Ameba Ownd

アプリで簡単、無料ホームページ作成

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Mga Salita tungkol sa Pananalig sa Diyos

2019.12.04 22:54

1. Ang tunay na paniniwala sa Diyos ay hindi tungkol sa paniniwala sa Kanya para maligtas at lalo pang hindi tungkol sa pagiging mabuting tao. Hindi rin ito tungkol lamang sa paniniwala sa Diyos para magkaroon ng wangis ng tao. Sa katunayan, dapat makita ng mga tao na ang pananampalataya ay hindi lamang paniniwala na mayroong Diyos: hindi ito na dapat maniwala ka lamang na ang Diyos ang katotohanan, ang daan, ang buhay, at wala nang iba pa. Ni hindi ito para lang kilalanin mo ang Diyos at maniwala na ang Diyos ang Pinuno sa lahat ng bagay, na makapangyarihan ang Diyos, na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa mundo, na natatangi at kataas-taasan ang Diyos. Hindi lang ito para maniwala ka sa mga katunayang ito. Ang kalooban ng Diyos ay ang iyong buong pagkatao at ang puso mo ay dapat maibigay sa Diyos at magpasakop sa Diyos; iyon ay, dapat sinusunod mo ang Diyos, hinahayaang gamitin ka ng Diyos, maging masaya na magsilbi para sa Kanya, at dapat mong gawin ang anuman para sa Diyos. Hindi totoo na yaon lamang itinakda at hinirang ng Diyos ang dapat manalig sa Kanya. Ang totoo, buong sangkatauhan ay dapat sambahin ang Diyos, pakinggan Siya at sundin Siya, dahil ang sangkatauhan ay nilikha ng Diyos. Dito papasok ngayon ang isyu tungkol sa diwa. Kung sinasabi mo palaging, “Hindi ba nananalig tayo sa Diyos para magtamo ng buhay na walang hanggan? Hindi ba nananalig tayo sa Diyos para tayo maligtas?” na para bagang ang pananalig mo sa Diyos ay katulad ng kung anong bagay sa paligid, na nananalig lamang para may mapala, hindi ito ang pananaw na dapat mong taglayin sa pananalig mo sa Diyos.

—mula sa “Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

2. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos.

—mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Ngayon, ano ang tunay na paniniwala sa Diyos? Ito ay ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang realidad ng iyong buhay at ang pagkilala sa Diyos mula sa Kanyang salita upang makamit ang tunay na pagmamahal sa Kanya. Upang maging malinaw: Ang paniniwala sa Diyos ay upang sumunod ka sa Diyos, mahalin ang Diyos, at gampanan ang tungkulin na dapat magampanan ng isang nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos. Dapat mong kamtin ang isang pagkakilala sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos, sa kung gaano karapat-dapat ang Diyos sa paggalang, sa kung paano, sa Kanyang mga nilikha, ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas at ginagawa silang perpekto—ito ang pinakamababa na dapat mong taglayin sa iyong paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin na ang paglipat mula sa isang buhay sa laman tungo sa isang buhay ng pagmamahal sa Diyos, mula sa isang buhay sa loob ng pagiging-likas tungo sa isang buhay sa loob ng kung ano ang Diyos, ito ay paglabas mula sa ilalim ng sakop ni Satanas at pamumuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, ito ay ang nakakayanang makamit ang pagkamasunurin sa Diyos at hindi pagkamasunurin sa laman, ito ay pagpapahintulot sa Diyos na makamit ang iyong buong puso, pagpapahintulot sa Diyos na gawin kang perpekto, at pagpapalaya sa iyong sarili mula sa tiwaling mala-satanas na disposisyon. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahing upang ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos ay maaaring mahayag sa iyo, nang sa gayon maaari mong gawin ang kalooban ng Diyos, at tuparin ang plano ng Diyos, at magawang patotohanan ang Diyos sa harap ni Satanas. Ang paniniwala sa Diyos ay hindi dapat upang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, ni hindi dapat para sa kapakanan ng iyong personal na laman. Ito ay dapat na para sa paghahabol sa pagkilala sa Diyos, at kakayahang sumunod sa Diyos, at tulad ni Pedro, sumunod sa Kanya hanggang kamatayan. Ito ay kung ano ang pangunahin upang makamit. Ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos ay upang makilala ang Diyos at upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos ay nagbibigay sa iyo nang higit na pagkakilala sa Diyos, at pagkatapos lamang nito makakasunod ka sa Diyos. Kung nakikilala mo lamang ang Diyos ay maiibig mo Siya, at ang pagkakamit ng mithiing ito ay ang tanging mithiin na dapat magkaroon ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos. Kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, palagi mong sinusubukang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, kung gayon ang pananaw ng ganitong paniniwala sa Diyos ay mali. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahing pagtanggap sa mga salita ng Diyos bilang realidad ng buhay. Tanging sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos mula sa Kanyang bibig at pagsasakatuparan ng mga iyon sa iyong sariling kalooban ang pagkakamit ng minimithi ng Diyos. Sa paniniwala sa Diyos, dapat habulin ng tao ang magawang perpekto ng Diyos, ang makayanang magpasakop sa Diyos, at ang kumpletong pagkamasunurin sa Diyos. Kung masusunod mo ang Diyos nang hindi nagrereklamo, nililimi ang mga ninanasa ng Diyos, kinakamit ang tayog ni Pedro, at tinataglay ang estilo ni Pedro na sinabi ng Diyos, doon mo naman makakamtan ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, at ito ay magiging tanda na ikaw ay nakakamtan ng Diyos.

—mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Dahil ikaw ay naniniwala sa Diyos, ikaw ay dapat kumain at uminom ng Kanyang salita, danasin ang Kanyang salita, at isabuhay ang Kanyang salita. Ito lamang ang matatawag na paniniwala sa Diyos! Kung sinasabi mo sa iyong bibig na naniniwala ka sa Diyos nguni’t hindi maisagawa ang kahit na ano sa Kanyang mga salita o makagawa ng anumang realidad, hindi ito masasabing naniniwala sa Diyos. Sa halip, ito ay “paghahanap ng tinapay upang pawiin ang gutom.” Ang pagsasalita lamang ng mga walang-kuwentang patotoo, walang-silbing mga bagay, at mabababaw na bagay, nang wala ni katiting na realidad: ang mga ito ay hindi bumubuo sa paniniwala sa Diyos, at sadyang hindi mo lang naintindihan ang tamang paraan ng paniniwala sa Diyos. Bakit mo kailangang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos hangga’t maaari? Ibinibilang ba itong paniniwala sa Diyos kung ikaw ay hindi kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita at naghahanap lamang para makaakyat sa langit? Ano ang unang hakbang para sa isang naniniwala sa Diyos? Sa pamamagitan ng anong landas ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Maaari ka bang magawang perpekto nang hindi kumakain at umiinom ng salita ng Diyos? Maibibilang ka bang tao sa kaharian kung wala ang salita ng Diyos bilang iyong realidad? Ano nga ba ang paniniwala sa Diyos? Ang mga naniniwala sa Diyos ay nararapat magtaglay ng mabuting pag-uugali sa panlabas, sa pinakamababa, at higit na mahalaga sa lahat ay ang maangkin ng salita ng Diyos. Kahit na anong mangyari, hindi mo kailanman matatalikuran ang Kanyang salita. Ang iyong pagkakilala sa Diyos at pagtupad ng Kanyang kalooban ay nakakamit lahat sa pamamagitan ng Kanyang salita. Sa hinaharap, ang bawat bansa, denominasyon, relihiyon, at sektor ay malulupig sa pamamagitan ng salita. Magsasalita ang Diyos nang tuwiran, at ang lahat ng tao ay hahawakan ang salita ng Diyos sa kanilang mga kamay; sa pamamagitan nito ay magagawang perpekto ang mga tao. Sa loob at labas, ang salita ng Diyos ay lumalaganap saanman: Ang mga tao ay bibigkasin sa kanilang mga bibig ang salita ng Diyos, magsasagawa ayon sa salita ng Diyos, at iingatan sa kalooban ang salita ng Diyos, na kapwa sa loob at sa labas ay babad sa salita ng Diyos. Sa ganito gagawing perpekto ang mga tao. Ang mga tumutupad sa kalooban ng Diyos at kayang sumaksi sa Kanya ay yaong mga nagtataglay ng salita ng Diyos bilang kanilang realidad.

—mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Ngayon, kailangan mong magpasimula sa tamang landas yamang ikaw ay naniniwala sa praktikal na Diyos. Sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghanap ng mga pagpapala, kundi hanaping mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang kaliwanagan at ng iyong sariling paghahabol, makakain mo at maiinom ang Kanyang salita, nakakabuo ng isang totoong pagkaunawa sa Diyos, at nagkakaroon ng isang tunay na pag-ibig ng Diyos na nanggagaling sa iyong puso. Sa madaling salita, ang iyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay na tunay, anupa’t walang makakasira o makakahadlang sa daan ng iyong pag-ibig para sa Kanya. Ikaw naman ay nasa tamang landasin ng pananampalataya sa Diyos. Pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos, sapagka’t ang puso mo ay naangkin na ng Diyos at sa gayon hindi na maaangkin ng iba pa. Dahil sa iyong karanasan, sa halaga na iyong binayaran, at sa gawain ng Diyos, umuusbong nang kusa ang pag-ibig mo para sa Diyos. Sa gayon ikaw ay napapalaya mula sa impluwensya ni Satanas at nabubuhay sa liwanag ng salita ng Diyos. Tanging kapag ikaw ay nakalaya na mula sa impluwensya ng kadiliman na masasabing nakamit mo na ang Diyos. Sa iyong paniniwala sa Diyos, dapat mong hanapin ang mithiing ito. Ito ang tungkulin ng bawat isa sa inyo. Walang dapat maging kampante sa kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-bagay. Hindi kayo makakapag-dalawang-isip tungo sa gawain ng Diyos o basta ituturing ito. Dapat ninyong isipin ang Diyos sa lahat ng larangan at sa lahat ng panahon, at gawin ang lahat ng bagay para sa Kanyang kapakanan. At kapag nagsasalita kayo o gumagawa ng mga bagay-bagay, dapat ninyong unahin ang mga interes ng tahanan ng Diyos. Tanging ito ang tumatalima sa kalooban ng Diyos.

—mula sa “Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Ngayon, nakita na ng lahat ng mga tao na ang isang naglilingkod sa Diyos ay hindi lamang dapat alam kung paano ang magdusa para sa Kanyang kapakanan, nguni’t higit pa, dapat maintindihan nila na ang paniniwala sa Diyos ay para sa kapakanan ng paghahanap na ibigin Siya. Ang paggamit sa iyo ng Diyos ay hindi lamang para sa pagpino sa iyo o para magdusa ka, nguni’t ito ay upang maipaalam sa iyo ang Kanyang mga pagkilos, malaman mo ang tunay na kabuluhan ng buhay ng tao, at lubusang ipabatid sa iyo na hindi madaling tungkulin ang paglilingkod sa Diyos. Hindi tungkol sa pagtatamasa sa biyaya ang pagdanas sa gawain ng Diyos, nguni’t higit ay tungkol sa pagdurusa dahil sa iyong pag-ibig sa Kanya. Yamang tinatamasa mo ang biyaya ng Diyos, dapat mo ring tinatamasa ang pagkastigo Niya—kailangang maranasan mo ang lahat ng ito. Mararanasan mo ang pagliliwanag ng Diyos sa iyo, at mararanasan mo rin ang Kanyang pakikitungo sa iyo at ang Kanyang paghatol. Sa gayong paraan, nararanasan mo ang lahat ng panig. Nakagawa ang Diyos ng gawain ng paghatol sa iyo, at nakagawa rin Siya ng gawain ng pagkastigo sa iyo. Pinakitunguhan ka ng salita ng Diyos, nguni’t niliwanagan ka rin nito, nilinawan ka. Kapag gusto mong tumakas, hinahatak ka pa rin ng kamay ng Diyos. Ang lahat ng gawaing ito ay upang ipaalam sa iyo na ang lahat ng tungkol sa tao ay nasa pagsasaayos ng Diyos. Maaari mong isipin na tungkol sa pagdurusa ang paniniwala sa Diyos, o ang paggawa ng maraming bagay para sa Kanya, o para sa kapayapaan ng iyong laman, o upang maging maayos ang lahat sa iyo, upang maging maginhawa ang lahat—nguni’t wala sa mga ito ang mga layuning dapat mayroon ang mga tao para sa paniniwala sa Diyos. Kung iyan ang iyong paniniwala, kung gayon ay hindi tama ang iyong pananaw at hindi ka basta magagawang perpekto. Ang mga pagkilos ng Diyos, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang karunungan, ang Kanyang mga salita, at ang Kanyang pagiging kamangha-mangha at pagiging di-maarok ay ang lahat ng bagay na dapat maunawaan ng mga tao. Gamitin ang pagkaunawang ito upang tanggalin ang pansariling mga kahilingan gayundin ang mga indibiduwal na mga pag-asa at mga pagkaunawa sa iyong puso. Sa pagtanggal lamang sa mga ito matutugunan mo ang mga kundisyon na hinihingi ng Diyos. Sa pamamagitan lamang nito magkakaroon ka ng buhay at mapalulugod ang Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay para sa pagpapalugod sa Diyos, at upang isabuhay ang disposisyon na Kanyang kinakailangan, upang maipamalas ang Kanyang mga pagkilos at kaluwalhatian sa pamamagitan ng grupong ito ng mga taong di karapat-dapat. Yaon ang tamang pananaw para sa paniniwala sa Diyos, at layunin din na dapat mong hanapin. Mayroon kang dapat na tamang pananaw sa paniniwala sa Diyos at hanapin na matamo ang mga salita ng Diyos. Kailangan mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at magawang isabuhay ang katotohanan, at bukod-tanging nakikita ang Kanyang praktikal na mga gawa, nakikita ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa sa buong sansinukob, gayundin ang praktikal na gawain na Kanyang ginagawa sa katawang-tao. Sa pamamagitan ng kanilang aktwal na mga karanasan, mapapahalagahan ng mga tao kung paano ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa kanila, at kung ano ang Kanyang kalooban tungo sa kanila. Lahat ng ito ay upang tanggalin ang kanilang tiwaling maka-Satanas na disposisyon. Tanggalin sa sarili mo ang di-malinis at di-matuwid na nasa loob mo, hubarin ang iyong maling mga layunin, at mabubuo sa iyo ang totoong pananampalataya sa Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng totoong pananampalataya na totoo mong maiibig ang Diyos. Maiibig mo lamang nang tunay ang Diyos sa mga saligan ng iyong paniniwala sa Kanya. Matatamo mo ba ang pag-ibig sa Diyos nang hindi naniniwala sa Kanya? Yamang naniniwala ka sa Diyos, hindi ka dapat hangal tungkol dito. Napupuno ng kalakasan ang ilang mga tao sa sandaling makita nila na ang pananampalataya sa Diyos ay magdudulot sa kanila ng mga pagpapala, nguni’t nawawala ang lahat ng sigla sa sandaling makita nilang magdurusa sila ng mga pagpipino. Paniniwala ba sa Diyos iyan? Sa katapusan, dapat mong maabot ang ganap at lubos na pagsunod sa harap ng Diyos sa iyong pananampalataya. Naniniwala ka sa Diyos nguni’t mayroon ka pa ring mga hinihingi sa Kanya, mayroon pa ring maraming mga relihiyosong pagkaintindi na hindi mo mabitiwan, pansariling mga kapakanan na hindi mo mapakawalan, at naghahangad pa rin ng mga pagpapala sa laman at nais mong iligtas ng Diyos ang iyong laman, na iligtas ang iyong kaluluwa—lahat ng ito ay mga pagpapahayag ng mga tao na may maling pananaw. Bagama’t may pananampalataya sa Diyos ang mga taong may mga relihiyosong paniniwala, hindi sila naghahanap ng pagbabago sa disposisyon, hindi naghahabol ng pagkakilala sa Diyos, at ang hinahanap lamang nila ay ang mga kapakanan ng kanilang laman. Marami sa gitna ninyo ang mayroong mga pananampalataya na kabilang sa kategorya ng relihiyosong mga paniniwala. Hindi iyan totoong pananampalataya sa Diyos. Upang maniwala sa Diyos kailangang angkin ng mga tao ang isang puso na magdurusa para sa Kanya at handang isuko ang kanilang mga sarili. Hangga’t hindi nila natutugunan ang dalawang kalagayang ito hindi ito nabibilang na pananampalataya sa Diyos, at hindi nila matatamo ang pagbabago sa disposisyon. Ang mga tao lamang na tunay na naghahabol sa katotohanan, naghahanap ng pagkakilala sa Diyos, at naghahabol sa buhay ay yaong mga totoong naniniwala sa Diyos.

—mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Ang pinakamalaking pagkakamali ng tao sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ay yaong sa mga salita lamang ang kanyang pananampalataya, at hindi sa anumang paraan umiiral ang Diyos sa kanyang praktikal na buhay. Ang lahat nga ng tao ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, subali’t ang Diyos ay hindi bahagi ng kanilang pang-araw-araw na mga buhay. Maraming panalangin sa Diyos ang nagmumula sa bibig ng tao, nguni’t ang Diyos ay may maliit na lugar sa kanyang puso, at dahil dito paulit-ulit na sinusubok ng Diyos ang tao. Sa dahilang ang tao ay hindi malinis, ang Diyos ay walang mapagpipilian kundi subukin ang tao, upang mapahiya siya at makilala ang kanyang sarili sa mga pagsubok. Kung hindi, ang tao ay lahat magiging inapo ng arkanghel, at lalong magiging tiwali. Sa panahon ng paniniwala ng tao sa Diyos, maraming personal na motibo at mga layunin ang matatanggal habang siya ay walang-humpay na nililinis ng Diyos. Kung hindi, walang tao ang magagamit ng Diyos, at walang paraan ang Diyos na gawin sa tao ang dapat Niyang gawin. Nililinis muna ng Diyos ang tao. Sa prosesong ito, maaaring makilala ng tao ang sarili niya, at maaaring baguhin ng Diyos ang tao. Pagkatapos lamang nito maaaring ibahagi ng Diyos ang Kanyang buhay sa tao, at sa ganitong paraan lamang lubusang naibabaling ang puso ng tao sa Diyos. Kaya, hindi napakasimple ang pananampalataya sa Diyos gaya ng maaaring sinasabi ng tao. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lamang nguni’t wala ang salita Niya bilang buhay; kung limitado ka lamang sa iyong sariling kaalaman nguni’t hindi maisasagawa ang katotohanan o maisasabuhay ang salita ng Diyos, kung gayon ito ay patunay pa rin na wala kang pusong may pag-ibig para sa Diyos, at ipinakikita na ang iyong puso ay hindi pag-aari ng Diyos. Ang pagkakilala sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya; ito ang panghuling mithiin at siyang dapat hanapin ng tao. Dapat kang maglaan ng pagsisikap sa pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos upang ang mga ito ay maging totoo sa iyong pagsasagawa. Kung mayroon ka lamang na kaalamang doktrina, kung gayon ang iyong pananampalataya sa Diyos ay mauuwi sa wala. Tanging kung iyo ring isinasagawa at isinasabuhay ang Kanyang mga salita na maituturing na ganap ang iyong pananampalataya at ayon sa kalooban ng Diyos.

—mula sa “Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Nananampalataya ka sa Diyos at sumusunod sa Kanya, at kaya sa iyong puso ay dapat mong mahalin ang Diyos. Dapat mong isantabi ang iyong tiwaling disposisyon, dapat hanaping tuparin ang nais ng Diyos, at dapat na gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Dahil ikaw ay nananampalataya at sumusunod sa Diyos, dapat mong ialay ang lahat sa Kanya, at hindi dapat na gumawa ng mga personal na pagpili o paghingi, at dapat mong makamit ang pagsasakatuparan ng nais ng Diyos. Dahil ikaw ay nilikha, dapat mong sundin ang Panginoon na lumikha sa iyo, sapagka’t ikaw ay likas na walang kapamahalaan sa iyong sarili, at walang kakayahan na kontrolin ang iyong tadhana. Dahil ikaw ay isang tao na nananampalataya sa Diyos, dapat mong hanapin ang kabanalan at pagbabago. Yamang ikaw ay isang nilalang ng Diyos, dapat kang manangan sa iyong tungkulin, at panatilihin ang iyong kinalalagyan, at hindi dapat lumampas sa iyong tungkulin. Ito ay hindi upang pilitin ka, o supilin ka sa pamamagitan ng doktrina, kundi ang landas kung saan sa pamamagitan nito ay magagampanan mo ang iyong tungkulin, at maaaring makamit—at dapat na makamit—ng lahat niyaong gumagawa ng pagkamakatuwiran.

—mula sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

9. Ang pinakasaligang kinakailangan ng pananampalataya ng tao sa Diyos ay ang mayroon siyang tapat na puso, at na buo niyang inilalaan ang kanyang sarili, at tunay siyang sumusunod. Ang pinakamahirap sa tao ay ibigay ang kanyang buong buhay kapalit ng tunay na pananampalataya, kung saan sa pamamagitan nito ay maaari niyang makamit ang buong katotohanan, at isakatuparan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Ito ang hindi natatamo ng mga nagkakamali, at higit pang mas hindi natatamo ng mga hindi makakatagpo kay Cristo. Dahil ang tao ay hindi magaling sa buong paglalaan ng kanyang sarili sa Diyos, dahil ang tao ay hindi handang gampanan ang kanyang tungkulin sa Lumikha, dahil nakita na ng tao ang katotohanan nguni’t iniiwasan ito at tumatahak ng kanyang sariling landas, dahil laging naghahanap ang tao sa pamamagitan ng pagsunod sa landas ng mga nagkamali na, dahil laging sinasalungat ng tao ang Langit, sa gayon, laging nagkakamali ang tao, laging nadádalá ng panlilinlang ni Satanas, at nabibitag sa sarili niyang lambat. Dahil hindi kilala ng tao si Cristo, dahil ang tao ay hindi sanáy sa pag-unawa at pagdanas ng katotohanan, dahil ang tao ay labis na mapagsamba kay Pablo at masyadong mapag-imbot sa langit, dahil laging hinihingi ng tao na si Cristo ay sumunod sa kanya at nag-uutos sa Diyos, kaya yaong mga dakilang pinuno at yaong mga nakaranas na ng mga di-inaasahang pangyayari sa mundo ay may kamatayan pa rin, at namamatay pa rin sa gitna ng pagkastigo ng Diyos. Ang masasabi Ko lamang sa mga ganoong tao ay na namamatay sila sa kalunus-lunos na kamatayan, at ang bunga nito para sa kanila—ang kanilang kamatayan—ay hindi nang walang katarungan. Hindi ba ang kanilang kabiguan ay lalong hindi matitiis ng batas ng Langit? Ang katotohanan ay nagmumula sa mundo ng tao, ngunit ang katotohanang nasa tao ay ipinamamana ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, ibig sabihin, mula sa Diyos Mismo, at hindi kayang tamuhin ng tao. Nguni’t ibinibigay lamang ni Cristo ang katotohanan; hindi Siya nakapagpapasya kung ang tao ay magiging matagumpay sa kanyang paghahangad sa katotohanan. Kaya nangangahulugan lamang ito na ang tagumpay o kabiguan sa katotohanan ay nakasalalay sa paghahangad ng tao. Ang tagumpay o kabiguan ng tao sa katotohanan ay hindi kailanman nagkaroon na ng kinalaman kay Cristo, bagkus ay nalalaman sa pamamagitan ng kanyang paghahangad. Ang hantungan ng tao at ang kanyang tagumpay o kabiguan ay hindi maaaring ibunton sa Diyos, upang ang Diyos Mismo ay pagpasanin nito, dahil hindi ito isang bagay na para sa Diyos Mismo, kundi ito ay direktang kaugnay ng tungkuling dapat gampanan ng mga nilalang ng Diyos. Karamihan sa mga tao ay mayroon talagang kaunting kaalaman tungkol sa paghahangad at hantungan nina Pablo at Pedro, nguni’t walang alam ang mga tao bukod sa kinalabasan para kina Pedro at Pablo, at mangmang sila sa sikreto sa likod ng tagumpay ni Pedro, o sa mga kakulangan na humantong sa pagkabigo ni Pablo. Kaya’t, kung kayo ay tunay na walang kakayahang makakita sa substansya ng kanilang paghahangad, kung gayon ang paghahangad ng karamihan sa inyo ay mabibigo pa rin, at kahit na may kaunti sa inyo na magtatagumpay, hindi pa rin sila magiging kapantay ni Pedro. Kung ang landas ng iyong paghahangad ay ang nararapat, kung gayon ikaw ay mayroong pag-asang magtagumpay; kung ang landas na iyong tinatahak sa paghahangad ng katotohanan ay mali, kung gayon ay habambuhay mong hindi makakayanang magtagumpay, at hahantong sa katapusang gaya ng kay Pablo.

—mula sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Upang ibuod ang pagtahak sa landas ni Pedro sa paniniwala sa Diyos, ito ay ang pagtahak sa landas ng paghahabol sa katotohanan, na siya ring landas ng tunay na pagkilala sa sarili at pagbabago sa disposisyon ng isa. Sa pamamagitan lamang ng pagtahak sa daan ni Pedro matatahak ng isa ang landas ng pagiging ginawang perpekto ng Diyos. Dapat maging malinaw sa isa kung paano espesipiko na tahakin ang landas ni Pedro at kung paano ito isagawa. Una, dapat munang isantabi ng isa ang kanyang sariling mga hangarin, di-wastong mga paghahabol, at maging ang kanyang sambahayan at lahat ng bagay ukol sa kanyang sariling laman. Dapat siyang maging buong-pusong nakatalaga, iyon ay, ganap na italaga ang kanyang puso tungo sa salita ng Diyos, magtuon ng pansin sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, magtuon ng pansin sa paghahanap para sa katotohanan, sa paghahanap para sa hangarin ng Diyos sa Kanyang mga salita, at subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang pinakapangunahin at ang pinakamahalagang paraan ng pagsasagawa. Ito ang ginawa ni Pedro pagkatapos niyang makita ang Panginoong Jesus, at sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa sa ganitong paraan nakakamit ng isa ang pinakamahusay na mga resulta. Ang buong-pusong pagtatalaga sa mga salita ng Diyos ay pangunahing nangangahulugan ng paghahanap sa katotohanan, paghahanap sa hangarin ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, pagtutuon ng pansin sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pag-unawa at pagkakamit ng mas maraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Kapag binabasa ang Kanyang mga salita, hindi nakatuon si Pedro sa pag-unawa sa mga doktrina at siya ay lalo pang hindi nakatuon sa pagkakamit ng kaalamang pangteolohiya; sa halip, siya ay nakatuon sa pag-unawa sa katotohanan at pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagtatamo ng pagkaunawa ng Kanyang disposisyon at ng Kanyang pagiging kaibig-ibig. Sinubukan din niyang unawain ang iba’t ibang tiwaling mga kalagayan ng tao mula sa mga salita ng Diyos, at unawain ang tiwaling kalikasan ng tao at ang tunay na mga pagkukulang ng tao, tinatamo ang lahat ng aspeto ng mga hinihingi ng Diyos sa tao upang mapalugod Siya. Nagkaroon siya ng napakaraming wastong mga pagsasagawa sa loob ng mga salita ng Diyos; ito ay halos naaayon sa kalooban ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na pakikipagtulungan ng tao sa kanyang karanasan sa gawain ng Diyos. Habang dumaranas ng daan-daang pagsubok ng Diyos, mahigpit niyang sinuri ang kanyang sarili ayon sa bawat salita ng paghatol ng Diyos sa tao, bawat salita ng paghahayag Niya sa tao, at bawat salita ng Kanyang mga kahilingan sa tao, at sinikap na unawain ang kahulugan ng mga pagbikas na iyon. Masigasig niyang pinagnilayan at isinaulo ang bawat salitang sinabi sa kanya ng Panginoong Jesus, at napakaganda ng nakamtan niyang mga resulta. Sa ganitong paraan ng pagsasagawa, naunawaan niya ang kanyang sarili mula sa mga salita ng Diyos, at hindi lang ang iba’t ibang tiwaling kalagayan ng tao ang naunawaan niya, kundi pati na ang diwa, likas na pagkatao, at ang iba’t ibang pagkukulang ng tao. Ito ang kahulugan ng tunay na maunawaan ang sarili. Mula sa mga salita ng Diyos, hindi lamang niya natamo ang tunay na pagkaunawa ukol sa sarili niya, kundi mula sa mga bagay na ipinapahayag sa mga pagbigkas ng Diyos—ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang kalooban ng Diyos para sa Kanyang gawain, ang Kanyang mga hinihingi sa sangkatauhan—mula sa mga salitang ito nakarating siya sa lubos na pagkakilala sa Diyos. Nakarating siya sa pagkakilala sa disposisyon ng Diyos, at sa Kanyang diwa; nakilala at naunawaan niya kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos at mga hinihingi ng Diyos para sa tao. Bagama’t ang Diyos ay hindi gaanong nagsalita noong panahong iyon kagaya ng Kanyang ginagawa sa kasalukuyan, nagkaroon ng bunga kay Pedro sa mga aspetong ito. Ito ay isang bihira at napakahalagang bagay. Dumaan si Pedro sa daan-daang pagsubok, subali’t hindi nagdusa nang walang-saysay. Hindi lamang niya naunawaan ang kanyang sarili mula sa mga salita at sa gawa ng Diyos, kundi nakilala rin niya ang Diyos. Dagdag pa riyan, sa mga pagbigkas ng Diyos, nagtuon siya lalo na sa mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan sa loob ng Kanyang mga salita. Sa alinmang mga aspeto dapat bigyang-kasiyahan ng tao ang Diyos upang makaayon sa kalooban ng Diyos, nagawang magsikap nang husto ni Pedro sa mga aspetong ito at nakamtan ang buong kalinawan; lubhang kapaki-pakinabang patungkol sa sarili niyang pagpasok. Anuman ang pinatungkulan ng Diyos, basta’t ang mga salitang iyon ay maaaring maging kanyang buhay, nakaya ni Pedro na iukit ang mga ito sa kanyang puso upang madalas na pagbulayan at pahalagahan ang mga ito. Matapos mapakinggan ang mga salita ng Panginoong Jesus nakaya niyang isapuso ang mga ito, na nagpapakita na siya ay espesyal na nakatuon sa mga salita ng Diyos, at tunay na nakamtan niya ang mga resulta sa huli. Iyon ay, nakaya niyang malayang isagawa ang mga salita ng Diyos, tumpak na isagawa ang katotohanan at mapahanay sa kalooban ng Diyos, kumilos nang lubusang naaayon sa intensiyon ng Diyos, at isuko ang kanyang sariling personal na mga opinyon at imahinasyon. Sa ganitong paraan, pumasok si Pedro sa realidad ng mga salita ng Diyos.

—mula sa “Paano Tahakin ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo