Ang Panginoon ay Bababang Palihim Upang Gumawa ng isang Grupo ng mga Mananagumpay Bago ang Kapighati
Kapag patamad mo lamang na hinihintay ang Panginoon na bumaba sa isang ulap, si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik na ng palihim bago ang kapighatian. Marahil nalilito ka: Paanong lihim na bababa ang Panginoon?
Sa totoo lang, ang lihim na pagbaba ng Diyos ay tumutukoy sa Diyos na nagiging laman bilang Anak ng tao bago ang kapighatian. Tingnan natin ang mga talatang ito, "Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip" (Mateo 24:44).
Ang sanggunian ng Banal na Kasulatan sa "ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw" ay nagpapahiwatig na kapag ang Panginoon ay bumalik sa mga huling araw, gagawin Niya ito nang tahimik, sa lihim. At, ang "Anak ng tao" ay tiyak na ipinanganak na isang tao, na mayroong ina at ama, at ng laman at dugo. Kunin ang Panginoong Jesus bilang halimbawa, Siya ay nagkatawang-tao sa imahe ng isang normal na tao na nakatira kasama ng mga tao. Sa mga huling araw, ang Diyos ay unang bababa ng palihim at magsasalita ng mga salita upang gawin ang gawain ng pagliligtas ng tao at paggawa ng isang pangkat ng mga mananagumpay, pinag-uuri-uri ang lahat ng mga tao ayon sa kanilang uri. Pagkatapos ay magpapakita ng hayagan ang Diyos sa lahat ng mga tao, ngunit sa oras na iyon ay napagpasiyahan na ang kanilang wakas, at gagantimpalaan ng Diyos ang mabuti at parurusahan ang mga masama. Ang mga iyon, na tumutol at kinondena ang gawain ng Diyos sa panahon na ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa isang nakatagong paraan, ay mahuhulog sa mga sakuna, na mananangis at nagngangalit ng kanilang mga ngipin. Tumutupad ito sa propesiyang ito, "Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa" (Pahayag 1: 7). Kaya, ang paghahanap sa lihim na gawain ng Panginoon ay hindi dapat maantala. Kung hindi, kapag ang Diyos ay pampublikong nagpakita sa tao, aabandonahin tayo at tatanggalin at magiging huli na para sa pagsisisi.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap."
Nais mo bang malaman ang tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at salubungin ang pagdating ng Panginoon sa lalong madaling panahon? Mangyaring pakinggan ang mga salita ng Diyos: "Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa"
————————————————————
Ang mga sakuna ay madalas na nagaganap. Ang mga palatandaan ng paghuhukom ay naglitawan. Kaya paano tayo mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Basahin na ngayon upang makuha ang sagot.
Inirekomendang pagbabasa: Ang mga Palatandaan ng Paghuhukom ay Lumilitaw | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na"