, na nagagawang gawin ang gawain ng pakikipagtulungan ng tao, mas marami pang kinakailangan ang Diyos tungo sa tao at ang gawain ng Banal na Espiritu sa gitna ng tao ay matatamo sa pamamagitan niya. Ang isa pang paraan sa pagsasabi nito ay kagaya nito: Ang layunin ng Diyos sa pagkasangkapan sa taong ito ay upang lalong mauunawaan ng lahat niyaong sumusunod sa Diyos ang kalooban ng Diyos, at makakamit ang higit pa sa mga kinakailangan ng Diyos. Sapagkat ang mga tao ay walang kakayahan na tuwirang maunawaan ang mga salita ng Diyos o ang kalooban ng Diyos, itinaas ng Diyos yaong nagpapatupad dati ng gayong gawain. Ang taong ito na kinakasangkapan ng Diyos ay maaari ding ilarawan bilang isang paraan kung saan ginagabayan ng Diyos ang mga tao, bilang “tagasalin” na nakikipag-usap sa pagitan ng Diyos at ng mga tao.

—mula sa “Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

32. Ang tao na kinakasangkapan ng Diyos ay itinataas Niya, inihahanda siya ng Diyos para sa gawain ng Diyos, at siya ay nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos Mismo. Walang sinumang tao ang maaaring tumayo para sa kanyang gawain, ang pakikipagtulungan ng tao ay mahalaga sa maka-Diyos na gawain. Ang gawain na ipinatupad ng ibang mga manggagawa o mga apostol, samantala, ay paghahatid at pagpapatupad lamang ng maraming aspeto ng mga pagsasaayos para sa mga iglesia sa panahon ng bawat yugto, o kung hindi ang gawain ng ilang payak na pantustos ng buhay upang mapanatili ang buhay iglesia. Ang mga manggagawang ito at ang mga apostol ay hindi hinihirang ng Diyos, lalong hindi sila matatawag na yaong mga kinakasangkapan ng Banal na Espiritu. Sila ay pinipili mula sa gitna ng mga iglesia at, pagkatapos silang sinanay at nilinang sa loob ng isang panahon, yaong mga angkop ay pinanatili, habang yaong mga hindi angkop ay pinabalik kung saan sila nanggaling. Sapagkat ang mga taong ito ay pinipili mula sa mga iglesia, ipinakikita ng ilan ang kanilang totoong mga kulay pagkatapos maging mga tagapanguna, at ang ilan ay gumagawa pa ng maraming masasamang bagay at naaalis sa bandang huli. Siya na kinakasangkapan ng Diyos, sa kabilang banda, ay yaong inihanda ng Diyos, at siyang nagtataglay ng isang partikular na kakayahan, at mayroong pagkatao. Siya ay inihanda at ginawang perpekto nang pauna ng Banal na Espiritu, at ganap na pinangunahan ng Banal na Espiritu, at, lalo na pagdating sa kanyang gawain, siya ay tinagubilinan at inutusan ng Banal na Espiritu—bilang resulta na kung saan walang paglihis sa landas sa pangunguna sa mga hinirang ng Diyos, sapagkat tiyak na pananagutan ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, at ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain sa lahat ng pagkakataon.

—mula sa “Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

33. Ang lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos Mismo ay ang gawaing ninanais Niya na gawin sa Kanyang sariling plano ng pamamahala at may kaugnayan sa malaking pamamahala. Ang gawain na ginagawa ng mga tao (iyon ay, ang mga tao na ginagamit ng Banal na Espiritu) ay binubuo ng pagtutustos ng kanilang indibidwal na karanasan. Nakakasumpong siya ng isang bagong landas ng karanasan mula roon sa nilakaran niyaong mga nauna sa kanya at pinangungunahan ang kanyang mga kapatid sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu. Ang tinutustusan ng mga taong ito ay ang kanilang indibidwal na karanasan o espirituwal na mga kasulatan ng espirituwal na mga tao. Kahit na sila ay ginagamit ng Banal na Espiritu, ang gawain ng gayong mga tao ay walang kinalaman sa malaking gawain ng pamamahala sa loob ng anim-na-libong-taong plano. Ibinangon lamang sila ng Banal na Espiritu sa iba’t ibang mga panahon upang ihantong ang mga tao sa agos ng Espiritu Santo hanggang sa matupad nila ang kanilang tungkulin o dumating sa katapusan ang kanilang buhay. Ang gawaing ginagawa nila ay para lamang ihanda ang naaangkop na daan para sa Diyos Mismo o upang ipagpatuloy ang isang bagay sa pamamahala ng Diyos Mismo sa lupa. Hindi kayang gawin ng gayong mga tao ang mas higit na gawain sa Kanyang pamamahala, at hindi sila maaaring magbukas ng mga bagong daan palabas, mas lalo na ang tapusin ang lahat ng gawain ng Diyos mula sa naunang kapanahunan. Samakatuwid, ang gawaing kanilang ginagawa ay kumakatawan lamang sa isang nilikhang persona na gumaganap ng kanyang tungkulin at hindi maaaring kumatawan sa Diyos Mismo na gumaganap ng Kanyang ministeryo. Ito ay dahil ang gawaing kanilang ginagawa ay hindi tulad niyaong ginagawa ng Diyos Mismo. Hindi maaaring gawin ng tao bilang kahalili ng Diyos ang gawain ng paghahatid ng isang bagong kapanahunan. Hindi ito maaaring gawin ng sino pa man bukod sa Diyos Mismo. Ang lahat ng mga gawain na ginagawa ng tao ay pagganap ng kanyang tungkulin bilang isa sa sangnilikha at ito ay ginagawa kapag naaantig o naliliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang patnubay na ibinibigay ng gayong mga tao ay kung paano ang magsagawa sa pang-araw-araw na buhay ng tao at kung paano dapat kumilos ang tao na katugma sa kalooban ng Diyos. Hindi kinapapalooban ang gawain ng tao ng pamamahala ng Diyos at hindi rin kumakatawan sa gawain ng Espiritu. … Maaari ring gawin ng mga taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang ilang mga gawaing bago at maaari ring alisin ang ilang mga gawain na natapos sa naunang kapanahunan, nguni’t hindi maaaring ipahayag ng kanilang gawain ang disposisyon at kalooban ng Diyos sa bagong kapanahunan. Gumagawa lamang sila upang alisin ang gawain ng naunang kapanahunan, hindi upang gawin ang bagong gawain na direktang kumakatawan sa disposisyon ng Diyos Mismo. Kaya, kahit gaano karaming mga hindi-napapanahong pagsasagawa ang kanilang buwagin o bagong mga pagsasagawa ang kanilang ipakilala, kumakatawan pa rin sila sa tao at mga nilalang. Gayunman, kapag ang Diyos Mismo ang nagsasakatuparan ng gawain, hindi Niya lantarang idinedeklara ang pagbuwag ng mga pagsasagawa ng lumang kapanahunan o direktang idinedeklara ang pagsisimula ng isang bagong kapanahunan. Direkta Siya at walang paliguy-ligoy sa Kanyang gawain. Tahasan Siya sa pagganap ng hinahangad Niyang gawain; iyon ay, direkta Siyang nagpapahayag ng gawaing pinasimulan Niya, direktang ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa orihinal na layunin, ipinahahayag ang Kanyang kabuuan at disposisyon. Sa tingin ng tao, ang Kanyang disposisyon at gayon din ang Kanyang gawain ay hindi tulad niyaong sa mga nakaraang panahon. Subali’t, mula sa pananaw ng Diyos Mismo, pagpapatuloy lamang ito at karagdagang pag-unlad ng Kanyang gawain. Kapag gumagawa ang Diyos Mismo, ipinahahayag Niya ang Kanyang salita at direktang naghahatid ng bagong gawain. Sa kabaliktaran, kapag gumagawa ang tao, ito ay sa pamamagitan ng masusing pagtalakay at pag-aaral, o ito ay ang pagpapaunlad ng kaalaman at pagbubuo ng sistema ng pagsasagawa na itinayo sa saligan ng gawain ng iba. Ibig sabihin, ang diwa ng gawaing ginawa ng tao ay ang manatili sa pangkaraniwan at “lumakad sa dating landas gamit ang mga bagong sapatos.” Ito ay nangangahulugan na kahit na ang landas na nilakaran ng mga tao na ginamit ng Banal na Espiritu ay itinayo roon sa binuksan ng Diyos Mismo. Kaya ang tao ay tao pa rin matapos ang lahat, at ang Diyos ay Diyos.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

34. Ang mga salita at gawain ng mga propeta at niyaong mga ginamit ng Banal na Espiritu ay paggawa lahat ng tungkulin ng tao, pagganap sa kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang, at paggawa ng mga nararapat gawin ng tao. Gayon pa man, ang mga salita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang isakatuparan ang Kanyang ministeryo. Kahit ang Kanyang panlabas na anyo ay doon sa isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay hindi upang isagawa ang Kanyang tungkulin kundi ang Kanyang ministeryo. Ang katawagang “tungkulin” ay ginagamit kaugnay sa mga taong nilalang, samantalang ang “ministeryo” ay ginagamit kaugnay sa katawan ng Diyos na naging-tao. Mayroong isang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa, at ang dalawa ay hindi maaaring pagpalitin. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin, samantalang ang gawain ng Diyos ay pamahalaan, at isakatuparan ang Kanyang ministeryo. Samakatuwid, kahit na maraming apostol ang ginamit ng Banal na Espiritu at maraming mga propeta ang napuspos Niya, ang kanilang gawain at mga salita ay para lamang gawin ang kanilang tungkulin bilang isang taong nilalang. Kahit na ang kanilang mga propesiya ay maaaring mas dakila kaysa sa paraan ng pamumuhay na sinalita ng nagkatawang-taong Diyos, at kahit na ang kanilang pagkatao ay mas mahusay kaysa roon sa nagkatawang-taong Diyos, ginawa pa rin nila ang kanilang tungkulin, at hindi tinupad ang kanilang ministeryo. Ang tungkulin ng tao ay tumutukoy sa ginagampanan ng tao, at isang bagay na kayang matupad ng tao. Gayon pa man, ang ministeryo na isinakatuparan ng nagkatawang-taong Diyos ay may kaugnayan sa Kanyang pamamahala, at ito ay hindi kayang makamit ng tao. Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang pamamahala ng Diyos, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay mawawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Lumikha at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na diwa ng Diyos, iyon ay, ang Kanyang Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao, na suot ang panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at ang maaari lamang magawa ng lahat ng tao ay ang ibigay ang kanyang makakaya sa loob ng sakop ng Kanyang pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna.

—mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

35. Ang Aking pananalita ay kumakatawan sa kung ano Ako, ngunit ang Aking sinasabi ay hindi maabot ng tao. Ang Aking sinasabi ay hindi ang nararanasan ng tao, at hindi ito isang bagay na makikita ng tao, hindi rin ito isang bagay na mahahawakan ng tao, sa halip ito ay kung ano Ako. May ilang tao na kinikilala lamang na ang Aking ibinabahagi ay kung ano ang Aking naranasan, ngunit hindi nila nakikilala na ito ay tuwirang pagpapahayag ng Espiritu. Mangyari pa, ang Aking sinasabi ay kung ano ang Aking naranasan. Ako ang siyang gumawa ng gawaing pamamahala sa loob ng anim na libong taon. Naranasan Ko ang lahat mula sa pasimula ng paglalang ng sangkatauhan hanggang ngayon; paano Ako hindi makapagsasalita tungkol dito? Pagdating sa kalikasan ng tao, nakita Ko na ito nang malinaw, at matagal na Akong nagmamasid dito; paanong hindi Ko magagawang magsalita tungkol dito nang malinaw? Dahil nakita Ko ang diwa ng tao nang malinaw, may kakayahan Akong kastiguhin ang tao at hatulan siya, sapagkat lahat ng tao ay nanggaling sa Akin ngunit ginawang tiwali ni Satanas. Siyempre, Ako ay may kakayahang magtasa ng gawain na Aking ginawa. Kahit ang gawaing ito ay hindi ginagawa ng Aking katawang-tao, ito ang tuwirang pagpapahayag ng Espiritu, at ito ang kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako. Samakatuwid, Ako ay may kakayahang ipahayag ito at gawin ang gawain na dapat kong gawin. Ang sinasabi ng tao ay ang naranasan nila. Ito ang nakita nila, ang maaabot ng mga isipan nila at ang mararamdaman ng kanilang mga pandama. Iyan ang kaya nilang ibahagi. Ang mga salita na sinabi ng nagkatawang-taong laman ng Diyos ay ang tuwirang pagpapahayag ng Espiritu at nagpapahayag ng gawain na nagawa ng Espiritu. Hindi ito naranasan o nakita ng katawang-tao, ngunit nagpapahayag pa rin ng kung ano Siya sapagkat ang diwa ng katawang-tao ay ang Espiritu, at ipinahahayag Niya ang gawain ng Espiritu. Kahit hindi ito makayang abutin ng katawang-tao, ito ay gawain na ginawa na ng Espiritu. Matapos ang pagkakatawang-tao, sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katawang-tao, binibigyang-kakayahan Niya ang mga tao na malaman kung ano ang Diyos at tinutulutan ang mga tao na makita ang disposisyon ng Diyos at ang gawain na nagawa Niya. Ang gawain ng tao ay nagbibigay-kakayahan sa mga tao na maging mas malinaw tungkol sa kung ano ang dapat nilang pasukin at kung ano ang dapat nilang maunawaan; kinapapalooban ito ng pangunguna sa mga tao tungo sa pag-unawa at pagdanas ng katotohanan. Ang gawain ng tao ay upang alalayan ang mga tao; ang gawain ng Diyos ay upang buksan ang mga bagong landas at magbukas ng mga bagong kapanahunan para sa sangkatauhan, at upang ibunyag sa mga tao yaong hindi alam ng mga nilalang, binibigyang-kakayahan sila na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang gawain ng Diyos ay ang pangunahan ang lahat ng sangkatauhan.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

36. Ang gawain ng tao ay kumakatawan sa kanyang karanasan at kanyang pagkatao. Kung ano ang ipinagkakaloob ng tao at ang gawain na ginagawa ng tao ay kumakatawan sa kanya. Ang pagtingin, pangangatuwiran, pagmamatuwid ng tao, at ang kanyang mayamang guni-guni ay kasamang lahat sa kanyang gawain. Sa partikular, ang karanasan ng tao ay mas may kakayahang kumatawan sa kanyang gawain, at kung ano ang naranasan ng isang tao ay ang mga bubuo ng kanyang gawain. Ang gawain ng tao ay maaaring magpahayag ng kanyang karanasan. Kapag ang ilang tao ay nakararanas sa isang walang-kibong kalagayan, karamihan sa kanilang pagbabahagi ay binubuo ng mga negatibong nilalaman. Kung ang kanilang karanasan sa isang yugto ng panahon ay positibo at partikular na mayroon silang landas sa positibong panig, ang kanilang ibinabahagi ay masyadong nakakapagpalakas ng loob, at ang mga tao ay makakayang makakuha ng positibong panustos mula sa kanila. Kung ang isang manggagawa ay nagiging walang-kibo sa isang yugto ng panahon, ang kanyang pagbabahagi ay laging magdadala ng negatibong mga sangkap. Ang ganitong uri ng pagbabahagi ay nakakapagpahina ng loob, at ang iba ay hindi-mamamalayang nalulungkot kasunod ng kanyang pagbabahagi. Ang kalagayan ng mga tagasunod ay nagbabago batay doon sa pinuno. Kung ano ang nasa kalooban ng manggagawa ay siya niyang ipinahahayag, at ang gawain ng Banal na Espiritu ay malimit na nagbabago batay sa kalagayan ng tao. Siya ay gumagawa ayon sa karanasan ng tao at hindi pinipilit ang tao, sa halip ay humihingi sa tao batay sa karaniwang takbo ng kanyang karanasan. Ibig sabihin nito ang pagbabahagi ng tao ay naiiba sa salita ng Diyos. Kung ano ang ibinabahagi ng tao ay nagpapabatid ng kanilang sariling pagkakita at karanasan, ipinahahayag kung ano ang kanilang nakikita at nararanasan sa saligan ng gawain ng Diyos. Ang kanilang pananagutan ay alamin, pagkatapos gumawa o magsalita ng Diyos, kung ano ang kailangan nilang isagawa o pasukin, at pagkatapos ay ihatid ito sa mga tagasunod. Samakatuwid, ang gawain ng tao ay kumakatawan sa kanyang pagpasok at pagsasagawa. Mangyari pa, ang ganitong gawain ay may kahalong mga aralin at karanasan ng tao o ilan sa mga iniisip ng tao. Kung paano man gumagawa ang Banal na Espiritu, kung Siya man ay gumagawa sa tao o sa Diyos na nagkatawang-tao, ito ay laging ang mga manggagawa na nagpapahayag kung ano sila. Kahit ang Banal na Espiritu ang gumagawa, ang gawain ay nakasalig sa kung ano ang kalikasan ng tao, sapagkat ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa nang walang saligan. Sa ibang salita, ang gawain ay hindi ginagawa mula sa wala, sa halip ay laging nakaayon sa tunay na mga pangyayari at totoong mga kalagayan. Ito lamang ang paraan upang ang disposisyon ng tao ay maaaring mabago, na ang kanyang dating mga pagkaunawa at dating mga iniisip ay maaaring mabago. Kung ano ang ipinahahayag ng tao ay kung ano ang kanyang nakikita, nararanasan, at kayang maguni-guni. Kahit na ito ay mga doktrina o mga pagkaunawa, lahat ng ito ay kayang abutin ng pag-iisip ng tao. Gaano man kalaki ang gawain ng tao, hindi ito maaaring lumampas sa sakop ng karanasan ng tao, kung ano ang nakikita ng tao, o kung ano ang maaaring maguni-guni o maisip ng tao. Kung ano ang ipinahahayag ng Diyos ay kung ano ang Diyos Mismo, at ito ay hindi kayang abutin ng tao, ibig sabihin, lampas sa pag-iisip ng tao. Ipinahahayag Niya ang Kanyang gawain ng pangunguna sa lahat ng sangkatauhan, at ito ay walang kaugnayan sa mga detalye ng karanasan ng tao, sa halip ay may kinalaman sa Kanyang sariling pamamahala. Ipinahahayag ng tao ang kanyang karanasan habang ipinahahayag naman ng Diyos kung ano Siya—ang kung ano Siya na ito ay ang Kanyang likas na disposisyon at hindi ito maaabot ng tao. Ang karanasan ng tao ay ang kanyang pagkakita at pagkakilala na nakamtan batay sa pagpapahayag ng Diyos ng kung ano Siya. Ang ganitong pagkakita at pagkakilala ay tinatawag na kung ano ang tao. Ang mga iyon ay ipinahahayag sa saligan ng likas na disposisyon ng tao at ng kanyang aktuwal na kakayahan; kaya ang mga iyon ay tinatawag ding kung ano ang tao. Kayang ibahagi ng tao kung ano ang kanyang mga nararanasan at mga nakikita. Kung ano ang hindi niya naranasan o nakita o ang hindi maaabot ng kanyang pag-iisip, iyan ay, ang mga bagay na wala sa ganang kanya, hindi niya maibabahagi. Kung ang ipinahahayag ng tao ay hindi ang kanyang karanasan, ito ay kanyang guni-guni o doktrina. Sa ibang salita, walang anumang realidad sa kanyang mga salita. Kung hindi ka pa kailanman nakipag-ugnayan sa mga bagay ng lipunan, hindi mo makakayang ibahagi nang malinaw ang mahirap-unawaing mga ugnayan sa lipunan. Kung wala kang pamilya ngunit ang ibang tao ay nag-uusap tungkol sa mga problema ng pamilya, hindi mo maaaring maintindihan ang karamihan sa kanilang sinasabi. Kaya, kung ano ang ibinabahagi ng tao at ang gawaing kanyang ginagawa ay kumakatawan sa kanyang panloob na pagkatao.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

37. Ang gawain ng tao ay may saklaw at mga hangganan. Ang isang tao ay makakaya lamang na gumawa sa isang tiyak na bahagi at hindi maaaring gumawa ng gawain ng isang buong kapanahunan—kung hindi, pangungunahan niya ang mga tao sa mga tuntunin. Ang gawain ng tao ay mailalapat lamang sa isang natatanging panahon o yugto. Ito ay dahil ang karanasan ng tao ay may sakop. Hindi maihahambing ng isa ang gawain ng tao sa gawain ng Diyos. Ang paraan ng tao sa pagsasagawa at ang kanyang kaalaman sa katotohanan ay mailalapat lahat sa isang natatanging sakop. Hindi mo masasabi na ang landas na tinatahak ng tao ay lubusang kalooban ng Banal na Espiritu, sapagkat ang tao ay maliliwanagan lamang sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at hindi maaaring lubusang mapuno ng Banal na Espiritu. Ang mga bagay na maaaring maranasan ng tao ay sakop lahat ng normal na pagkatao at hindi makakalampas sa saklaw ng iniisip ng normal na isip ng tao. Lahat niyaong mayroong praktikal na pagpapahayag ay nakararanas sa saklaw na ito. Kapag naranasan nila ang katotohanan, ito ay laging karanasan ng normal na buhay ng tao sa ilalim ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, na hindi nakararanas sa isang paraan na lumilihis mula sa normal na buhay ng tao. Nararanasan nila ang katotohanan na niliwanagan ng Banal na Espiritu sa saligan ng pagsasabuhay ng kanilang pantaong buhay. Higit pa rito, ang ganitong katotohanan ay iba-iba sa bawat tao, at ang lalim nito ay nauugnay sa kalagayan ng tao. Masasabi lamang ng isa na ang nilalakaran nilang landas ay ang normal na buhay ng tao na naghahabol sa katotohanan, at ito ang landas na nilalakaran ng isang normal na tao na mayroong kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Hindi mo masasabi na ang landas na tinatahak nila ay ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu. Sa karaniwang karanasan ng tao, dahil ang mga tao na naghahabol ay hindi magkakatulad, ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi rin magkatulad. Idagdag pa, dahil ang mga kapaligiran na nararanasan nila at ang mga saklaw ng kanilang karanasan ay hindi magkakatulad, dahil sa pagkakahalo ng kanilang isipan at mga iniisip, ang kanilang karanasan ay halu-halo sa iba’t ibang antas. Nauunawaan ng bawat isang tao ang katotohanan ayon sa kanilang iba’t ibang sariling kalagayan. Ang kanilang pagkakaunawa ng tunay na kahulugan ng katotohanan ay hindi lubusan at isa o kaunti lamang sa mga aspeto nito. Ang sakop ng kung paanong ang katotohanan ay nararanasan ng tao ay laging batay sa iba’t ibang kalagayan ng mga tao at sa gayon ay hindi magkakapareho. Sa ganitong paraan, ang kaalaman na ipinahayag tungkol sa parehong katotohanan ng iba’t ibang mga tao ay hindi magkakapareho. Ibig sabihin, ang karanasan ng tao ay laging may mga hangganan at hindi maaaring lubusang kumatawan sa kalooban ng Banal na Espiritu, at ang gawain ng tao ay hindi maaaring madama bilang gawain ng Diyos, kahit na ang ipinahahayag ng tao ay halos tumutugma sa kalooban ng Diyos, kahit na ang karanasan ng tao ay napakalapit sa gawain ng pagpeperpekto na gagampanan ng Banal na Espiritu. Ang tao ay maaari lamang maging lingkod ng Diyos, na ginagawa ang gawaing ipinagkakatiwala sa kanya ng Diyos. Maaari lamang ipahayag ng tao ang kaalaman sa ilalim ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu at ang mga katotohanan na nakamit mula sa kanyang pansariling karanasan. Ang tao ay walang kakayahan at hindi nagtataglay ng mga kalagayan upang maging daluyan ng Banal na Espiritu. Wala siyang karapatan na magsabing ang gawain ng tao ay gawain ng Diyos. Ang tao ay may mga prinsipyo sa paggawa, at ang lahat ng tao ay may iba’t ibang mga karanasan at taglay ang iba’t ibang mga kalagayan. Kasama sa gawain ng tao ang lahat ng kanyang mga karanasan sa ilalim ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang ganitong mga karanasan ay maaari lamang kumatawan sa katauhan ng tao at hindi kumakatawan sa kung ano ang Diyos o sa kalooban ng Banal na Espiritu. Samakatuwid, ang landas na nilalakaran ng tao ay hindi masasabing ang landas na nilalakaran ng Banal na Espiritu sapagkat ang gawain ng tao ay hindi maaaring kumatawan sa gawain ng Diyos at ang gawain ng tao at ang karanasan ng tao ay hindi ang lubusang kalooban ng Banal na Espiritu.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

38. Ang gawain ng tao ay madaling mahulog tungo sa tuntunin, at ang paraan ng kanyang gawain ay madaling makulong sa isang sakop na may hangganan at hindi kayang pangunahan ang mga tao tungo sa isang malayang daan. Karamihan sa mga tagasunod ay namumuhay sa loob lamang ng isang nasasakupan, at ang kanilang paraan ng pagdaranas ay hanggang sa loob din lamang ng nasasakupang ito. Ang karanasan ng tao ay laging may hangganan; ang paraan ng kanyang gawain ay hanggang sa kakaunting uri din lamang at hindi maihahambing sa gawain ng Banal na Espiritu o sa gawain ng Diyos Mismo—ito ay dahil ang karanasan ng tao, sa katapusan, ay may hangganan. Kung paano man gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, walang anumang tuntunin dito; kung paano man ito ginagawa, ito’y hindi hanggang sa isang daan lamang. Walang anupamang mga tuntunin sa gawain ng Diyos, lahat ng Kanyang gawain ay malayang inilalabas. Kahit gaano karaming panahon ang ginugugol ng tao sa pagsunod sa Kanya, hindi sila makabubuo ng anumang batas hinggil sa mga daan ng Kanyang paggawa. Kahit ang Kanyang gawain ay may prinsipyo, ito ay laging ginagawa sa bagong mga paraan at laging may bagong mga pag-unlad, na lampas sa maaabot ng tao. Sa loob ng isang yugto ng panahon, ang Diyos ay maaaring magkaroon ng maraming iba’t ibang uri ng gawain at iba’t ibang paraan ng pangunguna, na nagpapahintulot sa mga tao na laging magkaroon ng mga bagong pagpasok at bagong mga pagbabago. Hindi mo matutuklasan ang mga batas ng Kanyang gawain sapagkat Siya ay laging gumagawa sa bagong mga paraan. Sa ganitong paraan lamang hindi mahuhulog sa tuntunin ang mga tagasunod ng Diyos. Ang gawain ng Diyos Mismo ay laging umiiwas sa mga pagkaunawa ng mga tao at sumasalungat sa kanilang mga pagkaunawa. Tanging yaong mga sumusunod at naghahabol sa Kanya nang may tunay na puso ang mababago ang kanilang mga disposisyon at maaaring mamuhay nang malaya nang hindi sakop ng anumang tuntunin o napipigilan ng anumang relihiyosong mga pagkaunawa. Ang hinihingi ng gawain ng tao ay batay sa kanyang sariling karanasan at kung ano ang maaaring makamit ng sarili niya. Ang pamantayan ng ganitong mga kinakailangan ay limitado sa isang tiyak na sakop, at ang mga paraan ng pagsasagawa ay napakalimitado rin. Kaya hindi namamalayan ng mga tagasunod na namumuhay na sila sa ganitong limitadong sakop; sa paglipas ng panahon, sila ay nagiging mga tuntunin at mga ritwal.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

39. Ang tao ay nangangailangan na malinang at magawang perpekto sa mahabang panahon bago siya maaaring magamit upang isagawa ang gawain, at ang uri ng pagkatao na kinakailangan ay natatanging nasa mataas na antas. Hindi lamang dapat mapanatili ng tao ang kanyang normal na pantaong kapangyarihan ng pangangatwiran, ngunit dapat mas lalo pa niyang maunawaan ang maraming prinsipyo at patakaran ng pamamahala ng kanyang pag-uugali kaugnay sa iba, at higit sa rito ay dapat mangakong lalo pa siyang mag-aaral tungkol sa karunungan at kaalamn sa etika ng tao. Ito ang nararapat na ipagkaloob sa tao. Gayunman, ito ay hindi para sa Diyos na naging tao, dahil ang Kanyang gawain ay hindi kumakatawan sa tao o sa gawain ng tao; sa halip, ito ay isang tuwirang pagpapahayag ng kung ano Siya at isang tuwirang pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin. (Natural, isinasagawa ang Kanyang gawain sa angkop na panahon, at hindi lang basta-basta at sapalaran, at sinisimulan kapag oras na para tuparin ang Kanyang ministeryo.) Hindi Siya nakikibahagi sa buhay ng tao o gawain ng tao, iyon ay, ang Kanyang pagkatao ay hindi binigyan ng alinman sa mga ito (bagaman hindi ito nakakaapekto sa Kanyang gawain). Tinutupad Niya lamang ang Kanyang ministeryo kapag oras na para gawin Niya ito; anuman ang Kanyang katayuan, ipinagpapatuloy Niya lamang ang gawain na dapat Niyang gawin. Anuman ang alam ng tao sa Kanya at anuman ang opinion ng tao sa Kanya, ang Kanyang gawain ay hindi buong naaapektuhan.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

40. Siguro ang isang karanasan ng tao sa kanyang gawain ay natatanging mataas, o ang kanyang guni-guni at pangangatwiran ay natatanging mataas, at ang kanyang pagkatao ay natatanging mabuti; ang mga ito ay magkakamit lamang ng paghanga ng mga tao, ngunit hindi mapupukaw ang kanilang pangingimi at takot. Ang mga tao ay humahanga sa lahat ng may kakayahang gumawa at may natatanging malalim na karanasan at maaaring magsagawa ng katotohanan, ngunit hindi nila kailanman kayang pukawin ang pangingimi, tanging paghanga at inggit. Ngunit ang mga tao na nakaranas ng gawain ng Diyos ay hindi humahanga sa Diyos, sa halip ay nararamdaman nila na ang Kanyang gawain ay hindi maabot ng tao at hindi maarok ng tao, at ito ay sariwa at kamangha-mangha. Kapag naranasan ng mga tao ang gawain ng Diyos, ang kanilang unang kaalaman sa Kanya ay na Siya ay di-maarok, marunong at kamangha-mangha, at hindi nila namamalayang iginagalang na nila Siya at nararamdaman ang hiwaga ng gawain na ginagawa Niya, na hindi maabot ng isip ng tao. Gusto lamang ng mga tao na matugunan ang Kanyang mga kinakailangan, upang mapaluguran ang Kanyang ninanasa; hindi nila nais na malampasan Siya, sapagkat ang gawain na ginagawa Niya ay higit sa iniisip at guni-guni ng tao at hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili. Kahit ang tao mismo ay hindi alam ang kanyang sariling mga kakulangan, samantalang nabuksan na Niya ang isang bagong landas at dumating upang dalhin ang tao sa isang mas bago at higit na magandang mundo, kaya ang sangkatauhan ay nakagawa ng bagong pagsulong at nagkaroon ng bagong simula. Ang nararamdaman ng tao para sa Kanya ay hindi paghanga, o sa halip, ay hindi lamang paghanga. Ang kanilang pinakamalalim na karanasan ay pangingimi at pag-ibig, ang kanilang pakiramdam ay na ang Diyos ay talagang kamangha-mangha. Gumagawa Siya ng hindi kayang gawin ng tao, nagsasabi Siya ng mga bagay-bagay na hindi kayang sabihin ng tao. Ang mga taong nakaranas ng Kanyang gawain ay laging nakararanas ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Ang mga tao na may mas malalim na mga karanasan ay natatanging mahal ang Diyos. Lagi nilang nararamdaman ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, nararamdaman na ang Kanyang gawain ay napakarunong, lubos na kamangha-mangha, at sa gayon ay naglalabas ng walang-hanggang kapangyarihan sa kanilang kalagitnaan. Hindi takot o paminsang-minsang pag-ibig at paggalang, sa halip ay malalim na pakiramdam ng pagkahabag at pagpaparaya ng Diyos sa tao. Subali’t, ang mga tao na nakaranas ng Kanyang pagkastigo at paghatol ay nararamdaman Siya bilang maringal at di-naaagrabyado. Kahit ang mga tao na nakaranas ng marami sa Kanyang gawain ay hindi rin Siya makayang arukin; lahat ng tao na iginagalang Siyang tunay ay nakaaalam na ang Kanyang gawain ay hindi ayon sa mga pagkaunawa ng mga tao sa halip ay laging salungat sa kanilang mga pagkaunawa. Hindi Niya kailangan ng lubos na paghanga sa Kanya ng mga tao o pagpapakita lamang ng lubos na pagpapasakop sa Kanya, sa halip ay magkaroon ng tunay na paggalang at tunay na pagpapasakop. Sa karamihan ng Kanyang gawain, ang sinumang may tunay na karanasan ay nakakaramdam ng paggalang sa Kanya, na mas mataas kaysa paghanga. Nakita ng mga tao ang Kanyang disposisyon dahil sa Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol, at sa gayon ay iginagalang nila Siya sa kanilang mga puso. Ang Diyos ay dapat igalang at sundin, sapagkat kung ano Siya at ang Kanyang disposisyon ay hindi tulad sa nilikhang tao, at mas mataas ang mga ito kaysa nilikhang tao. Ang Diyos ay isang hindi-nilikhang nilalang, at Siya lamang ang nararapat sa paggalang at pagpapasakop; hindi nararapat ang tao para rito.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

41. Sa Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus ay nagsalita rin nang marami at gumawa ng maraming gawain. Paano Siya naiba kay Isaias? Paano Siya naiba kay Daniel? Siya ba ay isang propeta? Bakit kaya sinabi na Siya ay Cristo? Ano ang mga pagkakaiba sa pagitan nila? Silang lahat ay mga lalaki na nagwika ng mga salita, at ang kanilang mga salita ay lumitaw na halos magkakatulad para sa tao. Silang lahat ay nangusap at gumawa ng gawain. Ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nagsipanghula, at katulad nito, kaya rin ni Jesus. Bakit ganito? Ang pagkakaiba rito ay batay sa kalikasan ng gawain. Upang maarok ang bagay na ito, hindi mo maaaring isaalang-alang ang kalikasan ng laman at hindi mo dapat isaalang-alang ang kalaliman o kababawan ng mga salita ninuman. Lagi mong dapat unang isaalang-alang ang kanyang gawain at ang mga bunga na nagagawa nito sa tao. Ang mga hula na sinalita ng mga propeta sa panahong iyon ay hindi nagtustos ng buhay ng tao, at ang mga mensahe na natanggap niyaong gaya ni Isaias at Daniel ay mga hula lamang at hindi ang paraan ng pamumuhay. Kung hindi dahil sa tuwirang pahayag ni Jehova, walang makagagawa ng gawaing yaon, na hindi posible para sa mga mortal. Si Jesus, din, ay maraming sinalita, nguni’t ang gayong mga salita ay ang paraan ng pamumuhay kung saan mula rito ang tao ay makahahanap ng isang landas upang magsagawa. Ibig sabihin, una, makapagtutustos Siya ng buhay ng tao, sapagka’t si Jesus ay buhay; ikalawa, maaari Niyang baligtarin ang mga paglihis ng tao; ikatlo, ang Kanyang gawain ay maaaring sumunod doon sa kay Jehova upang ipagpatuloy ang kapanahunan; ikaapat, matatarok Niya ang mga pangangailangan ng tao sa loob at mauunawaan kung ano ang pagkukulang ng tao; ikalima, kaya Niyang maipasok ang isang bagong kapanahunan at wakasan ang dati. Iyan ang dahilan kung bakit Siya ay tinatawag na Diyos at Cristo; hindi lamang Siya iba kay Isaias kundi gayundin mula sa lahat ng iba pang mga propeta. Gamitin si Isaias bilang isang paghahambing para sa gawain ng mga propeta. Una, hindi siya makapagtutustos ng buhay ng tao; ikalawa, hindi niya kayang magpasok ng isang bagong kapanahunan. Siya ay gumawa sa ilalim ng pangunguna ni Jehova at hindi upang ipasok ang isang bagong kapanahunan. Ikatlo, ang mga sinalita niya mismo ay lampas sa kanyang pang-unawa. Siya ay tumanggap ng mga pahayag nang tuwiran mula sa Espiritu ng Diyos, at hindi maiintindihan ng iba, kahit na napapakinggan ang mga ito. Ang ilang bagay na ito ay sapat na upang patunayan na ang kanyang mga salita ay hindi hihigit sa mga hula lamang, hindi hihigit sa isang aspeto ng gawain na ginawa sa ngalan ni Jehova. Gayunman, hindi niya magagawang lubusang katawanin si Jehova. Siya ay lingkod ni Jehova, isang kasangkapan sa gawain ni Jehova. Siya ay gumawa lamang ng gawain sa loob ng Kapanahunan ng Kautusan at sa loob ng saklaw ng gawain ni Jehova; hindi siya gumawa nang lampas sa Kapanahunan ng Kautusan. Salungat dito, ang gawain ni Jesus ay naiba. Nilampasan Niya ang saklaw ng gawain ni Jehova; gumawa Siya bilang ang nagkatawang-taong Diyos at sumailalim sa pagkapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Ibig sabihin niyan, Siya ay nagsakatuparan ng bagong gawain sa labas ng gawain na ginawa ni Jehova. Ito ang pagpapasok ng isang bagong kapanahunan. Isa pang kundisyon ay yaong Siya ay nakapagsalita niyaong hindi kayang matamo ng tao. Ang Kanyang gawain ay gawain sa loob ng pamamahala ng Diyos at nakapaloob ang buong sangkatauhan. Hindi Siya kumilos sa iilang tao lamang, ni ang Kanyang gawain ay upang pangunahan ang limitadong bilang ng mga tao. Hinggil sa kung paano nagkatawang-tao ang Diyos upang maging isang tao, paano nagbigay ang Espiritu ng mga pagbubunyag sa panahong iyon, at paano bumababa ang Espiritu sa isang tao upang gumawa, ang mga ito ay mga bagay na hindi kayang makita o mahipo ng tao. Tunay na imposible para sa mga katotohanang ito na magsilbi bilang patunay na Siya ay ang nagkatawang-taong Diyos. Sa gayon, ang pag-iiba ay magagawa lamang sa mga salita at gawain ng Diyos, na kayang makita ng tao. Ito lamang ang totoo. Ito ay sapagka’t ang mga bagay ng Espiritu ay hindi mo nakikita at malinaw na nalalaman lamang ng Diyos Mismo, at kahit ang katawang-tao ng Diyos ay hindi nalalamang lahat; mapatutunayan mo lamang kung Siya ay Diyos[a] mula sa gawain na Kanyang nagawa na. Mula sa Kanyang gawain, makikita na, una, kaya Niyang magbukas ng isang bagong kapanahunan; ikalawa, kaya Niyang magtustos ng buhay ng tao at ipakita sa tao ang landas na dapat sundan. Ito ay sapat na upang mapagtibay na Siya ay Diyos Mismo. Sa paanuman, ang gawaing Kanyang ginagawa ay kayang lubos na katawanin ang Espiritu ng Diyos, at mula sa gayong gawain ay makikita na ang Espiritu ng Diyos ay nasa loob Niya. Dahil ang gawain na ginawa ng nagkatawang-taong Diyos sa pangunahin ay para ipasok ang isang bagong kapanahunan, pangunahan ang bagong gawain, at magbukas ng mga bagong kalagayan, ang ilang mga kundisyong ito ay sapat na upang magpatunay na Siya ay Diyos Mismo. Ito sa gayon ay nagpapakita ng kaibahan Niya mula kina Isaias, Daniel at iba pang mga dakilang propeta.

—mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

42. Ang ibang tao ay magtatanong, “Ano ang pagkakaiba ng gawaing isinagawa ng nagkatawang-taong Diyos sa gawain ng mga propeta at mga apostol noon? Si David ay tinawag din na Panginoon, gayundin si Jesus; bagaman magkaiba ang gawaing kanilang isinagawa, magkatulad ang itinawag sa kanila. Bakit, sinasabi mo, hindi magkatulad ang kanilang pagkakakilanlan? Ang nasaksihan ni Juan ay isang pangitain, na nagmula rin sa Banal na Espiritu, at nasabi niya ang mga salitang balak sabihin ng Banal na Espiritu; bakit magkaiba ang pagkakakilanlan ni Juan at ni Jesus?” Ang mga salitang sinabi ni Jesus ay nagawang ganap na kumatawan sa Diyos, at ganap na kumatawan sa gawain ng Diyos. Ang nakita ni Juan ay isang pangitain, at siya ay walang ganap na kakayahang kumatawan sa gawain ng Diyos. Bakit nagpahayag ng maraming salita sina Juan, Pedro, at Pablo—gayundin si Jesus—ngunit hindi sila magkapareho ng pagkakakilanlan ni Jesus? Dahil higit sa lahat ang gawaing kanilang ginawa ay magkaiba. Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos na direktang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong kapanahunan, ang gawain na wala pang nakagagawa. Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehova, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo, at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, at ipinadala ni Jesus o Jehova. Kaya gaano man karami ang gawaing kanilang isinagawa, gaano man kadakila ang mga himalang kanilang ginawa, sila pa rin ay mga nilalang lamang ng Diyos, at walang kakayahang kumatawan sa Espiritu ng Diyos. Sila ay gumawa sa ngalan ng Diyos o matapos ipadala ng Diyos; higit pa rito, sila ay gumawa sa mga kapanahunang sinimulan ni Jesus o Jehova, at ang gawaing kanilang isinagawa ay hindi magkahiwalay. Sila ay, sa katunayan, mga nilalang lamang ng Diyos.

—mula sa “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

43. Ano mismo ang pagkakaiba sa pagitan ng gawain na ginawa ni Jesus at ng ginawa ni Juan? Ang tanging dahilan lamang ba ay si Juan ang naghanda ng daan para kay Jesus? O dahil itinalaga na ito ng Diyos? Kahit sinabi rin ni Juan, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit,” at nangaral din ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, ang kanyang gawain ay hindi malalim at bumuo lamang ng simulain. Sa kaibahan, inihatid ni Jesus ang bagong kapanahunan at dinala ang lumang kapanahunan sa katapusan, nguni’t tinupad din Niya ang kautusan ng Lumang Tipan. Higit na mas dakila ang gawain na ginawa Niya kaysa kay Juan, at pumarito Siya upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan—ginawa Niya ang yugto ng gawain na yan. Naghanda lamang ng daan si Juan. Kahit na dakila ang kanyang gawain, marami ang kanyang mga salita, at marami ang mga alagad na sumunod sa kanya, walang higit na ibinunga ang kanyang gawain kundi dalahin ang isang bagong simula sa tao. Hindi kailanman nakatanggap mula sa kanya ang tao ng buhay, ng daan, o malalalim na katotohanan, at wala rin silang nakamit na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan niya. Si Juan ay isang dakilang propeta (Elias) na nagpasimuno ng bagong batayan para sa gawain ni Jesus at inihanda ang pinili; naging hudyat siya para sa Panahon ng Biyaya. Hindi maaaring mabatid ang ganitong mga bagay sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanilang mga karaniwang anyong tao. Lalo na dahil gumawa rin ng ilang mahusay na gawain si Juan; higit pa rito, ipinanganak siya sa pamamagitan ng pangako ng Banal na Espiritu, at itinaguyod ng Banal na Espiritu ang kanyang gawain. Gaya ng nabanggit, ang pagtukoy sa pagkakaiba ng kanilang mga sariling pagkakilanlan ay maaari lamang magawa sa pamamagitan ng kanilang gawain, sapagka’t hindi masasabi ng panlabas na anyo ng isang tao ang kanyang diwa, at hindi kaya ng tao na alamin ang tunay na patotoo ng Banal na Espiritu. Ang gawain na ginawa ni Juan at ang ginawa ni Jesus ay hindi magkatulad at magkaiba ng kalikasan. Ito ang dapat magtukoy kung Diyos siya o hindi. Ang gawain ni Jesus ay ang magsimula, magpatuloy, tumapos at tumupad. Tinupad ni Jesus ang bawat isa sa mga hakbang na ito, samantalang ang gawain ni Juan ay hindi hihigit sa pagsisimula. Sa simula, ipinakalat ni Jesus ang ebanghelyo at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, pagkatapos ay nagbautismo ng tao, nagpagaling ng karamdaman, at nagpalayas ng mga demonyo. Sa katapusan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kinumpleto ang Kanyang gawain para sa buong kapanahunan. Nangaral siya sa tao at nagpakalat ng ebanghelyo ng kaharian ng langit sa lahat ng mga lugar. Ito ay pareho kay Juan, na ang pagkakaiba ay dahil naghatid si Jesus ng isang bagong kapanahunan at nagdala sa tao ng Kapanahunan ng Biyaya. Lumabas mula sa Kanyang bibig ang salita na dapat isabuhay ng tao at ang daan na dapat sundin ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya, at sa katapusan, tinapos Niya ang gawain ng pagtubos. Hindi kailanman matutupad ni Juan ang gayong gawain. At sa gayon, si Jesus ang gumawa ng gawain ng Diyos Mismo, at Siya ang Diyos Mismo at direktang kumakatawan sa Diyos.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

44. Dapat ninyong malaman kung paano alamin ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos mula sa gawain ng tao. Ano ang makikita mo mula sa gawain ng tao? Mayroong napakaraming elemento ng karanasan ng tao sa gawain ng tao; kung ano ang ipinahahayag ng tao ay kung ano siya. Ang sariling gawain ng Diyos ay nagpapahayag din kung ano Siya, ngunit kung ano Siya ay naiiba sa kung ano ang tao. Kung ano ang tao ay kumakatawan sa karanasan ng tao at buhay (kung ano ang nararanasan ng tao o kinakaharap niya sa kanyang buhay, o mga pilosopiya sa buhay na mayroon siya), at ang mga taong namumuhay sa iba’t ibang kapaligiran ay nagpapahayag ng iba’t ibang mga katauhan. Kung mayroon kang mga karanasan sa pakikisama o wala at kung paano ka tunay na namumuhay at nakakaranas sa iyong pamilya ay makikita sa kung ano ang iyong ipinahahayag, samantalang hindi mo makikita mula sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kung Siya ay may karanasan sa pakikisama o wala. Alam Niyang lubos ang diwa ng tao, anupa’t kaya Niyang ibunyag ang lahat ng uri ng mga pagsasagawa na may kinalaman sa lahat ng uri ng mga tao. Mas mahusay pa nga Siya sa paghahayag ng tiwaling disposisyon ng tao at mapanghimagsik na pag-uugali. Hindi Siya namumuhay sa gitna ng makamundong mga tao, ngunit alam Niya ang kalikasan ng mga mortal at ang lahat ng katiwalian ng makamundong mga tao. Ito ay kung ano Siya. Kahit hindi Siya nakikitungo sa mundo, alam Niya ang mga tuntunin sa pakikitungo sa mundo, sapagkat lubos Niyang nauunawaan ang kalikasan ng tao. Alam Niya ang tungkol sa gawain ng Espiritu na hindi nakikita ng mga mata ng tao at hindi naririnig ng mga tainga ng tao, maging ngayon at noong nakaraan. Kasama rito ang karunungan na hindi isang pilosopiya sa buhay ng tao at himalang mahirap maarok ng mga tao. Ito ay kung ano Siya, ginawang bukas sa mga tao at nakatago rin sa mga tao. Ang Kanyang ipinahahayag ay hindi ang kung ano ang isang di-pangkaraniwang tao, kundi ang likas na mga katangian at kung ano ang Espiritu. Hindi Siya naglalakbay sa buong mundo ngunit alam ang lahat tungkol dito. Nakikipag-ugnayan Siya sa mga “unggoy na hawig sa tao” na walang kaalaman o pananaw, ngunit nagpapahayag Siya ng mga salita na mas mataas sa kaalaman at mas higit sa mga dakilang tao. Namumuhay Siya sa gitna ng pangkat ng mapupurol ang isip at manhid na mga tao na walang pagkatao at hindi nakakaunawa sa mga kalakaran at buhay ng tao, ngunit kaya Niyang hingin sa sangkatauhan na isabuhay ang normal na pagkatao, habang ibinubunyag ang hamak at mababang pagkatao ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay kung ano Siya, mas mataas sa kahit anong laman-at-dugong tao. Para sa Kanya, hindi kailangang makaranas ng isang magulo, mahirap at nakakarimarim na buhay panlipunan upang gawin ang gawaing kailangan Niyang gawin at lubusang ibunyag ang diwa ng tiwaling sangkatauhan. Ang nakakarimarim na buhay panlipunan ay hindi nakapagtataas sa Kanyang katawang-tao. Ang Kanyang gawain at mga salita ay nagbubunyag lamang ng pagsuway ng tao at hindi nagkakaloob sa tao ng karanasan at mga aralin sa pakikitungo sa mundo. Hindi Niya kailangang suriin ang lipunan o ang pamilya ng tao kapag tinutustusan Niya ang tao ng buhay. Ang paglalantad at paghatol sa tao ay hindi isang pagpapahayag ng mga karanasan ng Kanyang katawang-tao; ito ay upang ibunyag ang di-pagkamakatuwiran ng tao pagkatapos alamin na pangmatagalan ang pagsuway ng tao at kapootan ang katiwalian ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ay upang ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao at ipahayag ang kung ano Siya. Siya lamang ang maaaring gumawa nito, hindi ito isang bagay na maaaring makamit ng laman-at-dugong tao.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “kung Siya ay Diyos.”