Mga Klasikong Salita tungkol sa Paghahayag Kung Paano Ginagawang Tiwali ni Satanas ang Sangkatauhan
1. Nang ang mundo ay hindi pa umiiral, ang arkanghel ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Mayroon itong kapangyarihan sa lahat ng anghel sa langit; ito ang awtoridad na ibinigay ng Diyos. Maliban sa Diyos, ito ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Nang nilikha ng Diyos kinalaunan ang sangkatauhan, nagsagawa ng mas malaking kataksilan ang arkanghel sa Diyos sa lupa. Sinasabi Ko na ipinagkanulo nito ang Diyos dahil nais nitong pamahalaan ang sangkatauhan at malampasan ang awtoridad ng Diyos. Ang arkanghel ang nanukso kay Eva tungo sa kasalanan; ginawa ito dahil nais nitong itatag ang kaharian nito sa lupa at gawin ang sangkatauhan na pagtaksilan ang Diyos at sa halip ay sundin ito. Nakita nito na maraming bagay ang sumunod dito; ang mga anghel ay sumunod dito, gayundin ang mga tao sa lupa. Ang mga ibon at hayop, mga puno, mga kagubatan, mga bundok, mga ilog, ang lahat ng bagay sa lupa ay nasa pangangalaga ng tao—iyon ay, sina Adan at Eva—habang sina Adan at Eva ay sumusunod dito. Kaya hinangad ng arkanghel na malampasan ang awtoridad ng Diyos at pagtaksilan ang Diyos. Kinalaunan ay pinamunuan niya ang maraming anghel upang ipagkanulo ang Diyos, anupa’t naging iba’t ibang maruruming espiritu ang mga ito. Hindi ba’t ang pagsulong ng sangkatauhan hanggang sa araw na ito ay dulot ng pagtitiwali ng arkanghel? Naging ganito lamang ang sangkatauhan ngayon dahil ipinagkanulo ng arkanghel ang Diyos at ginawa nitong tiwali ang sangkatauhan.
—mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paano Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
2. Una ay nilikha ng Diyos sina Adan at Eva, at lumikha rin Niya ng ahas. Sa lahat ng bagay, ang ahas ay ang pinakamakamandag; ang katawan nito ay nagtataglay ng lason, at ginamit ni Satanas ang lasong ito. Ang ahas na iyon ang tumukso kay Eva upang magkasala. Nagkasala si Adan pagkatapos ni Eva, at silang dalawa ay napagtanto ang masama sa mabuti.
—mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paano Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
3. Pag-usapan natin ang tungkol sa “Ang Pagtukso ng Ahas sa Babae.” Sino ang ahas? (Si Satanas.) Ginagampanan ni Satanas ang papel ng hambingan sa anim-na-libong-taon na plano ng pamamahala ng Diyos … sa pamamagitan ng mga salita at mga gawa nito ating makikita kung paano kumikilos si Satanas, kung paano nito ginagawang tiwali ang sangkatauhan, kung anong uri ng kalikasan mayroon ito at kung ano ang hitsura nito. Kaya ano ang sinabi ng babae sa ahas? Isinalaysay ng babae sa ahas kung ano ang sinabi ng Diyos na si Jehova sa kanya. Batay sa kanyang sinabi, pinatunayan ba niya ang katumpakan ng lahat ng sinabi sa kanya ng Diyos? Hindi niya mapapatunayan ito, hindi ba? Bilang isang taong kalilikha pa lamang, wala siyang kakayahan na makilala ang kaibahan ng masama sa mabuti, ni may kakayahan siyang makilala ang anuman sa kanyang paligid. Kung pagbabatayan ang mga salitang binigkas niya sa ahas, hindi niya napatunayan ang mga salita ng Diyos bilang tama sa kanyang puso; ito ang kanyang saloobin. Kaya nang makita ng ahas na ang babae ay walang tiyak na saloobin ukol sa mga salita ng Diyos, sinabi nito: “Tunay na hindi kayo mamamatay: Sapagka’t talastas ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.” Mayroon bang anumang mali sa mga salitang ito? Pagkabasa ninyo sa pangungusap na ito, nadama ba ninyo ang mga intensyon ng ahas? Ano ang mga intensyon na mayroon ang ahas? (Ang tuksuhin ang tao na magkasala.) Nais nito na tuksuhin ang babaeng ito upang pigilan siyang sundin ang mga salita ng Diyos, ngunit hindi nito sinabi nang tuwiran. Kaya masasabi natin na ito ay napakatuso. Ipinapahayag nito ang kanyang kahulugan sa isang palihim at hindi tuwirang paraan upang makamit ang hinahangad nitong layunin na itinatago nito mula sa tao sa loob mismo nito—ito ang katusuhan ng ahas. Si Satanas ay palaging nagsasalita at kumikilos sa ganitong paraan. Sinasabi nito na “hindi tiyak,” nang walang anumang pinapatunayan. Subalit sa pagkarinig nito, ang mangmang na puso ng babaeng ito ay naantig. Nalugod ang ahas sapagkat nakamit ng mga salita nito ang hinahangad na epekto—ito ang tusong intensyon ng ahas.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
4. Mula nang unang magkaroon ang tao ng agham panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Doon ang agham at kaalaman ay naging mga kasangkapan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Ang isang mundo sa puso ng tao na walang lugar para sa Diyos ay madilim, walang laman sa kawalang pag-asa. At kaya lumitaw ang maraming panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng mga teorya ng araling panlipunan, ang teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sinasalungat ang katotohanang nilikha ng Diyos ang tao, upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, yaong naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay naging lalo pang kakaunti, at yaong naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay mas lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga alamat at mga kathang-isip. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa doktrina na ang Diyos ay umiiral at humahawak ng kapamahalaan sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang hungkag na mundo na iniintindi lamang ang pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. … Iilang tao lang ang inaako mismo ang paghanap kung saan ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain ngayon, o hanapin kung paano Niya pinamumunuan at inaayos ang hantungan ng tao. At sa ganitong paraan, hindi namamalayan ng tao, ang sibilisasyon ng tao ay lalo at lalong nawalan ng kakayahang tugunan ang mga kagustuhan ng tao, at mayroon pang maraming tao na nakararamdam na, sa pamumuhay sa gayong mundo, sila ay hindi gaanong masaya kung ihahambing sa mga taong yumao na. Maging ang mga tao ng mga dating napakaunlad na sibilisadong bayan ay nagpapahayag ng mga naturang karaingan. Sapagkat kung walang patnubay ng Diyos, gaano man pakaisipin ng mga pinuno at sosyolohista na maipreserba ang sibilisasyon ng tao, ito ay walang kabuluhan. Walang sinuman ang makapupuno ng kawalan sa puso ng tao, dahil walang sinuman ang maaaring maging buhay ng tao, at walang teoryang panlipunan ang maaaring magpalaya sa tao mula sa kawalan kung saan siya ay namimighati. Agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, paglilibang, kaginhawahan, ang mga ito ay isa lamang pansamantalang pahinga. Kahit na sa mga bagay na ito, ang tao ay hindi maiiwasang magkasala at managhoy sa kawalang katarungan ng lipunan. Hindi mababawasan ng mga bagay na ito ang pagnanasa at hangarin ng tao na tumuklas. Sapagkat ang tao ay nilalang ng Diyos at ang walang katuturang mga sakripisyo at mga pagtuklas ng tao ay maaari lamang humantong sa mas lubusang pagkabagabag. Ang tao ay iiral sa patuloy na kalagayan ng pagkatakot, na hindi malalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan, o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap. Darating ang panahon na kahit ang agham at kaalaman ay katatakutan ng tao, at higit na kakatakutan ang pakiramdam ng kawalan sa kaloob-looban niya. Sa mundong ito, hindi alintana kung ikaw ay nakatira sa isang malayang bayan o sa isang walang mga karapatang pantao, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang kapalaran ng sangkatauhan. Ikaw man ang pinuno o ang pinamumunuan, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang pagnanais na galugarin ang kapalaran, mga hiwaga, at hantungan ng sangkatauhan. Lalo nang wala kang kakayahang takasan ang nakalilitong pakiramdam ng kawalan. Ang gayong di-pangkaraniwang mga pangyayari, na karaniwan sa buong sangkatauhan, ay tinatawag ng mga sosyolohista na di-pangkaraniwang mga pangyayari sa lipunan, ngunit walang dakilang taong maaaring lumabas upang lutasin ang naturang mga problema.
—mula sa “Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
5. Ang ginagawa ng siyensiya ay pinahihintulutan lamang nito ang mga tao na makita ang mga bagay sa pisikal na mundo at binibigyang kasiyahan lamang ang pagkamausisa ng tao; hindi nito pinahihintulutan ang tao na makita ang mga batas kung saan mayroong kapamahalaan ang Diyos sa lahat ng bagay. Tila naghahanap ang mga tao ng mga kasagutan mula sa siyensiya, ngunit ang mga kasagutang iyon ay nakalilito at nagdadala lamang ng panandaliang kasiyahan, isang kasiyahan na nagsisilbi lamang na magkulong ng puso ng tao sa pisikal na mundo. Nararamdaman ng tao na nakuha nila ang mga kasagutan mula sa siyensiya kaya naman anumang isyu ang lumitaw, sinisikap nilang patunayan o tanggapin ito batay sa kanilang mga siyentipikong pananaw. Ang puso ng tao ay inaangkin ng siyensiya at naaakit nito sa puntong hindi na iniintindi ng tao na makilala ang Diyos, sambahin ang Diyos, at paniwalaan na ang lahat ng bagay ay nanggagaling sa Diyos at dapat na sa Kanya maghanap ang tao ng mga kasagutan. Hindi ba ito totoo? Kapag mas lalong naniniwala ang isang tao sa siyensiya, mas lalo silang nagiging kakatwa, naniniwala na ang lahat ay may siyentipikong solusyon, na lahat ay kayang lutasin ng pananaliksik. Hindi nila hinahanap ang Diyos at hindi sila naniniwala na Siya ay umiiral; kahit ang ilang tao na sumusunod sa Diyos sa loob ng maraming aon ay hahayo at magsasaliksik tungkol sa bakterya sa isang iglap o maghahanap ng kaunting impormasyon para sa masagot ang isang isyu. Ang taong ganoon ay hindi tumitingin sa mga isyu mula sa perspektibo ng katotohanan at kadalasan ay gusto nilang dumepende sa siyentipikong mga pananaw at kaalaman o siyentipikong mga kasagutan para lutasin ang mga problema; ngunit hindi sila dumedepende sa Diyos at hindi nila hinahanap ang Diyos. Taglay ba ng mga taong ganito ang Diyos sa kanilang mga puso? (Hindi.) Mayroon pa ngang ilang tao na gustong magsaliksik sa Diyos sa parehong paraan na sila ay nag-aaral ng siyensiya. Halimbawa, mayroong maraming relihiyosong mga eksperto na nanggaling sa lugar kung saan huminto ang arko matapos ang malaking pagbaha. Nakita na nila ang arko, ngunit sa pagpapakita ng arko hindi nila nakikita ang pag-iral ng Diyos. Naniniwala lamang sila sa mga kuwento at sa kasaysayan at ito ang resulta ng kanilang siyentipikong pananaliksik at pag-aaral ng pisikal na mundo. Kapag ikaw ay nagsaliksik ng mga materyal na bagay, maging ito man ay mikrobiyolohiya, astronomiya, o heograpiya, hindi mo kailanman mahahanap ang isang resulta na nagsasabing umiiral ang Diyos o na mayroon Siyang kapamahalaan sa lahat ng bagay. Kung gayon, ano ang ginagawa ng siyensiya para sa tao? Hindi ba nito inilalayo ang tao mula sa Diyos? Hindi ba nito pinahihintulutan ang mga tao na pag-aralan ang Diyos? Hindi ba nito mas pinagdududa ang mga tao tungkol sa pag-iral ng Diyos? (Oo.) Kung gayon, paano gustong gamitin ni Satanas ang siyensiya upang gawing tiwali ang tao? Hindi ba gusto ni Satanas na gumamit ng siyentipikong mga konklusyon upang linlangin at gawing manhid ang mga tao, at gumamit ng hindi tiyak na mga kasagutan upang manatili sa puso ng mga tao upang hindi na sila maghanap pa o maniwala sa pag-iral ng Diyos? (Oo.) Ito ang dahilan kaya natin sinasabi na isa ito sa mga paraan na ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
6. Sa tinaguriang kaalaman ng tao, bumuo si Satanas ng kaunting pilosopiya ng buhay at ang pag-iisip nito. At habang ginagawa ito ni Satanas, pinahihintulutan ni Satanas ang tao na iakma ang kanyang pag-iisip, pilosopiya, at pananaw upang maaaring itanggi ng tao ang pag-iral ng Diyos, itanggi ang kapamahalaan ng Diyos sa lahat ng bagay at ang kapamahalaan sa kapalaran ng tao. Kaya habang pinag-aaralan ng tao ang pagsulong, at natatarok niya ang mas higit na kaalaman, nararamdaman niyang ang pag-iral ng Diyos ay nagiging malabo at maaari ding makaramdam ng tao na hindi umiiral ang Diyos. Sa pagdaragdag ni Satanas ng mga pananaw, mga pagkaunawa, at mga kaisipan sa isip ng tao, hindi ba’t tinitiwali ang tao sa pamamagitan nito kapag inilalagay ni Satanas ang mga kaisipang ito sa kanyang isip? (Oo.) Ano ang pinagbabatayan ngayon ng tao ng kanyang buhay? Dumedepende ba talaga siya sa kaalamang ito? Hindi; ibinabatay ng tao ang kanyang buhay sa mga kaisipan, pananaw, at pilosopiya ni Satanas na nakakubli sa kaalamang ito. Ito ay kung saan nagaganap ang kaibuturan ng pagtitiwali ni Satanas, ito ang layon ni Satanas at ang pamamaraan nito upang gawing tiwali ang tao.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Buong Teksto: https://tl.kingdomsalvation.org/how-satan-corrupts-mankind.html