Ameba Ownd

アプリで簡単、無料ホームページ作成

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Mga Klasikong Salita tungkol sa Konstitusyon, mga Atas-Adm

2019.12.05 22:39

1. Ang gawaing Aking binalak ay parating sumusulong nang walang-tigil kahit isang saglit. Sa paglipat sa Kapanahunan ng Kaharian, at sa pagdadala sa inyo sa Aking kaharian bilang Aking bayan, magkakaroon Ako ng ibang mga hihingin sa inyo; ang ibig sabihin, sisimulan Ko nang ihayag sa inyong harap ang konstitusyon ng Aking pamumuno sa panahong ito:

Dahil tinatawag kayong Aking bayan, dapat ninyong makayang luwalhatiin ang Aking pangalan, iyan ay, maging patotoo sa gitna ng pagsubok. Kung ang sinuman ay nagtatangkang linlangin Ako at magtago ng katotohanan mula sa Akin, o sumali sa masamang gawain sa likod Ko, sila ay walang-pasubaling hahabuling palabas, paaalisin mula sa Aking tahanan upang maghintay ng paglilitis. Yaong mga naging taksil at masuwayin sa Akin sa nakaraan, at ngayon ay tumatayong muli upang hatulan Ako nang lantaran, sila rin ay hahabulin palabas sa Aking tahanan. Yaong Aking bayan ay dapat palaging nagmamalasakit para sa Aking mga pasanin at naghahanap din na malaman ang Aking mga salita. Ang mga taong katulad lamang nito ang Aking liliwanagan, at sila ay siguradong mabubuhay sa ilalim ng Aking patnubay at kaliwanagan, nang wala kailanmang matatagpuang pagkastigo. Yaong mga, nabibigong magmalasakit para sa Aking mga pasanin, nagtutuon ng pansin sa pagpaplano ng kanilang sariling mga hinaharap, iyan ay, yaong hindi nagmimithi na ang kanilang mga paggawa ay magbigay-kasiyahan sa Aking puso bagkus ay upang manghingi ng libreng tulong, itong mga tila-pulubing nilalang ay walang-pasubaling tatanggihan Kong gamitin, dahil mula sa sandaling sila ay isinilang wala silang alam kung ano ang kahulugan ng pagmamalasakit sa Aking mga pasanin. Sila ay mga taong walang matinong pag-iisip; ang mga taong tulad nito ay may sakit na “malnutrisyon” sa utak, at kailangang umuwi para sa ilang “pagkain.” Wala Akong paggagamitan para sa mga tao na ganitong uri. Sa Aking bayan, ang bawat isa ay kakailanganing magpalagay na ang pagkilala sa Akin ay isang obligadong tungkuling tutuparin hanggang sa katapusan, tulad ng pagkain, pagbibihis, at pagtulog, isang bagay na hindi kailanman nakakalimutan ng isang tao kahit saglit, upang sa katapusan ang pagkakilala sa Akin ay magiging isang pamilyar na kasanayan katulad ng pagkain, bagay na ginagawa mo nang walang-hirap, ng praktisadong kamay. Tungkol naman sa mga salitang Aking sinasabi, bawat isa nito ay dapat kunin nang may sukdulang katiyakan at ganap na unawain; hindi nagkakaroon ng paimbabaw at hilaw na pagtanggap. Sinuman ang hindi pumapansin sa Aking mga salita ay ipapalagay na deretsahang tumututol sa Akin; sinuman ang hindi kumakain sa Aking mga salita, o hindi naghahanap na malaman ang mga iyon, ay ipapalagay na hindi nagbibigay-pansin sa Akin, at deretsahang wawalisin palabas ng pinto ng Aking tahanan. Dahil, tulad ng sinabi Ko na sa nakaraan, ang nais Ko ay hindi ang dami ng bilang ng mga tao, kundi ang iilang pinili lamang. Mula sa isandaang katao, kung iisa lamang ang nakakikilala sa Akin sa pamamagitan ng Aking mga salita, kung gayon ay maluwag sa kalooban Ko na itapon ang natitirang iba upang ituon ang kaliwanagan at pagpapalinaw sa nag-iisang ito. Mula rito ay makikita ninyo, hindi talagang totoo na sa mas malaking bilang lamang Ako naihahayag, na naisasabuhay Ako. Ang Aking gusto ay trigo (kahit na ang butil ay maaaring hindi puno) at hindi mga dawag (kahit na ang butil ay halos puno na para makatawag-pansin). Tungkol naman sa mga hindi nagsasaalang-alang sa paghahanap bagkus ay kumikilos nang pabaya, dapat na sila ay umalis nang kusa; ayaw Ko na silang makitang muli, kung hindi ay patuloy silang magbibigay ng kahihiyan sa Aking pangalan.

—mula sa “Kabanata 5” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. Akin ngayong ipinahahayag ang mga atas administratibo ng Aking kaharian: Ang lahat ng bagay ay nasa loob ng Aking paghatol, lahat ng bagay ay nasa loob ng Aking pagkamakatuwiran, lahat ng bagay ay nasa loob ng Aking kamahalan, at ang pagkamakatuwiran ay isinasagawa sa lahat. Yaong mga nagsasabi na sila ay naniniwala sa Akin subalit sinasalungat Ako sa kanilang mga puso, o ang mga puso ay tumalikod sa Akin ay sisipain palabas, ngunit lahat ay sa loob ng Aking sariling tamang panahon. Yaong mga nagsasalita nang may panunuya tungkol sa Akin, ngunit sa isang paraan na hindi napapansin ng mga tao, ay mamamatay kaagad (sila ay mamamatay sa espiritu, katawan at kaluluwa). Para sa mga yaong umaapi o malamig-na-pinakikitunguhan yaong Aking mga minamahal, ang Aking poot ay hahatol sa kanila agad-agad. Ito ay upang sabihin na yaong mga may pusong mapanibughuin tungo sa mga yaong Aking minamahal at iniisip na Ako ay hindi matuwid ay ipapasa sa mga yaong ninanais Kong hatulan. Lahat ng may mabuting-asal, simple at tapat (kabilang yaong mga kulang sa karunungan) at taos na may iisang-pag-iisip tungo sa Akin ay mananatili lahat sa Aking kaharian. Yaong mga hindi dumaan sa pagsasanay, ibig sabihin yaong mga tapat na tao na kulang sa karunungan at panloob-na-kaunawaan, ay magkakaroon ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Gayunman sila ay nagdaan din sa pakikitungo at pagkabasag. Iyang sila ay hindi dumaan sa pagsasanay ay hindi ganap, ngunit sa halip sa pamamagitan ng mga bagay na ito Aking ipakikita sa bawat isa ang Aking pagka-makapangyarihan sa lahat at ang Aking karunungan. Aking sisipain palabas yaong mga nag-aalinlangan pa rin sa Akin ngayon, hindi Ko nais ang isa man sa kanila (Aking kinamumuhian yaong mga nag-aalinlangan pa rin sa Akin sa isang panahong gaya nito). Sa pamamagitan ng mga gawa na Aking ginagawa sa bawat bahagi ng buong sansinukob, Aking ipakikita sa mga tapat na tao ang pagiging kamangha-mangha ng Aking mga pagkilos, sa gayon ay pinalalago ang kanilang karunungan, panloob-na-kaunawaan at pag-arok, at Aking sasanhiin ang mga mapanlinlang na mga tao upang mawasak sa isang saglit dahil sa Aking kamangha-manghang mga gawa. Lahat ng panganay na mga anak na siyang unang tumanggap sa Aking pangalan (ibig sabihin yaong banal at walang-dungis, tapat na mga tao) ay siyang mauunang pumasok tungo sa kaharian at mamamahala sa lahat ng bansa at lahat ng bayan kasama Ko, maghahari bilang mga hari sa kaharian at sama-samang hahatulan ang lahat ng bansa at lahat ng bayan (ibig sabihin lahat ng panganay na mga anak sa kaharian, at wala nang iba). Yaong nasa gitna ng lahat ng bansa at lahat ng bayan na nahatulan na at nangagsisi ay papasok sa Aking kaharian at magiging Aking bayan, at yaong mga matitigas-ang-ulo at hindi nangagsisi ay itatapon tungo sa walang-hanggang kalaliman (upang mapahamak magpakailanman). Ang paghatol sa loob ng kaharian ay magiging huling panahon at ito ay magiging ang Aking lubusang paglilinis ng sanlibutan. Hindi na magkakaroon pa ng anumang kawalang-katarungan, anumang dalamhati, anumang mga luha, anumang mga buntong-hininga at lalong higit pa hindi na magkakaroon ng sanlibutan. Lahat ay magiging ang kahayagan ni Cristo, lahat ay magiging ang kaharian ni Cristo. Anong luwalhati! Anong luwalhati!

—mula sa “Kabanata 79” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Ngayon pinagtitibay Ko ang Aking mga atas administratibo para sa inyo (nagkabisa simula ng pagpapatibay ng mga ito, nagtatalaga ng iba’t ibang pagkastigo sa iba’t ibang tao):

Tinutupad Ko ang Aking mga pangako, at lahat ay nasa Aking mga kamay: Sinumang nagdududa ay siguradong papatayin. Walang lugar para sa anumang pagsasaalang-alang. Kaagad silang lilipulin, inaalis ang pagkamuhi mula sa Aking puso. (Pinatutunayan mula rito na sinumang pinapatay ay hindi dapat isa sa mga kasapi ng Aking kaharian, at dapat inapo ni Satanas.)

Bilang mga panganay na anak dapat panatilihin ninyo ang inyong mga sariling katayuan at gawin ang inyong mga tungkulin nang mainam at huwag maging mga taong mapanghimasok. Dapat ihandog ninyo ang inyong mga sarili sa Aking plano ng pamamahala, saan man kayo pumunta ay dapat sumaksing mabuti sa Akin at luwalhatiin ang Aking pangalan. Huwag gumawa ng mga kahiya-hiyang bagay, pero maging halimbawa para sa lahat ng Aking mga anak at Aking bayan. Huwag maging di-napipigilan kahit isang sandali: Dapat palagi kang nagpapakita sa lahat na may pagkakakilanlan ng mga panganay na anak, hindi mag-asal-alipin, pero lumalakad na taas-noo. Hinihingi Ko sa inyo na luwalhatiin ang Aking pangalan, hindi ipahiya ang pangalan Ko. Bawat isa na mga panganay na anak ay mayroong kanilang sariling tungkulin, at hindi magagawa ang lahat ng bagay. Ito ang pananagutang naibigay Ko na sa inyo, na hindi dapat inaatrasan, at dapat italaga ninyo ang inyong mga sarili sa pagtupad sa kung ano ang naipagkatiwala Ko na sa inyo ng inyong buong puso, ng inyong buong isip at ng inyong buong lakas.

Pagkatapos nito, sa buong mundo ng sansinukob, ang tungkulin ng pagpapastol sa lahat ng Aking anak at Aking buong bayan ay ipinagkakatiwala sa Aking mga panganay na anak para tuparin, at sinumang hindi maipatutupad ito ng kanilang buong puso at ng kanilang buong isip, kakastiguhin Ko. Ito ang Aking katuwiran—hindi Ko palalagpasin o pagagaangin kahit sa Aking mga panganay na anak.

Kung mayroong sinuman sa Aking mga anak o sa bayan Ko na tinutuya at iniinsulto ang isa sa Aking mga panganay na anak, paparusahan Ko siya nang may kalupitan dahil ang Aking mga panganay na anak ay kumakatawan sa Sarili Ko, at anumang ginagawa ninuman sa kanila, ginagawa niya rin sa Akin. Ito ang pinakamatindi sa Aking mga atas administratibo. Hinahayaan Ko ang Aking mga panganay na anak na mangasiwa ng Aking katuwiran ayon sa kanilang mga naisin laban sa sinuman sa Aking mga anak at Aking bayan na lumalabag sa atas na ito.

Unti-unting iniiwan Ko ang sinumang itinuturing Ako nang walang gaanong kabuluhan; pinagtutuunan lang ang Aking pagkain, kasuotan, at pagtulog; inaasikaso lang ang Aking mga panlabas na gawain at hindi inaasikaso ang pagsasaalang-alang sa Aking pasanin; at hindi binibigyang pansin ang pagtupad sa kanilang sariling tungkulin nang wasto. Nakatuon ito sa lahat na may pandinig.

Sinumang tinatapos ang paggawa ng serbisyo para sa Akin ay dapat masunuring umurong at hindi mag-ingay. Maging maingat, kung hindi ay pakikitunguhan kita. (Karagdagan ito.)

Dadamputin ng Aking mga panganay na anak ang tungkod na bakal simula ngayon at sisimulang ipatupad ang Aking awtoridad na mamahala sa lahat ng bansa at mga tao, lunakad sa gitna ng lahat ng bansa at mga tao, at isagawa ang Aking paghatol, katuwiran, at kamahalan sa gitna ng lahat ng bansa at mga tao. Katatakutan Ako ng Aking mga anak at Aking bayan, pupurihin Ako, ipagbubunyi Ako, at luluwalhatiin Ako nang walang patid dahil natutupad ang Aking plano ng pamamahala at mamumunong kasama Ko ang Aking mga panganay na anak.

—mula sa “Kabanata 88” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Ngayon, walang mas mahalaga na dapat sundin ng tao kaysa sa sumusunod: Hindi ka dapat manlinlang o magtago ng kahit na ano mula sa Diyos na nakatayo sa iyong harapan. Huwag kang magbibigkas ng mga marurumi at mayayabang na salita sa harap ng Diyos. Huwag mong lilinlangin ang Diyos sa iyong harapan sa pamamagitan ng maiinam na salita at magagandang pananalita upang makamit ang Kanyang tiwala. Huwag kang aasta nang walang paggalang sa harapan ng Diyos. Susundin mo ang lahat ng lumalabas sa bibig ng Diyos, at huwag pipigilan, lalabanan, o makikipagtalo sa Kanyang mga salita. Huwag mong ipapakahulugan, sa inaakala mong angkop, ang mga salita na nanggaling sa bibig ng Diyos. Dapat bantayan mo ang iyong dila upang maiwasan mong mahulog sa bitag ng mga mapanlinlang na pakana ng masama. Dapat bantayan mo ang iyong mga hakbang upang maiwasan ang paglabag sa mga hangganang itinalaga ng Diyos para sa iyo. Ang paggawa nito ay magiging sanhi upang magsalita ka ng mga mapagmataas at mapagmalaking salita mula sa pananaw ng Diyos, at sa gayon ay kamuhian ng Diyos. Huwag kang padalus-dalos na inuulit ang mga salitang nanggagaling sa bibig ng Diyos, baka makutya ka ng iba at gawing hangal ng diyablo. Susundin mo ang lahat ng gawain ng Diyos sa ngayon. Kahit na ito’y hindi mo nauunawaan, huwag mo itong bibigyan ng paghatol; ang magagawa mo lang ay maghanap at pakikisama. Walang tao ang dapat lumabag sa orihinal na kinalalagyan ng Diyos. Wala kang ibang magagawa kundi ang paglingkuran ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao. Hindi mo matuturuan ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao—ang gawin ito ay lisya. Walang maaaring pumalit sa kalagayan ng taong itinalaga ng Diyos; sa iyong mga salita, kilos, at mga saloobin, nakatayo ka sa posisyon ng tao. Dapat itong sundin, responsibilidad ito ng tao, hindi ito maaaring baguhin ninuman, at ang gawin iyon ay magiging paglabag sa mga atas administratibo. Dapat itong tandaan ng lahat.

—mula sa “Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5.(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng mga Taong Hinirang ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

1) Hindi dapat ipagmalaki ng tao ang kanyang sarili, ni itaas ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.

2) Dapat mong gawin ang anumang bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos, at hindi ang anumang nakasasama sa mga interes ng gawain ng Diyos. Dapat mong ipagtanggol ang pangalan ng Diyos, ang patotoo ng Diyos, at ang gawain ng Diyos.

3) Ang pera, materyal na mga bagay, at lahat ng ari-arian sa sambahayan ng Diyos ay mga handog na dapat ibigay ng tao. Ang mga handog na ito ay walang sinumang maaaring magtamasa kundi ang saserdote at ang Diyos, dahil ang mga handog ng tao ay para sa kaluguran ng Diyos, ibinabahagi lamang ng Diyos ang mga handog na ito sa saserdote, at wala nang iba pang kwalipikado o nararapat na magtamasa ng anumang bahagi ng mga iyon. Lahat ng handog ng tao (pati na ang pera at mga materyal na bagay na maaaring matamasa) ay ibinibigay sa Diyos, hindi sa tao. Kaya nga, ang mga bagay na ito ay hindi dapat tamasahin ng tao; kung tatamasahin ng tao ang mga ito, nanakawin niya ang mga handog. Sinumang gumagawa nito ay isang Judas, sapagkat, bukod pa sa pagiging traidor, kinuha rin ni Judas ang inilagay sa supot ng pera.

4) Ang tao ay may tiwaling disposisyon at, bukod pa rito, siya ay may damdamin. Dahil dito, talagang ipinagbabawal sa dalawang kasaping magkaibang kasarian na magkasama sa trabaho habang naglilingkod sa Diyos. Sinumang matuklasan na gumagawa nito ay ititiwalag, nang walang pagtatangi—at walang sinumang makakalibre dito.

5) Huwag mong hatulan ang Diyos, ni basta-basta talakayin ang mga bagay na may kaugnayan sa Diyos. Dapat mong gawin ang nararapat gawin ng isang tao, at magsalita ayon sa nararapat na pagsasalita ng tao, at huwag kang lumampas sa iyong mga limitasyon ni lumabag sa iyong mga hangganan. Bantayan mo ang iyong sariling pananalita at mag-ingat sa iyong sariling paglakad. Lahat ng ito ay pipigil sa iyo na gumawa ng anumang bagay na susuway sa disposisyon ng Diyos.

6) Dapat mong gawin ang nararapat gawin ng tao, at isakatuparan ang iyong mga obligasyon, at tuparin ang iyong mga responsibilidad, at manangan sa iyong tungkulin. Yamang nananalig ka sa Diyos, dapat kang gumawa ng iyong kontribusyon sa gawain ng Diyos; kung hindi, hindi ka karapat-dapat na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at hindi ka karapat-dapat na manirahan sa sambahayan ng Diyos.

7) Sa gawain at mga usapin ng simbahan, bukod pa sa pagsunod sa Diyos, sa lahat ng bagay ay dapat mong sundin ang mga tagubilin ng tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Kahit ang pinakamaliit na pagsuway ay hindi katanggap-tanggap. Kailangan mong maging ganap sa iyong pagsunod, at huwag mong suriin ang tama o mali; anuman ang tama o mali ay walang kinalaman sa iyo. Kailangan mo lamang iukol ang iyong sarili sa ganap na pagsunod.

8) Ang mga taong nananalig sa Diyos ay dapat sumunod sa Diyos at sumamba sa Kanya. Hindi mo dapat dakilain o tingalain ang sinumang tao; hindi mo dapat unahin ang Diyos, ipangalawa ang mga tao na iyong tinitingala, at ipangatlo ang iyong sarili. Walang sinumang dapat magkaroon ng lugar sa iyong puso, at hindi mo dapat isaalang-alang ang mga tao—lalo na ang iyong mga iginagalang—na kapareho ng Diyos, na Kanyang kapantay. Hindi ito matitiis ng Diyos.

9) Ang iyong mga iniisip ay dapat maging tungkol sa gawain ng simbahan. Dapat mong isantabi ang mga inaasam ng iyong sariling laman, maging desidido tungkol sa mga usaping pampamilya, buong-pusong ialay ang iyong sarili sa gawain ng Diyos, at unahin ang gawain ng Diyos at pangalawa ang iyong sariling buhay. Ito ang kagandahang-asal ng isang banal.

10) Ang kamag-anak na iba ang pananampalataya (ang iyong mga anak, ang iyong asawa, iyong mga kapatid o magulang, at iba pa) ay hindi dapat piliting sumapi sa simbahan. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi kulang sa mga kasapi, at hindi kailangang dagdagan ang bilang nila ng mga taong walang silbi. Huwag akayin sa simbahan ang lahat ng taong hindi masaya sa pananalig. Ang kautusang ito ay para sa lahat ng tao. Sa bagay na ito dapat ninyong siyasatin, subaybayan at paalalahanan ang isa’t isa, at walang sinumang maaaring lumabag dito. Kahit atubiling pumapasok sa simbahan ang kamag-anak na iba ang pananampalataya, huwag silang bigyan ng mga aklat o ng bagong pangalan; ang gayong mga tao ay hindi kabahagi ng sambahayan ng Diyos, at kailangan silang patigilin sa pagpasok sa simbahan sa anumang paraang kinakailangan. Kung may gulo dinala sa simbahan dahil sa paglusob ng mga demonyo, ikaw mismo ay ititiwalag o bibigyan ng mga pagbabawal. Sa madaling salita, lahat ay may responsibilidad sa bagay na ito, ngunit hindi ka rin dapat magpadalus-dalos, o gumamit nito para lutasin ang mga personal mong atraso.

—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Ang mga tao ay dapat umayon sa maraming tungkulin na kailangan nilang gampanan. Ito ang dapat sang-ayunan ng mga tao, at kung ano ang dapat nilang tuparin. Hayaang gawin ng Banal na Espiritu ang dapat gawin ng Banal na Espiritu; walang bahagi ang tao rito. Ang tao ay dapat umayon sa kung ano ang kailangang gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Walang iba ito kundi isang kailangang gawin ng tao, at dapat sang-ayunan bilang isang utos, katulad ng pagsang-ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Bagaman hindi na ngayon ang Kapanahunan ng Kautusan, mayroon pa ring mga salita sa Kapanahunan ng Kautusan na kailangang sang-ayunan, at ang mga ito ay hindi lamang naisasakatuparan sa pamamagitan ng pag-asa sa pag-antig ng Banal na Espiritu, ngunit kailangang sang-ayunan ng tao. Halimbawa: Huwag mong hahatulan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag mong lalabanan ang taong pinatotohanan ng Diyos. Sa harapan ng Diyos, iingatan mo ang iyong kalagayan at huwag magiging talipandas. Dapat kang maging mahinahon sa pananalita, at ang iyong mga salita at kilos ay dapat sinusunod ang pagsasaayos ng taong pinatotohanan ng Diyos. Dapat mong igalang ang patotoo ng Diyos. Huwag mong babalewalain ang gawain ng Diyos at ang mga salita na nagmumula sa Kanyang labi. Huwag mong gagayahin ang tono at mga hangad ng mga pagbigkas ng Diyos. Sa panlabas, huwag kang gagamawa ng kahit na anumang hayagang pagsalungat sa taong pinatotohanan ng Diyos. At iba pa. Ito ang mga dapat sang-ayunan ng bawat tao.

—mula sa “Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Dapat ninyong ingatan ang Aking sinasabi sa inyo sa inyong mga puso, dapat ninyong unawain ang Aking puso sa pamamagitan ng Aking mga salita at magpakita ng pagsasaalang-alang sa Aking pasanin, at sa gayon ay makikilala ninyo ang Aking pagka-makapangyarihan sa lahat at makikita ang Aking persona. Sapagka’t ang Aking mga salita ay mga salita ng karunungan at walang sinuman ang makakatarok sa mga prinsipyo o mga batas sa likod ng Aking mga salita. Iniisip ng mga tao na nagsasagawa Ako ng pandaraya at kabuktutan at hindi nila Ako nakikilala sa pamamagitan ng Aking mga salita, nguni’t sa kabaligtaran ay nilalapastangan nila Ako. Napakabulag nila at napakamangmang! At wala silang anumang pagtalos. Bawat pangungusap na Aking binibigkas ay may taglay na awtoridad at paghatol at walang sinumang makapagbabago sa mga iyon. Sa sandaling lumalabas ang Aking mga salita, ang mga bagay-bagay ay matutupad ayon sa Aking mga salita, at ito ang Aking disposisyon. Ang Aking mga salita ay awtoridad at sinupamang bumabago sa mga iyon ay nagkakasala sa Aking pagkastigo at dapat Ko silang pabagsakin. Sa seryosong mga katayuan pinababagsak nila ang kanilang sariling mga buhay at napupunta sila sa Hades, o napupunta sa walang-hanggang kalaliman. Ito ang tanging paraan kung paano Ko pinakikitunguhan ang sangkatauhan at walang paraan ang tao para baguhin ito—ito ay Aking mga atas administratibo. Tandaan ito! Walang sinumang hinahayaang magkasala sa Aking atas; dapat itong magawa ayon sa Aking kalooban! Sa nakalipas, napakaluwag Ko sa inyo at ang nakatagpo lamang ninyo ay ang Aking mga salita. Ang mga salitang Aking sinabi tungkol sa pagpapabagsak sa mga tao ay hindi pa naganap. Nguni’t mula ngayon, lahat ng sakuna (kaugnay ang mga ito sa Aking mga atas administratibo) ay babagsak nang sunud-sunod upang parusahan ang lahat ng hindi umaayon sa Aking kalooban. Dapat mayroong dumating na mga katunayan, kung hindi gayon ay hindi makikita ng mga tao ang Aking poot kundi paulit-ulit na magiging masama. Isang hakbang ito ng Aking planong pamamahala at ito ang paraan kung paano Ko gagawin ang susunod na hakbang ng Aking gawain. Sinasabi Ko ito sa inyo nang patiuna upang maaaring maiwasan ninyong makagawa ng kasalanan at magdusa ng kapahamakan magpakailanman. Ibig sabihin niyan, gagawin Ko mula sa araw na ito na ang lahat ng tao maliban sa Aking mga panganay na anak na lumagay sa kanilang dapat kalagyan ayon sa Aking kalooban, at kakastiguhin Ko sila nang isa-isa. Hindi Ko palalampasin ang kahit isa sa kanila. Subukan ninyo lamang maging masamang muli! Subukan mo lamang na maging mapaghimagsik muli! Nasabi Ko na noong una na matuwid Ako sa lahat nang walang kahit katiting man na saloobin, at nagpapakita ito na ang hindi dapat magkasala sa Aking disposisyon. Ito ang Aking persona. Walang sinumang makapagbabago nito. Naririnig ng lahat ng tao ang Aking mga salita at nakikita ng lahat ng tao ang Aking maluwalhating mukha. Dapat Akong sundin ng lahat ng tao nang ganap at walang-pasubali—ito ay Aking mga atas administratibo. Lahat ng tao sa mga kadulu-duluhan ng sansinukob ay dapat magpuri sa Akin, lumuwalhati sa Akin, sapagka’t Ako ang natatanging Diyos Mismo, sapagka’t Ako ang persona ng Diyos. Walang sinumang makapagbabago ng Aking mga salita at mga pagbigkas, ng Aking pananalita at galaw, dahil ang mga ito ay mga bagay na para sa Akin lamang, at yaong nataglay Ko na mula sa kawalang-hanggan at iiral magpakailanman.

—mula sa “Kabanata 100” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Bawat isa sa inyo ay dapat magkaroon ng pang-unawa sa Aking mga atas administratibo. Kung hindi, hindi kayo magkakaroon ng kahit katiting na takot at magiging walang-ingat sa harapan Ko, at hindi ninyo malalaman kung ano ang nais Ko na gawing perpekto, kung ano ang nais Kong gawing ganap, kung ano ang nais Kong matamo o kung anong uri ng tao ang kinakailangan ng Aking kaharian.

Ang Aking mga atas administratibo ay:

1) Maging sino ka man, kung sinasalungat mo Ako sa puso mo, hahatulan ka.

2) Para sa mga nahirang Ko na, madidisiplina sila kaagad para sa anumang maling mga ideya.

3) Ilalagay Ko yaong mga hindi naniniwala sa Akin sa isang tabi. Hahayaan Ko silang magsalita at kumilos nang walang-ingat hanggang sa pinaka-wakas kung kailan lubusang parurusahan Ko sila at aayusin sila.

4) Para sa mga naniniwala sa Akin, aalagaan Ko sila at iingatan sila sa lahat ng panahon. Tutustusan Ko sila ng buhay na ginagamit ang paraan ng pagliligtas sa lahat ng panahon. Ang mga taong ito ay magkakaroon ng Aking pag-ibig at talagang hindi sila mahuhulog o maliligaw. Anumang kahinaang mayroon sila ay magiging panandalian, at tunay na hindi Ko aalalahanin ito.

5) Para sa mga parang naniniwala pero hindi talaga naniniwala—ibig sabihin yaong mga naniniwala na mayroong Diyos pero hindi hinahanap ang Cristo, pero hindi rin tumututol—ang ganitong uri ng mga tao ang pinaka-kahabag-habag, at sa pamamagitan ng Aking mga gawa ay gagawin Kong makakita sila nang malinaw. Sa pamamagitan ng Aking mga pagkilos, ililigtas Ko ang ganitong uri ng mga tao at ibabalik sila.

6) Ang mga panganay na anak ng Diyos na mga naunang tumanggap sa Aking pangalan ay pagpapalain! Talagang ipagkakaloob Ko ang pinakamainam na mga pagpapala sa inyo at kayo ay magtatamasa hanggang masiyahan ang inyong puso; walang sinumang mangangahas na hadlangan ito. Lahat ay lubusang inihahanda para sa inyo, dahil ito ang Aking atas administratibo.

—mula sa “Kabanata 56” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

9 Ang paghatol Ko’y dumarating sa bawat isa, ang Aking mga atas administratibo ay humihipo sa bawat isa, at ang Aking mga salita at Aking persona ay ibinubunyag sa bawat isa. Ito ang panahon para sa dakilang gawain ng Aking Espiritu (sa panahong ito yaong mga pagpapalain at yaong magdurusa ng kasawiampalad ay pinag-iiba). Sa sandaling ang Aking mga salita ay lumabas, napag-iba Ko na yaong mga pagpapalain at yaong mga magdurusa ng kasawiampalad. Itong lahat ay maliwanag na parang kristal at makikita Ko ito sa isang sulyap. (Sinasalita ito kaugnay sa Aking pagkatao, kaya hindi nito sinasalungat ang Aking paunang-pagtatalaga at pagpili.) Gumagala Ako sa mga kabundukan at mga ilog at sa lahat ng bagay, sa kalawakan ng sansinukob, pinagmamasdan ang bawat lugar at nililinis ang bawat lugar, nang sa gayon yaong mga maruruming lugar at yaong mga malalaswang lupain ay hindi na iiral na lahat at masusunog tungo sa kawalan dahil sa Aking mga salita. Para sa Akin, lahat ng bagay ay madali. Kung ngayon ang sandali na Aking paunang-itinalaga na mawasak ang mundo, maaari Ko itong lulunin sa isang salita, nguni’t ngayon ay hindi ang sandali. Lahat ay dapat maging handa bago Ko gagawin ang gawaing ito, upang sa gayon ay hindi magambala ang Aking plano at gambalain ang Aking pamamahala. Alam Ko kung paano gawin ito nang makatwiran: mayroon Ako ng Aking karunungan at mayroon Ako ng sarili Kong pagsasaayos. Hindi dapat gumalaw ang mga tao kahit isang daliri—maging maingat na hindi mapatay sa Aking kamay; hinihipo na nito ang Aking mga atas administratibo. Mula rito ay makikita ang kabagsikan ng Aking mga atas administratibo, at makikita ang mga prinsipyo ng Aking mga atas administratibo, na kinapapalooban ng dalawang aspeto: Sa isang banda pinapatay Ko ang lahat ng hindi nakaayon sa Aking kalooban at nagkakasala sa Aking mga atas administratibo; sa kabilang banda, sa Aking poot isinusumpa Ko ang lahat ng nagkakasala sa Aking mga atas administratibo. Ang dalawang aspetong ito ay kailangang-kailangan at ito ang mga prinsipyo sa pamamalakad ng Aking mga atas administratibo. Bawat isa ay hinahawakan ayon sa dalawang prinsipyong ito, nang walang emosyon, kahit na gaano pa katapat ang mga tao. Ito ay sapat upang ipakita ang Aking pagkamakatuwiran at sapat upang ipakita ang Aking kamahalan at ang Aking poot, na susunog ng lahat ng makalupang bagay, lahat ng makamundong bagay, at lahat ng bagay na hindi nakaayon sa Aking kalooban. Sa Aking mga salita mayroong natatagong mga hiwaga, at sa Aking mga salita mayroon ding nabubunyag na mga hiwaga, kaya sa pantaong pagkaintindi, sa pantaong isipan, ang Aking mga salita ay magpakailanmang di-maunawaan at ang Aking puso ay magpakailanmang di-maarok. Sa madaling salita, dapat Kong alisin sa mga tao ang kanilang pagkaintindi at iniisip. Ito ang pinakamahalagang paksa ng Aking planong pamamahala. Kailangang gawin Ko ito sa ganitong paraan upang matamo ang Aking mga panganay na anak at upang matupad ang mga bagay na gusto Kong gawin.

—mula sa “Kabanata 103” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Nguni’t hangga’t ang lumang mundo ay patuloy na umiiral, ihahagis Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipoproklama ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag humaharap Ako sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at sa gayon ay nakikita nila ang lahat ng Aking ginawa sa buong sansinukob. Yaong mga sumasalungat sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga tumututol sa Akin taglay sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati; ang di-mabilang na mga bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at magiging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nauukol sa diyablo ay lilipulin; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming bayan, yaong mga nasa relihiyosong daigdig, sa iba’t ibang lawak, ay bumabalik sa Aking kaharian, nalupig ng Aking mga gawain, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa puting ulap. Susunod ang buong sangkatauhan sa kanilang sariling uri, at makakatanggap ng mga pagkastigo na naiiba sa kung ano ang kanilang nagawa. Yaong mga kumalaban sa Akin ay malilipol na lahat; para naman sa mga yaon na hindi Ako isinama sa kanilang mga gawa sa lupa, dahil sa paraan nila ng pagpapawalang-sala sa kanilang sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, na nagpapahayag ng Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

—mula sa “Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Manood ng higit pa:Ano ba talaga ang tunay na pananalig sa Diyos? Paano dapat maniwala sa Diyos ang isang tao para matamo ang Kanyang papuri?