Mga Salita tungkol sa Awtoridad ng Diyos
1. Mula nang sinimulan Niya ang paglikha sa lahat ng bagay, nagsimulang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos, at nagsimulang mabunyag, dahil gumamit ang Diyos ng mga salita para likhain ang lahat ng bagay. Kahit sa ano pa mang paraan Niya nilikha ang mga iyon, ano man ang dahilan kung bakit Niya nilikha ang mga iyon, ang lahat ng bagay ay nagkaroon ng buhay at tumatag at umiral dahil sa mga salita ng Diyos, at ito ang natatanging awtoridad ng Lumikha. Noong panahon bago lumitaw ang sangkatauhan sa mundo, ginamit ng Lumikha ang Kanyang kapangyarihan at awtoridad para likhain ang lahat ng bagay para sa sangkatauhan, at ginamit ang Kanyang mga natatanging pamamaraan para ihanda ang angkop na kapaligiran para sa pamumuhay ng sangkatauhan. Lahat ng Kanyang ginawa ay paghahanda para sa sangkatauhan, na hindi maglalaon ay tatanggap ng Kanyang hininga. Na ang ibig sabihin, noong panahon bago nilikha ang sangkatauhan, naipakita ang awtoridad ng Diyos sa lahat ng nilalang na iba sa sangkatauhan, sa mga bagay na kasing-laki ng mga kalangitan, ng mga tanglaw, ng mga karagatan, at ng kalupaan, at doon sa maliliit na hayop at mga ibon, gayon din sa lahat ng uri ng mga insekto at mga sukdulan-ang-liit na mga organismo, kasama na ang mga iba’t ibang mikrobyo na hindi nakikita ng mata. Binigyan ng buhay ang bawat isa sa pamamagitan ng mga salita ng Lumikha, at lumaganap ang bawat isa dahil sa mga salita ng Lumikha, at namuhay ang bawat isa sa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Lumikha dahil sa mga salita ng Lumikha. Kahit na hindi nila natanggap ang hininga ng Lumikha, ipinakita pa rin nila ang buhay at kasiglahan na ipinagkaloob sa kanila ng Lumikha sa pamamagitan ng kanilang mga iba’t ibang anyo at mga kayarian; kahit na hindi sila nakatanggap ng abilidad para makapagsalita na ibinigay sa sangkatauhan ng Lumikha, nakatanggap ang bawat isa ng paraan ng paghahayag ng kanilang buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Lumikha, at na naiiba sa wika ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ay hindi lamang nagbibigay ng kasiglahan ng buhay sa mga animo’y di-gumagalaw na mga materyal na bagay, para hindi sila kailanman maglaho, kundi, higit pa rito, ay nagbibigay ng likas na kaisipan para manganak at magparami sa bawat nabubuhay na kabuuan, para hindi sila maglalaho kailanman, at para, sa mga susunod na henerasyon, ipapasa nila ang ipinagkaloob sa kanila ng Lumikha na mga batas at mga prinsipyo ng pananatiling buhay. Ang paraan kung paano iniuunat ng Lumikha ang Kanyang awtoridad ay hindi mahigpit na nakakapit sa pananaw na malaki o maliit, at hindi limitado sa anumang anyo; Kaya Niyang utusan ang pagtakbo ng sansinukob, at hawakan ang dakilang kapangyarihang sa pagkabuhay at pagkamatay ng lahat ng bagay, at, higit pa rito, kayang imaniobra ang lahat ng bagay para sila’y magsilbi sa Kanya; kaya Niyang pamahalaan ang lahat ng ginagawa ng mga kabundukan, ilog, at lawa, at pagharian ang lahat ng bagay na nakapaloob sa kanila, at, bukod pa rito, ay kayang ibigay kung ano ang kailangan ng lahat ng bagay. Ito ang pagpapamalas ng natatanging awtoridad ng Lumikha sa lahat ng bagay bukod sa sangkatauhan. Ang naturang pagpapamalas ay hindi lamang sa buong buhay, at hindi kailanman hihinto, o magpapahinga, at hindi mababago o masisira ng sinumang tao o bagay, ni madaragdagan o mababawasan ng sinumang tao o bagay—dahil walang makakapalit sa pagkakakilanlan ng Lumikha, at, samakatuwid, hindi mapapalitan ng anumang nilikhang kabuuan ang awtoridad ng Lumikha, at hindi naaabot ng anumang di-nilikhang kabuuan. Halimbawa, ang mga mensahero at mga anghel ng Diyos. Hindi nila taglay ang kapangyarihan ng Diyos, mas lalong hindi nila taglay ang awtoridad ng Lumikha, at ang dahilan kung bakit hindi nila taglay ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay dahil hindi nila taglay ang diwa ng Lumikha. Ang mga di-nilikhang kabuuan, tulad ng mga mensahero at mga anghel ng Diyos, kahit na magagawa nila ang ilang bagay sa ngalan ng Diyos, di nila maaaring katawanin ang Diyos. Kahit na may ilang kapangyarihan sila na wala ang tao, hindi nila taglay ang awtoridad ng Diyos, hindi nila taglay ang awtoridad ng Diyos na likhain ang lahat ng bagay, at utusan ang lahat ng bagay, at hawakan ang dakilang kapangyarihan sa lahat ng bagay. At kaya hindi mapapalitan ng anumang di-nilikhang kabuuan ang pagiging natatangi ng Diyos, at, ganoon din, hindi mapapalitan ng anumang di-nilikhang kabuuan ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Sa Biblia, may nabasa ka bang sinumang mensahero ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay? At bakit hindi inutusan ng Diyos ang sinuman sa Kanyang mga mensahero o mga anghel na likhain ang lahat ng bagay? Dahil hindi nila taglay ang awtoridad ng Diyos, at kaya wala silang abilidad na iunat ang awtoridad ng Diyos. Tulad din ng lahat ng nilalang, nasa ilalim silang lahat ng dakilang kapangyarihan ng Lumikha, at nasa ilalim ng awtoridad ng Lumikha, at kaya, sa parehong paraan, ang Lumikha din ang Diyos nila, at Siya rin ang kanilang Pinakamataas na Pinuno. Sa gitna ng bawat isa sa kanila—kung sila man ay marangal o hamak, may malaki o maliit na kapangyarihan—wala ni isa ang makakahigit sa awtoridad ng Lumikha, at kaya sa kanilang lahat, wala ni isa ang makakapalit sa pagkakakilanlan ng Lumikha. Kailanman ay hindi sila matatawag na Diyos, at kailanman ay hindi nila makakayang maging ang Lumikha. Ang mga ito ay di-nababagong mga katotohanan at mga katunayan!
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
2. Bago nalikha ang sangkatauhang ito, ang kosmos—ang lahat ng planeta, ang lahat ng bituin sa kalangitan—ay umiiral na. Sa malawakang antas, ang mga bagay na ito sa kalangitan ay regular na umiikot, sa ilalim ng pagkontrol ng Diyos, sa kabuuan ng kanilang pag-iral, gaano man karami ang mga taon na iyon. Kung anong planeta ang pupunta sa kung saan sa kung anong partikular na oras; anong planeta ang gagawa ng anong gawain, at kailan; anong planeta ang iikot kasabay ng kung anong orbit, at kailan mawawala o mapapalitan—ang lahat ng bagay na ito ay nagaganap nang wala ni katiting na pagkakamali. Ang mga posisyon ng mga planeta at ang mga agwat sa pagitan nila ay sumusunod sa mahigpit na mga disenyo, na maisasalarawan lahat sa tumpak na mga datos; ang mga landas na kanilang tinatahak, ang bilis at mga disenyo ng kanilang mga orbit, ang mga oras ng kanilang iba’t ibang posisyon ay tumpak na mabibilang at maisasalarawan ng espesyal na mga batas. Sa loob ng napakahabang panahon, ang mga planetang ito ay sumunod sa mga batas na ito, hindi kailanman lumilihis kahit kaunti. Walang kapangyarihan ang maaaring magpalit o magputol ng kanilang mga orbit o ng mga disenyong kanilang sinusundan. Sapagkat ang espesyal na mga batas na namamahala sa kanilang galaw at ang tumpak na mga datos na naglalarawan sa kanila ay itinadhana na ng awtoridad ng Lumikha, kusa nilang sinusunod ang mga batas na ito, sa ilalim ng kapangyarihan at pagkontrol ng Lumikha. Sa malawakang antas, hindi mahirap para sa tao ang matagpuan ang ilang disenyo, ilang datos, ganoon din ang ilang naiiba at di-maipaliwanag na mga batas o di-karaniwang kaganapan. Bagaman hindi tinatanggap ng sangkatauhan na ang Diyos ay umiiral, hindi tinatanggap ang katotohanan na ang Lumikha ang gumawa at may kapamahalaan sa lahat ng bagay, at bukod pa rito ay hindi kinikilala ang pag-iral ng awtoridad ng Lumikha, mas higit na natutuklasan ng mga taong siyentipiko, mga astronomo, at mga pisiko na ang pag-iral ng lahat ng bagay sa sansinukob, at ang mga prinsipyo at mga disenyo na nagdidikta ng kanilang mga pagkilos, ay lahat pinamamahalaan at kinokontrol ng malawak at di-nakikitang madilim na enerhiya. Ang katotohanang ito ang nag-uudyok sa tao na harapin at tanggapin na may Isang Makapangyarihan sa gitna ng mga disenyong ito ng pagkilos, nagsasaayos sa lahat ng bagay. Ang Kanyang kapangyarihan ay di-pangkaraniwan, at bagaman walang sinuman ang nakakakita sa Kanyang tunay na mukha, Siya ang namamahala at kumukontrol sa lahat ng bagay sa bawat sandali. Walang tao o puwersa ang maaaring makalampas sa Kanyang kapangyarihan. Dahil nahaharap sa ganitong katotohanan, dapat tanggapin ng tao na ang mga batas na ito na namamahala sa pag-iral ng lahat ng bagay ay di-maaaring kontrolin ng mga tao, di-maaaring baguhin ninuman; at kasabay nito dapat tanggapin ng mga tao na di-maaaring ganap na maunawaan ng mga nilalang na tao ang mga batas na ito. At ang mga ito’y hindi natural na nangyayari, kundi ipinag-uutos ng isang Panginoon at Maestro. Ang lahat ng ito ay pagpapahayag ng awtoridad ng Diyos na maaaring maunawaan ng tao sa malawakang antas.
Sa pangmaliitang pananaw, lahat ng bundok, ilog, dagat, at malalaking lupain na nakikita ng tao sa lupa, lahat ng panahon na nararanasan niya, lahat ng bagay na naninirahan sa mundo, kasama na ang mga halaman, hayop, mikroorganismo, at mga tao, ay napapailalim sa kapangyarihan ng Diyos, at kontrolado ng Diyos. Sa ilalim ng kapangyarihan at pagkontrol ng Diyos, lahat ng bagay ay mabubuhay o mawawala ayon sa Kanyang mga iniisip, ang kanilang mga buhay ay pinamamahalaan lahat ng ilang batas, at sila’y lumalago at dumarami ayon sa mga ito. Walang tao o bagay na hindi saklaw ng mga batas na ito. Bakit ganoon? Ang tanging sagot ay, dahil sa awtoridad ng Diyos. O, sa ibang salita, dahil sa mga iniisip ng Diyos at mga salita ng Diyos; dahil ang Diyos Mismo ang gumagawa ng lahat ng ito. Ibig sabihin, ang awtoridad ng Diyos at isip ng Diyos ang pinagmumulan ng mga batas na ito; magbabago at magpapalit ang mga ito ayon sa Kanyang mga iniisip, at ang mga pagbabago at mga pagpapalit na ito ay nangyayari o nawawala lahat para sa kapakanan ng Kanyang plano.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
3. Pinanood ng Diyos na mabuhay ang lahat ng bagay na Kanyang nalikha na at tumatatag dahil sa Kanyang mga salita, at unti-unting nagsimulang magbago. Sa sandaling ito, nasiyahan ba ang Diyos sa iba’t ibang mga bagay na Kanyang nagawa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at ng iba’t ibang gawa na Kanyang nakamit? Ang sagot ay yaong “nakita ng Dios na mabuti.” Ano ang nakikita ninyo rito? Ano ang tinutukoy ng “nakita ng Dios na mabuti”? Ano ang sinisimbolo nito? Ibig sabihin nito, may kapangyarihan at karunungan ang Diyos para tuparin ang Kanyang binalak at iniatas, para tuparin ang mga mithiing Kanyang inilatag na tutuparin. Nang nakumpleto na ng Diyos ang bawat gawain, nakaramdam ba Siya ng pagsisisi? Ang sagot pa rin ay “nakita ng Dios na mabuti.” Sa madaling salita, hindi lamang sa hindi Siya nagsisi, bagkus ay nasiyahan. Ano ba ang ibig sabihin ng wala Siyang pagsisisi? Ang ibig sabihin nito ay perpekto ang plano ng Diyos, na perpekto ang Kanyang kapangyarihan at karunungan, at sa pamamagitan lamang ng Kanyang awtoridad na ang naturang pagkaperpekto ay matutupad. Kapag ang tao ay gumaganap ng isang gawain, makikita ba niya, tulad ng Diyos, na ito ay maganda? Ang lahat ng bagay ba na magagawa ng tao ay natutupad nang mayroong pagkaperpekto? Makukumpleto ba ng tao ang isang bagay nang minsanan at hanggang kawalang-hanggan? Tulad ng sinasabi ng tao, “walang perpekto, mas gumanda lamang,” walang bagay na ginagawa ng tao na makakaabot sa pagkaperpekto. Nang nakita ng Diyos na ang lahat na Kanyang nagawa na at nakamtan ay mabuti, lahat ng ginawa ng Diyos ay itinalaga ng Kanyang mga salita, na ang ibig sabihin, noong “nakita ng Dios na mabuti,” ang lahat na Kanyang nagawa ay naging permanente na ang anyo, pinagsama-sama ayon sa uri, at binigyan ng permanenteng posisyon, layunin, at tungkulin, nang minsanan hanggang sa kawalang-hanggan. Bukod dito, ang kanilang papel sa gitna ng lahat ng bagay, at ang paglalakbay na dapat nilang balikatin sa panahon ng pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay, ay naitalaga na ng Diyos, at di mababago. Ito ang batas ng kalangitan na ibinigay ng Lumikha sa lahat ng bagay.
“Nakita ng Dios na mabuti,” itong mga simple, di-gaanong pinahahalagahang mga salita, na kadalasang binabalewala, ay ang mga salita ng batas ng kalangitan at alituntunin ng kalangitang ibinigay sa lahat ng nilalang ng Diyos. Ang mga iyon ay isa pang pagsasakatawan ng awtoridad ng Lumikha, isa na mas praktikal, at mas malalim. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, hindi lamang natamo ng Lumikha kung ano ang itinakda Niya na matamo, at nakamtan ang lahat ng itinakda Niyang makamtan, kundi mapipigilan din ng Kanyang mga kamay ang lahat ng Kanyang nalikha na, at napapagharian ang lahat ng bagay na Kanyang nagawa na sa ilalim ng Kanyang awtoridad, at, dagdag pa rito, ang lahat ay sistematiko at palagian. Ang lahat ng bagay din ay nabuhay at namatay sa pamamagitan ng Kanyang salita at, bukod diyan, umiral sila sa gitna ng batas na Kanyang naitalaga na sa pamamagitan ng Kanyang awtoridad, at walang hindi saklaw! Nagsimula agad ang batas na ito sa mismong sandali na “nakita ng Dios na mabuti,” at ito’y iiral, magpapatuloy, at gagana para sa kapakanan ng planong pamamahala ng Diyos hanggang sa araw na ipinawawalang-bisa ito ng Lumikha! Ang natatanging awtoridad ng Lumikha ay ipinakita hindi lamang sa Kanyang kakayahang likhain ang lahat ng bagay at utusan ang lahat ng bagay na mabuhay, kundi sa kakayahan din Niya na pamahalaan at hawakan ang dakilang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at ipagkaloob ang buhay at kasiglahan sa lahat ng bagay, at, bukod pa rito, sa Kanyang kakayahang magsanhi, nang minsanan at magpasawalang-hanggan, sa lahat ng bagay na gagawin Niya sa Kanyang plano na lumitaw at umiral sa mundong ginawa Niya sa perpektong hugis, at perpektong kayarian ng buhay, at isang perpektong gagampanan. Gayundin naipakita ito sa paraan kung saan ang mga kaisipan ng Lumikha ay hindi sumailalim sa anumang mga limitasyon, na di-limitado ng oras, puwang, o heograpiya. Tulad ng Kanyang awtoridad, ang natatanging pagkakakilanlan ng Lumikha ay mananatiling di-nagbabago mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan. Ang Kanyang awtoridad ay laging magiging pagpapakita at sagisag ng Kanyang natatanging pagkakakilanlan, at ang Kanyang awtoridad ay magpakailanmang iiral kaagapay ng Kanyang pagkakakilanlan!
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
4. Ang mismong awtoridad ay maipapaliwanag bilang kapangyarihan ng Diyos. Una, masasabi nang may katiyakan na positibong pareho ang awtoridad at kapangyarihan. Walang koneksiyon ang mga ito sa anumang bagay na negatibo, at hindi kaugnay ang mga ito sa anumang nilikha o di-nilikhang mga kabuuan. Kayang lumikha ng kapangyarihan ng Diyos ng mga bagay sa anumang anyo na may buhay at kasiglahan, at nalalaman ito sa pamamagitan ng buhay ng Diyos. Ang Diyos ay buhay, kaya Siya ang pinagmumulan ng lahat ng nabubuhay na nilalang. At saka, mapapasunod ng awtoridad ng Diyos ang lahat ng nabubuhay na nilalang sa bawat salita ng Diyos, iyon ay, makarating sa pagiging naaayon sa mga salita mula sa bibig ng Diyos, at mamuhay at magparami sa pamamagitan ng utos ng Diyos, na matapos ito’y napaghaharian at nauutusan ng Diyos ang lahat ng nabubuhay na nilalang, at hindi kailanman magkakaroon ng paglihis, magpakailanman. Walang tao o bagay ang mayroong mga ganitong bagay; tanging ang Lumikha lamang ang nagtataglay at mayroong gayong kapangyarihan, at kaya ito ay tinatawag na awtoridad. Ito ang pagiging natatangi ng Lumikha. Sa gayon, kung ito man ay ang salitang “awtoridad” mismo o ang diwa ng awtoridad na ito, ang bawat isa ay maiuugnay lamang sa Lumikha, dahil ito ay sagisag ng natatanging pagkakakilanlan at diwa ng Lumikha, at kumakatawan ito sa pagkakakilanlan at katayuan ng Lumikha; bukod sa Lumikha, walang tao o bagay ang maiuugnay sa salitang “awtoridad.” Ito ay isang pagpapakahulugan sa natatanging awtoridad ng Lumikha.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
5. May bagong pagkakilala na ba kayo ngayon sa awtoridad ng Diyos? Una, may kaibahan ba sa pagitan ng awtoridad ng Diyos na kababanggit lamang, at ng kapangyarihan ng tao? At ano ang kaibahan? May mga taong nagsasabi na walang pagkakahalintulad sa dalawa. Tama iyon! Bagama’t sinasabi ng mga tao na walang pagkakahalintulad sa dalawa, sa mga kaisipan at mga pagkaintindi ng tao, madalas na napagkakamalang awtoridad ang kapangyarihan ng tao, na kadalasang pinaghahambing na magkatabi ang dalawa. Ano ang nangyayari dito? Hindi ba nagkakamali ang mga tao sa di-sinasadyang pagpapalit ng dalawa? Hindi magkaugnay ang dalawa, at walang pagkakahalintulad sa pagitan nila, nguni’t hindi pa rin ito maiiwasan ng mga tao. Paano ba ito dapat lutasin? Kung talagang gusto mong maghanap ng kalutasan, ang tanging paraan ay ang pag-intindi at pagkilala sa natatanging awtoridad ng Diyos. Pagkatapos maintindihan at malaman ang awtoridad ng Lumikha, hindi mo na babanggitin ang kapangyarihan ng tao at ang awtoridad ng Diyos sa parehong sukatan.
Ano ba ang tinutukoy na kapangyarihan ng tao? Sa madaling salita, isa itong abilidad o kasanayan na nagdudulot sa tiwaling disposisyon, mga pagnanasa at mga ambisyon ng tao na mapalaki o matupad sa pinakamalawak na paraan. Naibibilang ba ito na awtoridad? Kahit gaano pa kalaki o kapaki-pakinabang ang mga ambisyon at pagnanasa ng tao, ang taong iyon ay hindi masasabing nagtataglay ng awtoridad; sa pinakamalapit, ang kalabisan at katagumpayang ito ay pagpapakita lamang ng pagpapatawa ni Satanas sa mga tao, at sa pinakamalapit isa itong katatawanan kung saan gumaganap si Satanas bilang sarili nitong ninuno para tuparin ang ambisyon nito na maging Diyos.
Paano mo ba talaga tinitingnan ang awtoridad ng Diyos ngayon? Ngayon na ang mga salitang ito ay naibahagi na, dapat ay mayroon kang bagong pagkakilala sa awtoridad ng Diyos. At kaya tinatanong Ko kayo: Ano ang sinasagisag ng awtoridad ng Diyos? Sinasagisag ba nito ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo? Sinasagisag ba nito ang kapangyarihan ng Diyos Mismo? Sinasagisag ba nito ang natatanging katayuan ng Diyos Mismo? Sa lahat ng bagay, saan mo na nakita ang awtoridad ng Diyos? Paano mo ito nakita? Sa usapin ng apat na panahon na naranasan ng tao, mababago ba ng sinuman ang batas ng pagpapalitan sa pagitan ng tagsibol, tag-init, taglagas at taglamig? Sa tagsibol, sumusuloy at namumulaklak ang mga puno; sa tag-init sila’y nababalot ng mga dahon; sa taglagas sila’y namumunga, at sa taglamig nalalagas ang mga dahon. Kaya bang baguhin ng sinuman ang batas na ito? Sinasalamin ba nito ang isang aspeto ng awtoridad ng Diyos? Sinabi ng Diyos “Magkaroon ng liwanag,” at nagkaroon ng liwanag. Umiiral pa rin ba ang liwanag na ito? Ano ang dahilan nito para umiral? Umiiral ito dahil sa mga salita ng Diyos, siyempre, at dahil sa awtoridad ng Diyos. Ang hangin ba na nilikha ng Diyos ay umiiral pa rin? Ang hangin ba na hinihinga ng tao ay galing sa Diyos? Maaalis ba ng sinuman ang mga bagay na nanggagaling sa Diyos? Mababago ba ng sinuman ang kanilang diwa at tungkulin? Kaya bang guluhin ng sinuman ang gabi at araw na inilaan ng Diyos, at ang batas ng gabi at araw na iniutos ng Diyos? Magagawa ba ni Satanas ang gayong bagay? Kahit hindi ka natutulog sa gabi, at gawin ang gabi na araw, ito’y gabi pa rin; maaari mong baguhin ang iyong araw-araw na karaniwang gawain, nguni’t wala kang kakayahan na baguhin ang batas ng pagpapalitan ng gabi at araw—at ang katunayang ito ay hindi nababago ng sinumang tao, hindi ba? Kaya ba ng sinuman na pag-araruhin ng lupa ang leon tulad ng baka? Kaya ba ng sinuman na gawing buriko ang elepante? Kaya ba ng sinuman na paliparin nang matayog sa himpapawid ang manok tulad ng agila? Kaya ba ng sinuman na pakainin ng damo ang lobo tulad ng tupa? (Hindi.) Kaya ba ng sinuman na patirahin ang isda sa tuyong lupa? Hindi iyan magagawa ng mga tao. At bakit hindi? Dahil ipinag-utos ng Diyos sa isda na manirahan sa tubig, at kaya naninirahan sila sa tubig. Hindi sila makakapanatiling buhay sa lupa, at mamamatay; hindi nila kayang suwayin ang mga hangganan ng kautusan ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay may batas at hangganan sa kanilang pag-iral, at may sariling likas na pag-uugali ang bawat isa sa kanila. Itinatalaga ito ng Lumikha, at di-mababago at di-malalampasan ng sinumang tao. Halimbawa, laging maninirahan ang leon sa gubat, malayo sa mga pamayanan ng tao, at hindi kailanman magiging maamo at matapat tulad ng baka na kasamang namumuhay, at nagtatrabaho para sa tao. Bagama’t parehong hayop ang mga elepante at buriko, at parehong may apat na paa, at mga nilalang na humihinga ng hangin, magkaibang klase ang mga ito, dahil hinati-hati sila ng Diyos sa magkakaibang uri, may kanya-kanya silang likas na pag-uugali, at kaya hindi sila kailanman mapagpapalit. Bagama’t may dalawang binti ang manok, at mga pakpak tulad ng isang agila, hindi ito kailanman makalilipad sa himpapawid; makakalipad lamang ito tungo sa isang puno—at pinagpapasyahan ito ng likas na ugali nito. Hindi na kailangang sabihin, ang lahat ng ito ay dahil sa mga kautusan ng awtoridad ng Diyos.
Sa pag-unlad ngayon ng sangkatauhan, masasabing yumayabong ang siyensiya ng sangkatauhan at ang mga nakamtan ng maka-siyensyang pananaliksik ng tao ay mailalarawan bilang kahanga-hanga. Ang abilidad ng tao, kailangang masabi, ay humuhusay nang humuhusay, nguni’t may isang pambihirang tagumpay ang siyensiya na hindi pa kayang gawin ng sangkatauhan: Nakagawa na ang sangkatauhan ng mga eroplano, mga kargahan ng eroplano, at ng bombang atomika, nakarating na sa kalawakan ang sangkatauhan, nakalakad sa buwan, nakaimbento ng Internet, at namuhay nang may “hi-tech” na estilo ng pamumuhay, nguni’t walang kakayahan ang sangkatauhan na lumikha ng isang buhay, at humihingang bagay. Ang mga likas na pag-uugali ng bawat buhay na nilalang at ang mga batas ng pamumuhay ng mga ito, at ang pag-ikot ng buhay at kamatayan ng bawat uri ng buhay na bagay—ang lahat ng ito ay imposible at hindi kayang kontrolin ng siyensiya ng sangkatauhan. Sa puntong ito, kailangang masabi na kahit gaano kataas ang naaabot ng siyensiya ng tao, hindi ito naihahambing sa alinman sa mga kaisipan ng Lumikha, at walang kakayahang talusin ang mahimalang paglikha ng Lumikha, at ang kapangyarihan ng Kanyang awtoridad. Napakarami ang mga karagatan sa ibabaw ng lupa, nguni’t hindi sila kailanman lumalabag sa kanilang mga hangganan at basta-basta na lamang umaagos sa lupa, at ito’y dahil itinatakda ng Diyos ang hangganan ng bawat isa sa kanila; nanatili sila kung saan man sila inutusan, at hindi sila malayang makagagalaw nang walang pahintulot ang Diyos. Kapag walang pahintulot ang Diyos, hindi sila maaaring manghimasok sa bawat isa, at makagagalaw lamang kapag sinabi ng Diyos, at kung saan sila pumupunta at mananatili ay pinagpapasyahan ng awtoridad ng Diyos.
Para gawin itong malinaw, “ang awtoridad ng Diyos” ay nangangahulugang bahala ang Diyos. May karapatan ang Diyos na magpasya kung paano gawin ang isang bagay, at ginagawa ito sa kung papaanong paraan Niya naisin. Nakasalalay sa Diyos ang batas ng lahat ng bagay, at hindi nakabatay sa tao; ni hindi ito mababago ng tao. Hindi ito magagalaw sa pamamagitan ng kalooban ng tao, bagkus ay binabago ng kaisipan ng Diyos, at ng karunungan ng Diyos, at ng mga utos ng Diyos, at ito ay isang katunayan na hindi kayang itanggi ng sinumang tao. Ang mga kalangitan at lupa at lahat ng bagay, ang sansinukob, ang mabituing kalawakan, ang apat na panahon ng taon, yaong nakikita at di-nakikita ng tao—ang lahat ng iyon ay umiiral, gumagana, at nagbabago, nang walang kamali-mali kahit katiting, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, ayon sa mga utos ng Diyos, ayon sa mga kautusan ng Diyos, at ayon sa mga batas ng simula ng paglikha. Walang kahit isang tao o bagay ang makakapagbago ng kanilang mga batas, o makakapagbago ng likas na landas ng kanilang paggana; sila ay naging kung ano sila dahil sa awtoridad ng Diyos, at nawawala dahil sa awtoridad ng Diyos. Ito ang mismong awtoridad ng Diyos.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
6. Sa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Diyos, ang lahat ng bagay ay umiiral at namamatay dahil sa Kanyang awtoridad, dahil sa Kanyang pamamahala. May ilang bagay na dumarating at umaalis nang tahimik, at hindi masasabi ng tao kung saan nanggaling ang mga ito o maunawaan ang mga patakarang sinusunod ng mga ito, lalong hindi maunawaan ang mga dahilan kung bakit dumarating at umaalis ang mga ito. Bagaman maaaring masaksihan, marinig, o maranasan ng tao ang lahat ng nangyayari sa gitna ng lahat ng bagay; bagaman may epekto ang lahat ng ito sa tao, at bagaman hindi namamalayang inuunawa ng tao ang pagiging hindi pangkaraniwan, regular , o maging ang pagiging kataka-taka ng iba’t ibang pangyayari, wala pa rin siyang alam tungkol sa kalooban ng Lumikha at sa Kanyang isip na siyang nasa likod ng mga ito. Maraming kuwento sa likod ng mga ito, maraming natatagong katotohanan. Dahil ang tao ay nalihis nang malayo mula sa Lumikha, dahil sa hindi niya tinatanggap ang katotohanan na ang awtoridad ng Lumikha ang namamahala sa lahat ng bagay, kailanma’y hindi niya malalaman at mauunawaan ang lahat ng nangyayari sa ilalim ng dakilang kapangyarihan nito. Sa kalakhang bahagi, ang pagkontrol at dakilang kapangyarihan ng Diyos ay lumalampas sa mga hangganan ng imahinasyon ng tao, ng kaalaman ng tao, ng pagkaunawa ng tao, ng kayang makamit ng siyensiya ng tao; hindi ito maaaring katunggaliin ng mga kakayahan ng nilikhang sangkatauhan.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
7. “Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.” Ito ang orihinal na mga salita na binigkas ng Lumikha sa sangkatauhan. Habang sinabi Niya ang mga salitang ito, lumitaw ang isang bahaghari sa harapan ng tao, kung saan ito ay nanatili na hanggang ngayon. Lahat ay nakakita na ng naturang bahaghari, at kapag nakikita mo ito, alam mo ba kung paano ito nagpapakita? Walang kakayahan ang siyensya na patunayan ito, o hanapin ang pinagmulan nito, o tukuyin kung nasaan ito. Iyan ay dahil ang bahaghari ay tanda ng kasunduan na itinatag sa pagitan ng Lumikha at ng tao; hindi nito kailangan ang maka-siyensyang basehan, hindi ito ginawa ng tao, ni hindi ito kayang baguhin ng tao. Pagpapatuloy ito ng awtoridad ng Lumikha matapos Niyang bigkasin ang Kanyang mga salita. Ginamit ng Lumikha ang Kanyang sariling partikular na paraan para tumalima sa Kanyang kasunduan sa tao at Kanyang pangako, at kaya ang paggamit Niya sa bahaghari bilang isang tanda ng kasunduan na Kanyang naitatag na ay isang kautusan at batas ng kalangitan na magpakailanman ay mananatiling di-nagbabago, kung patungkol man sa Lumikha o sa nilikhang sangkatauhan. Datapuwa’t ang di-nagbabagong batas na ito, kailangan itong masabi, ay isa pang tunay na pagpapamalas ng awtoridad ng Lumikha kasunod ng paglikha Niya ng lahat ng bagay, at kailangang masabi na ang awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha ay walang-hangganan; ang paggamit Niya ng bahaghari bilang tanda ay pagpapatuloy at karugtong ng awtoridad ng Lumikha. Isa na naman itong kilos na ginampanan ng Diyos gamit ang Kanyang mga salita, at tanda ng kasunduang naitatag na ng Diyos sa tao gamit ang mga salita. Sinabi Niya sa tao ang tungkol doon sa Kanyang ipinasyang gawin, at sa kung papaanong paraan ito matutupad at makakamit, at sa paraang ito ang bagay ay natupad ayon sa mga salita mula sa bibig ng Diyos. Tanging Diyos lamang ang mayroong ganoong kapangyarihan, at ngayon, ilang libong taon matapos Niyang bigkasin ang mga salitang ito, makakatingin pa rin ang tao sa bahaghari na binigkas mula sa bibig ng Diyos. Dahil sa mga salitang yaon na binigkas ng Diyos, nanatiling walang pagbabago at di-nagbabago ang bagay na ito hanggang sa ngayon. Walang sinuman ang makatatanggal sa bahagharing ito, walang makapagbabago ng mga batas nito, at umiiral lamang ito para sa mga salita ng Diyos. Ito mismo ang awtoridad ng Diyos. “Kasingbuti ng Diyos ang Kanyang salita, at matutupad ang Kanyang salita, at kung ano ang natupad ay mananatili magpakailanman.” Malinaw na ipinapahayag ang mga naturang salita rito, at malinaw itong tanda at katangian ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Ang gayong tanda o katangian ay hindi taglay o nakikita sa anumang mga nilikhang kabuuan, ni nakikita man ito sa anumang di-nilikhang mga kabuuan. Sa natatanging Diyos lamang ito, at tinutukoy ang kaibahan ng pagkakakilanlan at diwa na taglay lamang ng Lumikha mula roon sa taglay ng mga nilikhang iyon. Kasabay nito, ito rin ay tanda at katangian, na maliban sa Diyos Mismo, ay hindi mahihigitan ng anumang nilikha o di-nilikhang kabuuan.
Ang pagtatatag ng Diyos sa Kanyang kasunduan sa tao ay isang pagkilos na may malaking kahalagahan, at isa na hinangad Niyang gamitin para magpaabot ng isang katunayan sa tao at sabihin sa tao ang Kanyang kalooban, at para sa layuning ito gumamit Siya ng isang natatanging paraan, gamit ang isang espesyal na tanda para magtatag ng kasunduan sa tao, isang tanda na isang pangako ng kasunduan na Kanyang naitatag sa tao. Kung gayon, malaking pangyayari ba ang pagtatatag ng kasunduang ito? At gaano ba ito kalaki? Ito ang napakaespesyal sa kasunduang ito: Hindi ito isang kasunduang itinatag sa pagitan ng isang tao at ng isa pa, o isang grupo at isa pa, o isang bansa at isa pa, kundi isang kasunduang itinatag sa pagitan ng Lumikha at ng buong sangkatauhan, at mananatili itong may bisa hanggang sa araw na binubuwag ng Lumikha ang lahat ng bagay. Ang Lumikha ang tagapagpatupad ng kasunduang ito, at ang Lumikha din ang tagapagpanatili nito. Sa madaling salita, ang kabuuan ng kasunduan ng bahaghari na itinatag sa sangkatauhan ay natupad at nakamit ayon sa pag-uusap sa pagitan ng Lumikha at sangkatauhan, at nanatili pa rin hanggang ngayon. Ano pa ba ang maaaring gawin ng mga nilalang kundi ang magpasakop, at sumunod, at maniwala, at magpahalaga, at sumaksi, at magpuri sa awtoridad ng Lumikha? Sapagka’t walang sinuman kundi ang bukod-tanging Diyos lamang ang may kapangyarihang magtatag ng naturang kasunduan. Ang pagpapakita ng bahaghari, muli’t muli, ay nagbabalita sa sangkatauhan at tinatawag ang kanyang atensiyon sa kasunduan sa pagitan ng Lumikha at ng sangkatauhan. Sa patuloy na mga pagpapakita ng kasunduan sa pagitan ng Lumikha at ng sangkatauhan, ang ipinakikita sa sangkatauhan ay hindi isang bahaghari o ang mismong kasunduan, kundi ang di-nagbabagong awtoridad ng Lumikha. Ang paglitaw ng bahaghari, muli’t muli, ay nagpapakita ng matindi at mapaghimalang mga gawa ng Lumikha sa mga nakatagong lugar, at, kasabay nito, ay isang mahalagang pagsalamin sa awtoridad ng Lumikha na hindi kailanman kukupas, at hindi kailanman magbabago. Hindi ba ito isang pagpapakita ng isa pang aspeto ng natatanging awtoridad ng Lumikha?
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
8. Matapos basahin ang “Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa” sa Genesis 18:18, mararamdaman ba ninyo ang awtoridad ng Diyos? Madarama ba ninyo ang pagiging pambihira ng Lumikha? Madarama ba ninyo ang pangingibabaw ng Lumikha? Ang mga salita ng Diyos ay tiyak. Sinasabi ng Diyos ang mga naturang salita hindi dahil, o sa pagkatawan, sa Kanyang tiwala sa tagumpay; ang mga iyon, sa halip, ay katibayan ng awtoridad ng mga pagbigkas ng Diyos, at utos na tumutupad sa mga salita ng Diyos. May dalawang pagpapayahag na kailangan ninyong pagtuunan ng pansin dito. Kapag sinasabi ng Diyos na “Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa,” may anumang elemento ba ng kalabuan sa mga salitang ito? Mayroon bang anumang elemento ng pag-aalala? Mayroon bang anumang elemento ng takot? Dahil sa mga salitang “tunay na” at “magiging” sa mga pagbigkas ng Diyos, ang mga elementong ito, na partikular sa tao at laging nakikita sa kanya, ay hindi kailanman nagkaroon na ng kaugnayan sa Lumikha. Walang sinuman na mangangahas na gamitin ang mga ganitong salita kapag nagnanais ng mabuti sa iba, walang sinumang mangangahas na basbasan ang isa pa ng isang dakila at makapangyarihang bansa nang may gayong katiyakan, o mangako na ang lahat ng bansa sa mundo ay pagpapalain sa kanya. Habang mas tiyak ang mga salita ng Diyos, mas may pinatutunayang bagay ang mga iyon—at ano ang isang bagay na ito? Pinatutunayan ng mga iyon na ang Diyos ay may gayong awtoridad, na kaya ng Kanyang awtoridad na tuparin ang mga bagay na ito, at hindi maiiwasan ang kanilang katuparan. Ang Diyos ay tiyak sa Kanyang puso, nang walang katiting na pag-aalinlangan, sa lahat ng Kanyang pagpapala kay Abraham. At saka, matutupad ang kabuuan nito alinsunod sa Kanyang mga salita, at walang kahit anong kapangyarihan ang maaaring makapagpabago, humadlang, sumira, o gumambala sa katuparan nito. Kahit ano pa man ang nangyari, walang makakapagpawalang-bisa o makakaimpluwensiya sa katuparan at pagsagawa ng mga salita ng Diyos. Ito ang mismong kapangyarihan ng mga salitang binigkas mula sa bibig ng Lumikha, at ang awtoridad ng Lumikha na hindi nagpapahintulot sa pagtatanggi ng tao! Sa pagkabasa sa mga salitang ito, nakakaramdam ka pa rin ba ng padududa? Binigkas ang mga salitang ito mula sa bibig ng Diyos, at may kapangyarihan, kamahalan, at awtoridad sa mga salita ng Diyos. Ang gayong kapangyarihan at awtoridad, at ang di-maiwasang katuparan ng katunayan, ay hindi naaabot ng sinumang nilikha o di-nilikhang kabuuan at hindi nalalampasan ng sinumang nilikha o di-nilikhang kabuuan. Tanging ang Lumikha lamang ang kayang makipag-usap sa sangkatauhan nang may gayong tono at intonasyon, at napatunayan ng mga katunayan na ang Kanyang mga pangako ay hindi mga salitang walang-laman, o mga walang-kwentang kayabangan, kundi ang pagpapahayag ng natatanging awtoridad na di-nalalampasan ng sinumang tao, bagay, o layon.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
9. Nang sinabi ng Diyos “pararamihin ko ang iyong binhi,” ito ay kasunduang itinatag ng Diyos kay Abraham, at tulad ng kasunduan ng bahaghari, matutupad ito magpasawalang-hanggan, at ito ay isa ring pangako na ginawa ng Diyos kay Abraham. Tanging Diyos lamang ang kwalipikado at may kakayahang gawing ganap ang pangakong ito. Kung pinaniniwalaan man ito ng tao o hindi, kung tinatanggap man ito ng tao o hindi, at kung paano man ito tinitingnan ng tao, at kung paano niya ito ipinalalagay, matutupad ang lahat ng ito, nang eksakto, ayon sa mga salitang binigkas ng Diyos. Hindi mababago ang mga salita ng Diyos dahil sa mga pagbabago sa kagustuhan o mga pagkaintindi ng tao, at hindi mababago dahil ang mga pagbabago sa anumang tao, bagay o layon. Maaaring mawala ang lahat ng bagay, nguni’t mananatili ang mga salita ng Diyos magpakailanman. Sa kabilang dako, ang araw na mawawala ang lahat ng bagay ay ang mismong araw kung kailan ang mga salita ng Diyos ay lubos na natutupad, dahil Siya ang Lumikha, at taglay Niya ang awtoridad ng Lumikha, at ang kapangyarihan ng Lumikha, at kontrolado Niya ang lahat ng bagay at lahat ng puwersa ng buhay; kaya Niyang magsanhi ng isang bagay na magmula sa wala, o mawala ang isang bagay, at kontrolado Niya ang pagbabagong-anyo ng lahat ng bagay mula sa pagkabuhay hanggang sa kamatayan, at kaya para sa Diyos, walang magiging mas payak kaysa pagpaparami ng anak ng isang tao. Mukha itong hindi kapani-paniwala sa tao, parang isang kwentong pambata, nguni’t sa Diyos, yaong Kanyang ipinapasyang gawin, at ipinangangakong gawin, ay hindi isang bagay na hindi kapani-paniwala, ni isang kwentong pambata. Sa halip ito ay katunayang nakikita na ng Diyos, at tiyak na matutupad. Pinahahalagahan ba ninyo ito? Pinapatunayan ba ng mga katunayan na napakarami ang mga inapo ni Abraham? At gaano nga ba karami? Sindami ba ng “mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat” na sinabi ng Diyos? Kumalat ba sila sa lahat ng bansa at rehiyon, sa bawat lugar sa mundo? At ano ang tumupad sa katunayang ito? Natupad ba ito sa pamamagitan ng awtoridad ng mga salita ng Diyos? Sa ilang daan o libong taon matapos binigkas ang mga salita ng Diyos, patuloy na natutupad ang mga salita ng Diyos, at patuloy na nagiging mga katunayan; ito ang kapangyarihan ng mga salita ng Diyos, at katibayan ng awtoridad ng Diyos. Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa pasimula, sinabi ng Diyos na magkaroon ng liwanag, at nagkaroon ng liwanag. Mabilis na nangyari ito, natupad sa napakaikling panahon, at walang pagkaantala sa paggawa at katuparan nito; agaran ang mga bisa ng mga salita ng Diyos. Parehong pagpapakita ng awtoridad ng Diyos, nguni’t nang pinagpala ng Diyos si Abraham, hinayaan Niyang makita ng tao ang isa pang panig ng diwa ng awtoridad ng Diyos, at hinayaan ang tao na makita ang di-matantiyang awtoridad ng Lumikha, at higit pa rito, hinayaan ang tao na makita pa ang mas totoo at mas magarang panig ng awtoridad ng Lumikha.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
10. Hindi patay-sindi ang awtoridad ng Diyos, hindi pabalik-balik, at walang sinuman ang makakasukat kung gaano kadakila ang Kanyang awtoridad. Kahit pa gaano katagal ang panahon na lumilipas, kapag pinagpapala ng Diyos ang isang tao, magpapatuloy ang pagpapalang ito, at ang pagpapatuloy nito ay magdadala ng patotoo sa hindi-matantyang awtoridad ng Diyos, at hahayaan ang sangkatauhang makita ang muling pagpapakita ng hindi-namamatay na puwersa ng buhay ng Lumikha, muli at muli. Ang bawat pagpapakita ng Kanyang awtoridad ay ang perpektong paglalarawan ng mga salita mula sa Kanyang bibig, at ito’y ipinakikita sa lahat ng bagay, at sa sangkatauhan. Bukod pa rito, ang lahat ng bagay na tinupad ng Kanyang awtoridad ay magarang walang-kapantay, at lubusang walang-kapintasan. Masasabing ang Kanyang mga kaisipan, ang Kanyang mga salita, ang Kanyang awtoridad, at ang lahat ng gawaing Kanyang tinutupad ay larawang lahat na walang-katulad ang kagandahan, at para sa mga nilalang, ang wika ng sangkatauhan ay walang kakayahang sabihin nang malinaw ang kabuluhan at halaga nito. Kapag nangangako ang Diyos sa isang tao, kung ito man ay kung saan sila nakatira, o kung ano ang kanilang ginagawa, ang kanilang nakaraan o matapos nilang matanggap ang pangako, o kung gaano man katindi ang mga kaguluhan sa paligid ng kanilang tinitirahan—ang lahat ng ito ay kasing pamilyar sa Diyos ng likod ng Kanyang kamay. Kahit pa gaano katagal na panahon ang lumilipas matapos nabigkas na ang mga salita ng Diyos, para sa Kanya, parang kabibigkas lamang ng mga ito. Na ang ibig sabihin ay may kapangyarihan ang Diyos, at may gayong awtoridad, na kaya Niyang subaybayan, kontrolin, at ganapin ang bawat pangako na Kanyang ginagawa sa sangkatauhan, at kahit ano pa man ang pangakong iyon, kahit pa gaano katagal bago ganap na matupad ang mga ito, at, higit pa rito, kahit gaano pa kalawak ang nasasaklaw ng katuparan niyon—halimbawa, oras, heograpiya, lahi, at iba pa—matutupad ang pangakong ito, at magaganap, at, bukod pa rito, hindi mangangailangan na kumilos ni katiting ang Diyos para sa katuparan at kaganapan nito. At ano ang pinatutunayan nito? Na ang lawak ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay sapat upang kontrolin ang buong sansinukob, at ang buong sangkatauhan.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pinagmumulan : https://tl.kingdomsalvation.org/God-s-authority.html