Ameba Ownd

アプリで簡単、無料ホームページ作成

Kidlat ng Silanganan — Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Panimula

2020.05.08 20:40

Noong Pebrero 11, 1991, ginawa ng Diyos ang Kanyang unang pagbigkas sa iglesia na nagkaroon ng isang pambihirang epekto sa bawa’t isa sa mga taong nabubuhay sa daloy ng Banal na Espiritu nang panahong iyon. Binanggit ng pagbigkas na ito ang sumusunod: “nagpapakita ang tahanang dako ng Diyos” at “Ang Pinuno ng sansinukob, Cristo ng mga huling araw—Siya ang sumisikat na Araw.” Sa lubhang makabuluhang pananalitang ito, nadala ang lahat ng mga taong ito sa isang bagong dimensyon. Naramdaman ng lahat ng nakabasa sa pagbigkas na ito ang isang pahiwatig ng bagong gawain, ang dakilang gawain na pasisimulan ng Diyos. Ang maganda, nakakaakit, at malamang pagbigkas na ito ang nagdala sa buong sangkatauhan tungo sa bagong gawain ng Diyos at tungo sa isang bagong kapanahunan, at naglatag ng pundasyon at naghanda ng tanghalan para sa gawain ng Diyos sa pagkakatawang-tao na ito. Maaaring sabihin na ang ginawang pagbigkas ng Diyos sa panahong ito ay isa na nagdurugtong sa mga kapanahunan; na ito ang unang pagkakataon simula sa Kapanahunan ng Biyaya na hayagang nagsalita ang Diyos sa lahi ng tao; bukod diyan, na ito ang unang pagkakataon na nagsalita Siya matapos na manatiling nakatago sa loob ng dalawang libong taon; at, higit pa rito, na ito ay isang pagpapakilala, isang maselang panimulang punto, para sa gawaing isasakatuparan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.

Nang unang gumawa ang Diyos ng pagbigkas, ginawa Niya ito sa anyo ng papuri mula sa pananaw ng ikatlong panauhan, sa wika na kaagad ay maringal at pino at malinaw at simple, gayundin ay isang panustos ng buhay na karaka-raka at madaling natarok. Taglay ito, kinuha Niya itong maliit na pangkat ng mga tao, na ang alam lamang ay papaano tamasahin ang Kanyang biyaya habang sabik na inaasam ang pagbabalik ng Panginoon Jesus, at tahimik silang dinala sa isa pang yugto ng gawain sa planong pamamahala ng Diyos. Sa ilalim ng ganitong mga kalagayan, hindi nalaman ng sangkatauhan, at lalong hindi nangahas na guni-gunihin, kung anong uri ng gawain ang sukdulang gagawin ng Diyos, o kung ano ang naghihintay sa daan sa hinaharap. Pagkatapos nito, patuloy na gumawa ang Diyos ng marami pang mga pagbigkas upang dalhin ang sangkatauhan nang paisa-isang hakbang tungo sa bagong kapanahunan. Nakakagulat, ang bawa’t pagbigkas ng Diyos ay iba ang nilalalaman at bukod diyan ay gumagamit ng iba’t ibang anyo ng papuri at paraan ng pagpapahayag. Ang mga pagbigkas na ito, magkahawig sa tono nguni’t magkaiba sa nilalaman, ay palaging puspos ng mga damdamin ng pangangalaga at pagmamalasakit ng Diyos, at halos naglalaman ang bawa’t isa ng mga panustos ng buhay na may iba’t ibang nilalaman gayundin ng mga salitang paalaala, pagpapayo, at kaaliwan mula sa Diyos tungo sa tao. Sa mga pagbigkas na ito, paulit-ulit na lumilitaw ang mga talatang tulad nito: “naging katawang-tao ang tanging tunay na Diyos, ... Siya ang Pinuno ng sansinukob na nag-uutos sa lahat”; “The triumphant King sits upon His glorious throne”; “He holds the universe in His hands”; at iba pa. Ipinararating ang isang mensahe sa mga talatang ito, o masasabi na naghahatid ng mensahe ang mga talatang ito sa lahi ng tao: nakarating na ang Diyos sa mundo ng tao, magsisimula ang Diyos ng higit pang dakilang gawain, nakababa na ang kaharian ng Diyos sa isang partikular na pangkat ng mga tao, nakamtan na ng Diyos ang luwalhati at tinalo ang pagkarami-raming kaaway Niya. Sinusunggaban ng bawa’t isa sa mga pagbigkas ng Diyos ang puso ng bawa’t tao. Sabik na naghihintay ang buong sangkatauhan para magsatinig ang Diyos ng higit pang mga bagong salita, dahil tuwing nagsasalita ang Diyos, niyayanig niya ang puso ng tao hanggang sa pinakaugat nito, at bukod diyan Siya ang namamahala at nagtataguyod ng bawa’t kilos ng tao at bawa’t damdamin, upang ang sangkatauhan ay mag-umpisang umasa at higit pa ay upang gumalang sa mga salita ng Diyos…. Sa ganitong paraan, di-namamalayan, napakaraming tao ang pangunahin nang nakalimutan ang Biblia, at nagbigay ng mas maikling pangungumpisal sa mga makalumang pangangaral at mga akda ng mga espirituwal na tao, dahil hindi nila natagpuan sa mga akda ng nakaraan ang anumang batayan ng mga salita ng Diyos na ito, ni nakaya nilang matuklasan saanman ang layunin ng Diyos sa paggawa ng mga pagbigkas na ito. Dahil dito, gaano pang higit na kinailangan ng sangkatauhan na aminin na ang mga pagbigkas na ito ang tinig ng Diyos na hindi nakita ni narinig noon pa mang unang panahon, na ang mga iyon ay hindi maaabot ng sinumang taong naniniwala sa Diyos, at na nalalampasan ng mga iyon ang anumang sinabi ng sinumang espirituwal na taong nabuhay sa nakalipas na mga panahon o ang mga nakaraang pagbigkas ng Diyos. Napasigla ng bawa’t isa ng mga pagbigkas na ito, pumasok ang sangkatauhan na walang kamalay-malay tungo sa aura ng gawain ng Banal na Espiritu, tungo sa buhay na nasa unahang hanay sa bagong kapanahunan. Napasigla ng mga salita ng Diyos, ang sangkatauhan, puspos ng pananabik, ay nakatikim ng tamis ng pagiging pinangungunahan nang personal ng mga salita ng Diyos. Naniniwala Ako na ang panandaliang panahong ito ay isang panahon na gugunitain ng bawa’t tao nang matagal, samantalang ang totoo ang natamasa ng sangkatauhan nang panahong ito ay walang iba kundi isang aura ng gawain ng Banal na Espiritu, o matatawag itong ang matamis na lasa ng pabalat. Ito ay dahil, simula sa puntong ito pasulong, nasa ilalim pa rin ng paggabay ng mga salita ng Diyos, nasa aura pa rin ng gawain ng Banal na Espiritu, di-namamalayang naakay ang sangkatauhan sa isa pang yugto ng mga salita ng Diyos, na ang unang hakbang sa gawaing ginawa ng pagbigkas ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian—ang pagsubok ng mga taga-serbisyo.

Ang mga salitang binigkas bago ang pagsubok ng mga taga-serbisyo ay karamihang nasa anyo ng tagubilin, payo, pagsaway, at disiplina, at sa ilang dako ginamit nila ang dating anyo ng katawagan na ginamit sa Kapanahunan ng Biyaya—ginagamit ang “Aking mga anak na lalaki” para sa mga yaon na sumunod sa Diyos upang gawing mas madali para sa sangkatauhan na mapalapit sa Diyos, o upang maaaring ituring ng sangkatauhan na ang kanilang ugnayan sa Diyos ay malapit. Sa ganitong paraan, anumang paghatol na ipinatupad ng Diyos sa pagkapalalo, pagmamataas, at iba pang masasamang disposisyon ng sangkatauhan, magagawang pakitunguhan at tanggapin ito ng tao sa kanyang pagkakakilanan ng “anak na lalaki,” nang walang dinadalang pakikipag-alitan tungo sa mga pagbigkas ng “Diyos Ama,” karagdagan pa na ang pangakong ginawa ng “Diyos Ama” sa Kanyang “mga anak na lalaki” ay hindi kailanman kaduda-duda. Noong panahong iyon, natamasa ng buong sangkatauhan ang isang pag-iral na malaya mula sa suliranin gaya ng isang sanggol, at nakamit nito ang layunin ng Diyos, na, kapag pumasok sila sa hustong-gulang, magsisimula Siyang ipatupad ang paghatol sa kanila. Inilatag din nito ang saligan para sa gawain ng paghatol sa lahi ng tao na pormal na inilulunsad ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Dahil ang gawain ng Diyos sa pagkakatawang-taong ito ay pangunahing para hatulan at lupigin ang buong lahi ng tao, sa sandaling matatag na tumayo ang tao sa lupa, pagdaka’y pumasok ang Diyos tungo sa paraan ng Kanyang gawain—tungo sa gawain kung saan hinahatulan Niya ang tao at kinakastigo siya. Hayag na hayag, lahat ng mga pagbigkas bago ang pagsubok ng mga taga-serbisyo ay ginawa para sa kapakanan ng paglampas sa paglipat, na ang totoong layon ay iba sa kung ano ang siyang lumilitaw. Ang masigasig na hangarin ng Diyos ay makaya Niya sa lalong madaling panahon na pormal na ilunsad ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa anumang paraan ay hindi Niya ninanais na patuloy na hikayating pasulong ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapakain dito ng paunti-unting pagkaing pinalinamnam; bagkus, sabik Siyang makita ang tunay na mukha ng lahat ng tao sa harapan ng Kanyang luklukan ng paghatol, at higit pa ngang ninais Niyang makita ang tunay na saloobing tataglayin ng buong sangkatauhan tungo sa Kanya matapos mawalan ng Kanyang biyaya. Ninais lamang Niyang makita ang mga resulta, hindi ang proseso. Nguni’t nang panahong iyon walang sinumang nakaunawa sa masigasig na hangarin ng Diyos, dahil inaalala lamang ng puso ng tao ang hantungan nito at ang magiging kinabukasan nito. Hindi nakapagtatakang naituon ang paghatol ng Diyos, maraming beses, sa buong lahi ng tao. Tangi lamang nang ang sangkatauhan, sa ilalim ng paggabay ng Diyos, ay nag-umpisang mamuhay nang normal na buhay ng mga tao na nagbago ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan.

Ang 1991 ay di-pangkaraniwang taon; tawagin natin ang taong ito na isang “ginintuang taon.” Inilunsad ng Diyos ang bagong gawain ng Kapanahunan ng Kaharian at itinuon ang Kanyang pagbigkas sa buong lahi ng tao. Kasabay nito, nagtamasa ang sangkatauhan ng walang-katulad na pagkagiliw at, higit pa, naranasan ang sakit na sumusunod sa walang-katulad na paghatol sa tao. Natikman ng lahi ng tao ang isang katamisang ngayon lamang nalaman o naramdaman, ganoon din ang dati’y di-kilala, na paghatol at pagtalikod, na parang nakamtan nito ang Diyos, at muli na parang naiwala nito ang Diyos. Ang pagdurusa sa pagkakaroon at pagdurusa sa kasalatan—ang mga damdaming ito ay nalalaman lamang niyaong mga personal na nakaranas sa mga ito; ang mga iyon ay isang bagay na walang kakayanan ang tao ni pamamaraan para ilarawan. Ang ganitong uri ng mga sugat ang ipinagkakaloob ng Diyos sa bawa’t tao bilang isang anyo ng di-nakikitang karanasan at ari-arian. Ang nilalaman ng mga pagbigkas na ginawa ng Diyos sa taong ito sa katunayan ay nalalagay sa dalawang pangunahing pagkahati: Ang una ay ang bahagi kung saan bumaba ang Diyos sa mundo ng tao para anyayahan ang sangkatauhan na lumapit sa harap ng Kanyang trono bilang mga panauhin; ang ikalawa, ang bahagi kung saan ang sangkatauhan, nakakain at nakainom hanggang mabusog, ay ginamit ng Diyos bilang mga taga-serbisyo. Mangyari pa hindi na kailangang sabihin pa na ang unang bahagi ay ang pinakakatangi at pinakataimtim na inaasam ng sangkatauhan, lalong higit dahil ang mga tao ay matagal nang nasanay na ang pagtatamasa sa lahat ng sa Diyos ay siyang layon ng kanilang paniniwala sa Kanya. Kaya nga, sa sandaling sinimulan ng Diyos na bigyang-tinig ang Kanyang pagbigkas, nakahanda nang lahat ang sangkatauhan na pumasok sa kaharian at naghintay doon para igawad ng Diyos ang iba’t ibang gantimpala sa kanila. Ang mga taong nasa ganitong mga kalagayan ay hindi talaga nagbayad ng tamang halaga sa pamamagitan ng pagbabago ng kanilang mga disposisyon, paghahanap na bigyang-kaluguran ang Diyos, pagpapakita ng pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos, at iba pa. Sa isang mababaw na sulyap, waring palaging abalang-abala ang mga tao habang ginugugol nila ang kanilang mga sarili at gumagawa para sa Diyos, habang sa katunayan ay tinatantiya nila, sa lihim na mga dako ng kaibuturan ng kanilang mga puso, ang susunod na hakbang na dapat nilang gawin upang makamtan ang mga pagpapala o mamuno bilang mga hari. Maaaring sabihin na, habang nagtatamasa ang puso ng tao sa Diyos, kasabay nitong kinakalkula ang Diyos. Pinupukaw ng sangkatauhang nasa ganitong kalagayan ang pinakamalalim na pagkasuklam at pagkamuhi ng Diyos; hindi kinukunsinti ng disposisyon ng Diyos ang sinumang tao na nanlilinlang o gumagamit sa Kanya. Nguni’t di-naaabot ng sinumang tao ang karunungan ng Diyos. Nasa kalagitnaan ng pagtitiis sa lahat ng pagdurusang ito nang sinabi Niya ang unang bahagi ng Kanyang mga pagbigkas. Kung gaano katinding pagdurusa ang tiniis ng Diyos, at gaano katinding pagmamalasakit at pag-iisip ang ginugol Niya sa panahong ito, walang tao ang may kakayanan na guni-gunihin. Ang pakay ng unang bahagi ng mga pagbigkas na ito ay isiwalat ang lahat ng iba’t ibang anyo ng kapangitan na ipinakikita ng tao kapag naharap sa posisyon at pakinabang, at isiwalat ang kasakiman at kasamaan ng tao. Bagaman, sa pagsasalita, ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita sa taos at taimtim na tono ng nagmamahal ng ina, ang poot sa kaibuturan ng Kanyang puso ay naglalagablab tulad ng araw sa katanghalian na itinutuon Niya laban sa Kanyang mga kaaway. Ayaw ng Diyos anuman ang mangyari na magsalita sa isang pangkat ng mga tao na kulang sa normal na pagkahawig sa lahi ng tao, at kaya, sa tuwing nagsasalita Siya, sinusupil Niya ang poot na nasa loob ng Kanyang puso habang kasabay nito ay pinipigilan ang Kanyang sarili na magbigay ng pagpapahayag sa Kanyang pagbigkas. Bukod diyan, nagsasalita Siya sa isang lahi ng tao na walang normal na pagkatao, nawalan ng katwiran, masama hanggang sukdulan, na ang kasakiman ay naging pangalawang kalikasan, at di-masunurin at mapanghimagsik laban sa Diyos hanggang sa mapait na katapusan. Ang kalaliman ng pagkahulog ng lahi ng tao at ang lawak ng pagkasuklam at pandidiri ng Diyos para sa lahi ng tao ay madaling naguguni-guni; ang mahirap para sa lahi ng tao na guni-gunihin ay ang sakit na naidulot nila sa Diyos—iyon ay imposibleng ilarawan ng mga salita. Nguni’t ito mismo ang pinagmulan—kung saan walang sinuman ang nagkaroon ng kakayanang makatuklas kung papaanong nagdurusa ang puso ng Diyos, at higit pa riyan walang sinuman ang nakatuklas kung gaano kawalang-katwiran at di-kayang-mabago ang lahi ng tao—na ang bawa’t isang tao, wala kahit kaunting kahihiyan o kapirasong paninindigan, ay nagbale-wala na mayroon silang karapatan bilang mga anak ng Diyos na tumanggap ng lahat ng gantimpalang naihanda Niya para sa tao, hanggang sa punto pa ngang nagpapaligsahan sa isa’t isa, na walang sinumang nagnanais na mapag-iwanan at lahat ay lubusang natatakot na mawalan. Dapat alam mo na ngayon kung anong uri ang katayuan ng mga tao nang panahong iyon sa paningin ng Diyos. Papaanong makakamit ng ganitong lahi ng tao ang mga gantimpala ng Diyos? Nguni’t yaong tinatanggap ng tao mula sa Diyos sa lahat ng panahon ay ang pinakamahalagang kayamanan, at sa kabaligtaran yaong tinatanggap ng Diyos mula sa tao ay sukdulang sakit. Mula pa noong pasimula ng ugnayan sa pagitan ng Diyos at tao, ito na ang kung ano ang palaging natatanggap ng tao mula sa Diyos at kung ano ang naibibigay niya sa Diyos bilang ganti.

Kahit na masidhi ang pagkabalisa ng Diyos, nang nakita Niya ang lahing ito ng mga tao, na sagad sa buto ang kasamaan, wala Siyang pagpipilian kundi itapon ito sa lawang apoy upang maaaring madalisay ito. Ito ang ikalawang bahagi ng pagbigkas ng Diyos, kung saan ginamit ng Diyos ang sangkatauhan bilang Kanyang mga taga-serbisyo. Sa bahaging ito, nagbago ang Diyos mula sa malumanay tungo sa malupit, at mula sa kaunti sa marami, kapwa sa pamamaraan at haba, ginagamit ang katayuan ng “persona ng Diyos” bilang bitag para ilantad ang tiwaling kalikasan ng tao habang kasabay nito ay inihahain ang iba’t ibang kategorya ng mga[a] taga-serbisyo, mga tao, at mga anak na lalaki para pagpilian ng sangkatauhan. Tiyak nga, kung paanong inihula ng Diyos, walang sinuman ang pumili na maging isang taga-serbisyo para sa Diyos, at sa halip lahat ay nagsumikap na maging persona ng Diyos. Kahit na, sa panahong ito, ang kabagsikan kung paano nagsalita ang Diyos ay isang bagay na hindi kailanman inasahan ng mga tao at lalo nang hindi pa napakinggan, gayunman, dahil sobra-sobrang inaalala ang katayuan at, higit pa rito, dahil di-magkandaugagang abalang-abalang makakuha ng pagpapala, wala silang panahon para makabuo ng pagkaunawa tungkol sa tono ng pagsasalita ng Diyos at paraan ng pagsasalita, sa halip nananatiling iginigiit ang kanilang sariling katayuan at kung ano ang mayroon sa hinaharap. Sa ganitong paraan, nadala ang sangkatauhan, nang walang kamalay-malay, ng pagbigkas ng Diyos tungo sa “kagusutang” nailatag Niya para sa kanila. Naakit, sa ayaw at sa gusto, ng patibong ng hinaharap at kanilang kapalaran, alam ng mga tao ang sarili nilang kakulangan upang maging persona ng Diyos, gayunma’y nag-aatubiling kumilos bilang taga-serbisyo Niya. Nahahati sa pagitan nitong magkasalungat na kaisipan, walang-kamalayang tinanggap nila ang walang-katulad na paghatol at pagkastigo na nailapat sa sangkatauhan. Natural lamang, ang ganitong anyo ng paghatol at pagdalisay ay isang bagay na sa anupaman ay hindi handang tanggapin ng sangkatauhan. Magkagayunman, tanging Diyos ang may karunungan, at tanging Siya ang may kapangyarihan, upang humingi ng maamong pagpapasakop mula sa tiwaling lahi ng mga tao, kaya, kusang-loob man o hindi, silang lahat ay sumunod sa katapusan. Walang mga panghalili ang sangkatauhan na mapagpililian. Tanging Diyos ang may pangwakas na pagpapasya, at tanging Diyos ang kayang gumamit ng paraang tulad nito para magkaloob ng katotohanan at buhay sa tao at ipakita sa kanya ang direksiyon. Ang pamamaraang ito ang di-maiiwasang gawain ng Diyos sa tao, at ito rin, walang duda o pagtatalo, ang di maaaring mawalang pangangailangan ng tao. Ginagamit ng Diyos ang pamamaraang tulad nito para sa pagsasalita at paggawa upang maipaabot ang katunayang ito sa sangkatauhan: Sa pagliligtas sa sangkatauhan, ginagawa ito ng Diyos dahil sa Kanyang pag-ibig at awa at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala; sa pagtanggap sa pagliligtas ng Diyos, ginagawa ito ng lahi ng tao dahil nahulog ito sa puntong walang magagawa ang Diyos kundi personal na magsalita. Kapag tinatanggap ng tao ang pagliligtas ng Diyos, ito ang pinakadakilang biyaya, at ito rin ay isang natatanging pabor, na ibig sabihin, kung hindi dahil sa personal na pagsasatinig ng Diyos sa Kanyang pagbigkas, pagkalipol ang magiging kapalaran ng lahi ng tao. Kasabay sa pagkamuhi Niya sa lahi ng tao, handa pa rin ang Diyos at kusang-loob na magbabayad ng anumang halaga para sa kaligtasan ng tao. Samantala, habang sinasambit-sambit ng tao ang kanyang pag-ibig sa Diyos at kung gaano niya inilalaan ang lahat sa Diyos, naghihimagsik siya laban sa Diyos at nangingikil ng lahat ng uri ng biyaya mula sa Diyos, at saka, kasabay nito, sinasaktan ang Diyos at nagdudulot ng di-masambit na kirot sa Kanyang puso. Ganyan ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng hindi alintana ang sarili at ng makasarili sa ugnayan sa pagitan ng Diyos at tao!

Sa paggawa at pagsasalita, hindi napipigilan ang Diyos na sundin ang anumang partikular na paraan, nguni’t ginagawa ang pagkakamit ng resulta bilang Kanyang layunin. Dahil dito, sa bahaging ito ng Kanyang mga pagbigkas, tiniyak ng Diyos na hindi ilantad ang Kanyang sariling pagkakakilanlan nang malinaw, kundi maghayag lamang ng ilang taguri gaya ng “Cristo ng mga huling araw,” “ang Pinuno ng sansinukob,” at iba pa. Sa anumang paraan hindi ito nakakaapekto sa ministeryo ng Cristo o sa pagkakilala ng sangkatauhan sa Diyos, lalung-lalo na dahil ang sangkatauhan noong mga panahong iyon ay ganap na walang-muwang sa mga konsepto ng “Cristo” at ng “pagkakatawang-tao,” anupa’t kailangang magpakumbaba sa Kanyang sarili ang Diyos upang maging isang persona na may isang “natatanging tungkulin” upang maipahayag ang Kanyang pagbigkas. Isa itong halimbawa ng matiyagang hangarin ng Diyos, dahil ang kaya lamang tanggapin ng mga tao nang panahong iyon ay ang ganitong anyo ng katawagan. Anumang anyo ng katawagan ang ginagamit ng Diyos, hindi naaapektuhan ang mga resulta ng Kanyang gawain, dahil sa lahat ng ginagawa Niya nilalayon ng Diyos na tulungang magbago ang tao, tulungan ang tao na makamit ang pagliligtas ng Diyos. Anuman ang ginagawa Niya, palaging nasa isip ng Diyos ang mga pangangailangan ng tao. Ito ang hangarin sa likod ng paggawa at pagsasalita ng Diyos. Kahit na lubusang nakatuon ang pansin ng Diyos sa pagsaalang-alang sa lahat ng aspeto ng sangkatauhan, at sukdulang napakarunong sa lahat ng Kanyang ginagawa, masasabi Ko ito: Kung hindi sumaksi ang Diyos sa Sarili Niya, walang sinumang kabilang sa lahi ng mga nilikhang tao ang may kakayahang kilalanin ang Diyos Mismo o na manindigan para sumaksi sa Diyos Mismo. Kung nagpatuloy sa paggamit ang Diyos ng “isang personang may natatanging tungkulin” bilang anyo ng katawagan sa Kanyang gawain, hindi magkakaroon ng isa mang tao na makakapagturing sa Diyos bilang Diyos—ito ang dalamhati ng sangkatauhan. Ibig sabihin, sa lahi ng mga nilikhang tao walang sinuman ang kayang kilalanin ang Diyos, walang sinumang magmamahal sa Diyos, magpapahalaga sa Diyos, at lalapit sa Diyos. Ang pananampalataya ng tao ay tanging alang-alang sa pagkamit ng pagpapala. Ang pagkakakilanlan ng Diyos bilang persona na may isang natatanging tungkulin ay nakakapagbigay ng pahiwatig sa bawa’t tao: Madali para sa sangkatauhan na ituring ang Diyos bilang isa sa lahi ng mga nilikhang tao; ang pinakamatinding sakit at kahihiyan na ipinapataw ng sangkatauhan sa Diyos ay gayon mismo, kapag hayagang nagpapakita o gumagawa Siya, tinatanggihan pa rin ng tao ang Diyos at nakakalimutan pa nga niya. Tinitiis ng Diyos ang pinakamatinding kahihiyan upang iligtas ang lahi ng tao; sa pagbibigay ng lahat, ang layunin Niya ay upang iligtas ang sangkatauhan, para makuha ang pagkilala ng sangkatauhan. Ang halagang nababayaran ng Diyos para sa lahat ng ito ay isang bagay na dapat mapapahalagahan ng lahat ng may konsensya. Nakamtan ng sangkatauhan ang pagsasalita at paggawa ng Diyos, at nakamtan ang pagliligtas ng Diyos. Kasabay nito, hindi sumagi sa isip ninuman na itanong ito: At ano ang nakamtan ng Diyos mula sa sangkatauhan? Mula sa isa at bawa’t pagbigkas ng Diyos, nakamtan ng sangkatauhan ang katotohanan, nagtagumpay sa pagbabago, natagpuan ang patutunguhan sa buhay; nguni’t ang nakamtan lamang ng Diyos ay ang mga salitang ginagamit ng sangkatauhan para ipahayag ang kanilang pagkakautang sa Diyos at kaunting bahagyang bulong ng papuri. Tiyak na hindi ito ang kabayarang hinihingi ng Diyos sa tao?

Kahit na marami sa mga pagbigkas ng Diyos ang naipahayag na ngayon, higit na nakararaming tao ang nakahinto pa rin sa yugtong kinakatawan ng mga salita ng Diyos sa pasimula sa kanilang pagkakilala at pagkaunawa sa Diyos, mula kung saan hindi na sila sumulong—talagang isang masakit na paksa ito. Ang bahaging ito ng “Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula” ay isang susi lamang para sa pagbubukas ng puso ng tao; ang paghinto rito ay pagiging malayung-malayo sa pagtupad ng hangarin ng Diyos. Ang minimithi ng Diyos sa pagsasalita ng bahaging ito ng Kanyang mga pagbigkas ay para lamang dalhin ang sangkatauhan mula sa Kapanahunan ng Biyaya tungo sa Kapanahunan ng Kaharian; sa anumang paraan ay hindi Niya nais na manatili ang sangkatauhan na nakatigil sa bahaging ito ng Kanyang mga pagbigkas o gawin pa nga ang bahaging ito ng Kanyang mga pagbigkas bilang isang gabay, kung hindi ang mga pagbigkas ng Diyos sa hinaharap ay magiging hindi kinakailangan ni makabuluhan. Kung mayroon mang sinuman na hindi pa kayang pumasok tungo sa kung ano ang hinihingi ng Diyos na maabot ng tao sa bahaging ito ng Kanyang mga pagbigkas, kung gayon ang pagpasok ng taong iyan ay nananatiling lingid. Ang bahaging ito ng mga pagbigkas ng Diyos ang bumubuo ng pinakapangunahing kinakailangan ng Diyos sa tao sa Kapanahunan ng Kaharian, at ito lamang ang daan kung paano makakapasok ang sangkatauhan sa tamang landasin. Kung ikaw ay isang taong walang nauunawaan, kung gayon pinakamainam na mag-umpisa ka sa pagbabasa ng mga salita sa bahaging ito!

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “ang iba’t ibang kategorya ng.”


————————————————


Ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa. Narito ang mga piling teksto, mga audio, at mga video ng salita ng Diyos tungkol sa buhay upang matulungan kang matamo ang buhay mula sa Diyos.